*** Masakit. Mahirap. 'Yan ang nararamdaman ngayon ni Aria habang nakatitig sa anak niya na ngayong nakahilata sa kama at wala paring malay. Tatlong araw na ang lumipas. Hindi parin nagpapakita sa kaniya si Triton. Wala rin naman siyang pakialam sa lalaking 'yun pero sa tuwing sumasagi sa isip niya ang sagutan nila at ang mga salitang binibitawan nito, kumikirot ang dibdib niya. Hindi niya alam kung bakit, kung bakit siya nasasaktan sa mga salitang binibitawan ni Triton. Kung tutuusin, nagulat siya roon pero hindi niya pinapahalata dahil ayaw niyang ipamukha or ipakita kay Triton na mahina siya, na natatakot siya. Galit na galit parin siya kay Triton dahil sa nangyari sa anak nila. Hindi niya lang talaga matanggap. Kapag nawala ang anak niya siguradong hindi mananahimik ang kaluluwa

