Cincuenta y tres Kinuha ko ang unan na nasa tabi ko ng tumama sa mukha ko ang sinag ng araw. Sinag ng araw? Bigla akong napabangon at muntik pang mahulog dahil ito ang unang beses na nagising ako na may araw na. Nang tingnan ko ang orasan sa tabi ng higaan ko ay ala siyete na ng umaga. Nang bumangon ako ay naririnig ko na ang maliliit na boses na nagsasalita. Naabutan ko si Savo sa sala na nanonood ng telebisyon. “Good morning, Ate Sam! You look tired,” he commented. Yeah, I feel tired, and I don’t know why. Maybe because I got too drunk last night, good thing that Dino is with me, and all he does the whole night is take care of me and carry me home. Nagluto lang ako ng pagkain para kay Savo matapos kung maligo at magbihis. Naka Shorts lang ako ngayon at sweater dahil tinatamad akon

