No, I'm not scared of him, how many times do I have to tell this to myself? But goddamn it! Sumosobra na talaga ang hinapuyak na 'yon. Umaapaw na talaga ang kademonyuhan niya, nakakainis! Nakaka-bwesit! Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Buti na lang pinalayas ako ni Arkelix, kundi baka patay na ngayon ang anak ko. Pero sa nakikita ko kahapon? Hindi naman niya sinasaktan ang anak ko at wala rin namang galos sa katawan si Zack, alam niya na kaya'y anak niya si Zack? Mabilis akong umiling. Nilabas ko ang cellphone ko mula sa loob ng bag msaka tinawagan ang number ni Vena. Nasa mall ako ngayon, kasama ko ang anak ko, bakas nga sa mukha niya na bagot na bagot na talaga siya. Umiba na talaga ang ugali ng anak ko, namana niya na talaga ang lahat sa ama niyang may sayad sa utak. He

