SABRINA POV. "Alex! Tulungan mo kami! Tulungan mo kami!!"sigaw ni Elaine at mabilis inagaw sa kamay niya ang phone na hawak mula nakagapos na mga kamay. Nagulat pa ako ng malakas na sampalin nito si Elaine. "Elaine!'Walang hiya kang lalaki ka!!"singhal ko. Pagak tumawa ang lalaki at bumaling sa akin,hinawakan nito ang ba-ba ko at mahina nag salita. "Ang ganda mo naman,gusto mo paligayahin kita,"saad ng lalaki. "Pwe! In your dream!"singhal ko. "Pakawalan mo kami rito!"dugtong ko pa na sigaw. Ngunit maya-maya lang pumasok na sa lumang kwarto ang babaeng kinuha ko noon bilang private nurse. Nakatitig ako rito habang nakangising nasa harap namin. "Hi,kamusta naman kayo,"nakangisi nitong saad. "So ikaw pala ang nagpadukot sa amin,"saad ni Elaine . "Meron pa bang iba?"wika nito

