"As of now, his condition is improving, he just needs to rest."Akmang aalis na ang doktor pero agad ako nag habol ng tanong rito.
"You said as my daddy’s life, I’ve already made a decision about that. Papa chemotherapy ko si Dad,no matter what happens,"habol na wika ko.
"Pinaliwanag ko na sayo,iha. Mapapadali lamang ang buhay ng ama mo kung ipipilit mo ang gusto mo,"turan nito.
"Sumugal na ako Doc,Santiago. Nawala na sa akin ang mag ama ko,nagpakasal ako sa lalaking hindi ko gusto para sa Daddy ko. Siguro naman may karapatan ako magdesisyon para sa Daddy ko,"mahabang turan ko at na tahimik ito.
"Gusto ko gumaling ang Daddy ko,hindi ang mawala s'ya sa amin ng mga kapatid ko. Handa ako kami magbayad ng malaki sayo,please...patagalin mo pa ang buhay n'ya,"mahabang dugtong ko at hindi napigilan umiyak sa harap ng mga ito.
Bumaling ito ng tingin sa Daddy ko habang ngayon ay tahimik naupo sa kama katabi ni Dad.
"Dad..mahal na mahal kita,lumaban ka para sa akin para kay Elaine. Para kay Kuya na ngayon hindi pa nalalaman ang lagay mo,"lumuluhang baling ko kay Dad.
Nang araw na iyon ay hindi pa rin ako pinakinggan ng doktor na gumagamot sa Daddy ko,doon ay tinawagan ko na ang Kuya ko na nasa ibang bansa naninirahan.
Kinausap ko ito at pinaalam ang gusto o mangyari,naghahanda na rin ito sa pagsampa ng eroplano pauwi sa mansyon para makita si Daddy. Ilang araw namalagi sa masyon ang anak kong si Andrei,lumipas na ang mahigit isang linggo pero hanggang ngayon ay hindi pa rin umuuwi si Leo sa kanila. Nag aalala na ako kay Leo,ilan beses na ako nagpabalik balik sa bahay nina Leo pero hindi pa rin daw ito umuuwi.
Nasa kusina si Manang Lucy habang ako ay katabing pinanonood na naglalaro ang anak ko,pinagmamasdan ko ito. Ang mga mata at hugis ng mukha nito ay nakuha nito kay Leo. Sa tuwing pinagmamasdan ko ito ay si Leo ang nakikita ko,nasaan na kaya ang tatay mo anak? Bakit hindi pa siya bumabalik?Tanong ko sa isipan at nabigla ng mahinang magsalita si Andrei.
"Ta..ta…"mahinang sambit nito.
"What are you going to say,baby,"tanong ko rito.
"Hinahanap na n'ya ang tatay n'ya Senyorita,"sabat sa likuran namin at napalingon.
"Inay Lili,"sambit ko.
"Paki sabi kay Lucy,kukunin ko na ang apo ko,"dugtong nito.
"Inay nakauwi na si Leo?"nag aalalang tanong ko.
Sandali ito na tahimik at tumitig sa akin,"Kalimutan mo na ang anak ko,"mahinang turan nito at lumandas ang luha ko sa pisngi.
Agad ko ito hinabol at nag salita.
"Inay Lili,malapit na gumaling ang Daddy ko. Mag fifile ako ng annulment papers sa kasal namin ni Alex. Babalikan ko ang mag ama ko,"naluluha na wika ko at nakitang dahan-dahan umiling ito.
Natigilan ako sa naging reaksyon ni Inay Lili,kaya't nag susumamo ang mukha na hinawakan ko ang kamay nito.
"Inay Lili...mahal na mahal ko ang anak n'yo,"Pag susumamo ko rito.
"Maging masaya ka na lang sa bagong buhay mo ngayon,iha. 'Wag mo na pahirapan ang anak ko. Alalahanin mo rin s'ya sa pagkakataon na ito,"mahabang saad ni Inay Lili at umalis na sa harap ko dala ang anak ko. Wala sa sarili ako bumalik sa mansyon at naguguluhan,napatingin ako sa labas ng pinto at nag pasya puntahan si Leo at mayakap ito at humingi ng tawad sa nagawa ko.
Inayos ko ang sarili at na madali lumabas ng mansyon,habang naglalakad ay nakita kong sumakay ng sasakyang owner si Leo. Nakasuot ito ng itim na sumbrero at nakasuot ng itim na Long Sleeve shirt. Napansin ko rin ang naglalakihang mga bag na dala nito kaya't nag taka at natigilan ako at nang napagtanto na aalis ang mga ito kasama ang anak ko ay pa takbo ako lumapit sa mga ito.
"Leo! Leo!"sunod-sunod na tawag ko rito at hindi ako ni lingon kahit naririnig ako ni Leo. At bago makalapit sa mga ito ay nabunggo ko si Inay Lili.
"Nay..saan pupunta si Leo,saan n'ya dadalhin ang anak ko!"natatarantang wika ko.
"Sabrina,bumalik ka na mansyon. Hayaan mo na anak ko,"wika nito habang pinipigil makalapit sa mag ama ko na nakasakay sa owner.
"Hindi! Hindi ako papayag dalhin n'ya ang anak ko!"singhal ko.
"Bakit hindi Sabrina,nag desisyon ka para sa sarili mo para sa ama mo. Bakit ang anak ko hindi,"sikmat ni Inay Lili at bumaling ako kay Leo.
"Leo! Hindi ako papayag dalhin mo ang anak ko! Umalis ka mag isa kung gusto mo 'wag mo idamay ang anak ko!"singhal na sigaw ko.
Hindi ako nito nililingon at wala ang atensyon sa akin,hindi ko makita ang mukha ni Leo dahil masyado nakababa ang suot na sumbrero nito. Maya-maya ay sumulpot sa harap ko si Elaine at kinaladkad ako palayo sa mga ito.
"Elaine! Bitawan mo ako!"sigaw ko rito ngunit malakas ako nito sinampal.
"Sana magising ka sa sampal na 'yan! Ate. Iiwan ka na ni Leo,pabayaan mo na s'ya!"singhal ni Elaine.
"Umalis ka sa harap ko Elaine,baka kung ano ang magawa ko sayo,"gigil na turan ko rito,at binalingan ang gawi nina Leo at umandar na ang owner palayo. Nanlaki ang mga mata ko at hinabol ang sasakyan.
"Leo! 'Wag mo gawin sa akin ito! Ibalik mo ang anak ko!"sigaw ko habang hingal na tumatakbo.
Dahan-dahan ako nahinto sa pagtakbo at malayo na ang sasakyan,pagod akong naupo sa lupa at doon parang batang humagulgol ng iyak.
"Andrei..anak. Patawarin mo ang Nanay,"iyak na sambit ko.
Mugto ang mga matang bumalik ako ng mansyon,nakita ko sa sala si Elaine at mabilis hinarap ito.
"Masaya ka na ba? Elaine,"baling ko rito.
"Ano sa tingin mo?"turan nito.
Maya-maya ay nagdilim ang paningin ko at malakas ito sinampal sa pisngi.
"Ganti ko 'yan sa pag pigil mo sa akin,"mariin kong wika.
Bumaling ito at nakangisi,hindi ka basta makapag fifile ng annulment kay Alex,Ate. Alam mo kung bakit?"taas kilay nitong turan.
Dahil malaki ang utang ni Daddy sa kay Alex,at ikaw ang binayad niya!"sikmat na dugtong nito. Akmang aalis na sana ako sa harap nito ay muli ito nag salita.
"Nag pa loko ka kay Daddy at Alex,hindi mo ba alam?"mahinang wika nito.
"A..anong ibig mong sabihin?"mahinang turan ko.
"Walang sakit si Dad! Arte lang niya ang lahat ng ito,"sikmat ni Elaine.
Natulala ako at namuo ang luha sa mga mata,"Elaine..totoo ba 'yang mga sinasabi mo?"saad ko.
"Hindi ko sinabi dahil is useless,nasaktan mo na si Leo,iniwan mo s'ya at nagpakasal ka kay Alex,"mahabang wika nito padabog umalis sa harap ko.
Bumaling ang tingin ko sa hagdan,mugto ang mga mata na pumanik at tinunton ang kwarto ni Dad. Nang maratnan nakahiga ito sa kama nito ay lumuluha akong sumigaw sa harap nito.
"May sakit ka ba talaga?! I want to know the truth!"singhal ko.
Bumangon ito sa kama at bumaling sa akin,"I'm really sorry sweetie,"turan nito.
"Ooh..god.."mahinang turan ko at nanghihina na upo sa sahig.
Nag uunahan ang mga luhang bumagsak at paulit-ulit sambit sa pangalan ni Leo.
"Leo..Leo.."iyak na sambit ko.
Nagkulong ako sa kwarto at umiiyak ng umiyak,niloko ako ni Dad. Nakagawa siya ng paraan para makapag pakasal ako kay Alex. Ang tanga-tanga ko! Galit na wika sa isipan ko. Naging madilim ang mundo ko matapos ng araw na iyon,pangungulila sa anak ko at sa lalaking mahal ko ang nadama sa pag lipas ng limang taon. Napilitan akong sumama sa maynila kay Alex upang doon ko hanapin ang mag ama ko ngunit bigo ako,ang pag sama sa akin ni Alex sa maynila ay para sa mga balak niyang gawin sa akin. Ginawa ko ang lahat ng makakaya ko mahanap ko lang ang mag ama ko sa maynila.