CHAPTER 4

1048 Words
Mariin ko s'ya hinalikan at naramdaman ko ang paghagod ng kamay nito sa likuran ko,nang biglang nagbukas ang pinto ng bodega kung saan nakulong kami dalawa. Mabilis ako lumayo kay Leo,nakita kong mataman ako tinitigan ni Leo,nang maratnan kami ni Manang Lucy sa loob ng bodega. "Jusko! Nakarinig ako ng malakas na kalabog kaya napa akyat ako dito,"gulat na wika ni Manang Lucy sa amin,katulong namin ito sa mansion. Tumayo kaming dalawa ni Leo at nag palipat-lipat ng tingin sa aming dalawa ni Leo. "Kailan pa kayo nakulong rito,"tanong ni Manang Lucy. "Kahapon lang po,"sagot ko at nagsalita. "Manang,paki akyatan na lang ako ng pagkain sa kwarto ko. Kahapon pa ako namimilipit sa gutom,"dugtong ko pa at nauna na lumabas sa kanila. Deretso ako nag tungo sa hagdan patungo sa kwarto ko. Mabilis ako naligo ng maligamgam na tubig sa bathub at pagkatapos ay nag bathrobe ako at lumabas ng banyo. Nakita kong pumasok si Manang Lucy at may dala itong tray na may nakapatong pagkain at inilagay sa mesa. Mabilis ako umupo at kinuha ang pagkain,gutom na gutom akong kumain. Agad naman akong pinagmasdan ni Manang at nagsalita ito. Dahan-dahan lang senyorita,baka mabulunan kayo."Pag aalala nito. "Kahapon pa ako gutom na gutom Manang,"maluha-luha kong Turin kay Manang habang may laman ng pagkain ang bibig ko at sumagot ito. "Siguradong gutom na gutom din 'yong bata na 'yon,"wika nito na ang tukoy ay si Leo. Natigilan ako sa pagkain nang bangitin nito ang tungkol kay Leo. Nilapagan ako ng isang basong tubig ni Manang at doon lumabas na ng kwarto. "Haayy..bakit pa kase hinalikan ko si Leo kanina,pagsisi kong sabi sa isipan ko. Maya-maya ay mayroong pumasok sa kwarto ko at 'yon ang kapatid kong si Elaine. "Ate!"tawag nito sa akin. "Nakulong daw kayo sa bodega ni Leo,"agad na wika nito nang makapasok sa kwarto. "Oo,"tipid na sagot ko. "Ang daya mo naman Ate,sana kami na lang ni Kuya Leo ang nakulong sa bodega,"turan ni Elaine na ikinagulat ko. Mahinang hinampas ko ito sa braso at nagsalita. "Tumigil ka nga d'yan baka meron makarinig sayo,Elaine! Baka ano isipin sayo dahil sa pinagsasabi mo,"Agad na saway ko rito. Nahinto ako sandali at tumitig kay Elaine. "Teka,may gusto ka ba kay Leo?"dugtong ko. "Meron"agad na sagot nito,nanlaki ang mata ko at sumagot. "Seryoso,Elaine,"tipid na tanong ko. "Pero paghanga lang naman 'yon,Ate. May boyfriend ako,noh!"sagot nito at nakahinga ako ng maluwag. Sobra ako mag aalala kung magkakagusto s'ya kay Leo dahil may boyfriend na ito at nahalikan ko pa kanina sa bodega si Leo. Mabilis sumapit ang gabi hawak ko ang camera ko at isa isang tinitingnan ang mga litrato kuha ko kanina kay Leo. Ano ang nangyayari sa'kin,bakit parang na nagkakaisang gusto na ako sa kaniya? Bakit hindi na s'ya mawala sa isipan ko. Dati naman noong una ko ito makita na dinala ni Manang Lili sa mansyon ay wala naman akong pakialam rito,pero ngayon tila nagkaroon ako ng interes sa kaniya. Galing ito sa Maynila,noong bata pa daw ito ay kinuha daw ito ng tiyahin nito at doon pinag aral,at ngayon ay hindi ko alam kung ano ang dahilan bakit ito narito sa probinsya namin. Nakalimutan ko itanong sa kaniya kung bakit s'ya narito? At kung magtatrabaho lang din naman s'ya ay dapat sa Maynila na hindi dito sa probinsya o sa baryo namin,wika ko sa isipan ko. Nang may kumatok sa pinto ng kwarto ko at nagsalita ako."Pasok,"wika ko at agad naman pumasok ang katulong. "Senyorita Sabrina,may bisita po kayo sa baba,"wika ng katulong. "Sino?"tanong ko "Si Senyorito,Alex po,"Turin ng katulong. Agad naman ako tumango at sumagot. "Sige,susunod na lang ako," sagot ko,at ipinatong sa mesa ang hawak na camera ko. Nang makababa nakita ko si Alex nakaupo sa sofa at nasa centertable ang isang bouquet flowers at iba pang mga prutas. "Anong ginagawa mo dito?"bungad na tanong ko. "Pinasyalan kita,"sagot nito. "I mean anong ibigsabihin ng mga 'yan?Flowers at 'yang mga prutas. Bakit may dala ka na naman ng mga 'yan,"sunod-sunod na tanong ko. Tumayo ito at lumapit sa akin,kinuha ang isa kong kamay at nagsalita. "I'm begging you Sabrina, i like you so much,"wika nito. Inalis ko ang kamay ko mula rito at sumagot. "Sinabi ko na sayo Alex, wala ka mapapala sa akin. Noon pa lamang ay sinabihan na kita,ayoko masaktan kita. Please respect my decision,"Paliwanag ko rito. Dumating ang Daddy ko,nagtungo ito sa gawi ko at nilapitan ako. Humalik ito sa pisngi ko at nag salita. "Sweetie, my daughter. Ngayon lang kita nakita,where have you been?"tanong ni Dad sa akin,hindi ako sumagot at naupo na lamang sa sofa at binalingan ni Dad si Alex. "Alex,naririto ka pala. Maupo ka,"Alok ni Dad rito. Naupo ito sa tabi ko,nag usap sila ni Daddy habang ako ay sa iba nakatingin. Tinawag ni Dad ang katulong at nagsalita. "Lucy! Tawagin mo nga si Leo. Igarahe n'ya ng maayos ang sasakyan ko,nasa labas ng gate."Utos ni Dad kay Manang Lucy. Agad inabot ni Dad ang susi sa kay Manang Lucy,kaya naman dumapo ang mga mata ko sa labas ng mansyon. Nagbabakasakali na makita ko si Leo. Maya-maya lang ay bumalik na din ang katulong at binigay ang susi ng sasakyan kay Dad,ibigsabihin ay tapos na ni Leo igarahe ang sasakyan ni Dad.kaya naman agad ako tumayo at naiwan ko sa sofa si Dad at Alex,nagtungo ako sa labas ng mansyon. Hinanap ko ng mga mata ko si Leo,pero hindi ko ito nakit. At nang hindi ito makita ay nagtanong na ako sa katulong dumaan mula sa likuran ko. "Maria,fe!"tawag ko rito. "Nakita mo ba si Leo?" tanong ko. "Nakauwe na po Senyorita,"turan ng katulong. "Aah,ganun ba,"tanging nasabi ko. "Opo,Senyorita,"sagot nito at umalis na sa harap ko. Nakaalis na rin si Alex,pasado alas-dose na ng gabi pero hindi pa rin ako makatulog. Hndi ako mapakali sa kwarto ko na parang may kung anong gumugulo sa isipan ko. Bumangon ako sa kama at nagtungo sa veranda. Nakatanaw ako dito nang makita ko ang bahay nina Leo,bukas ang ilaw nito at pinagmasdan ko. Nakatingin ako rito nang mapansin ko si Leo sa bahagi ng bahay nito Nakaupo ito sa di kalayuan at may hawak na gitara. Marunong pala ito mag gitara,wika ko at napangiti. Sandali ko pa ito pinagmasdan hanggang sa napagdesisyunan ko na lumabas ng mansyon para personal na makita ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD