Bumaling ako ng tingin kay Leo na ngayon ay tuloy lamang sa paglilinis ng sasakyan. Wala ito suot na pang itaas at tanging pantalon lamang ang suot habang mamasa-masa ang katawan sa naghalo na tubig at pawis sa katawan nito,agad naman ako tinanong ni Alex.
"What's wrong honey,"tanong ni Alex.
"Hindi mo ako kailangan hawakan sa kamay ko,kaya ko maglakad mag isa,"wika ko.
Nagpatuloy na ako sa paglalakad at nagtungo sa sasakyan,sumunod naman si Alex sa akin at mataman lang nakatingin sa akin. Pinagbuksan ako nito ng pinto ng kotse at sumakay ako,nang makasakay ay sumakay na rin si Alex.
Binuksan ko ang bintana ng sasakyan at tinanaw si Leo habang naglilinis ng sasakyan,nagtama ang mga tingin namin. Nakatingin lamang ito sa akin hanggang maka alis na kami ni Alex.
Dinala ako ni Alex sa isang beach na naka set up ang isang magandang mesa para sa amin,meron rin isang yacthe na nakahanda malapit sa gawi namin.
Maliwanag pa ang langit dahil alas-singko pa lang ng hapon,nabigla ako nang hinila ako nito para makasakay sa yacthe.
Inikot namin ang dagat at habang nakatayo tanaw ang malawak na dagat ay inabutan ako nito ng wine glass at nagsalita.
"Sana nag enjoy ka honey,"saad nito.
At agad ako sumagot dito."Don't call me honey,is not my name. And
hindi pa kita sinasagot Alex para tawagin mo ako ng gan'yan,"madiin ko na wika rito, bahagya ito natawa at nagsalita.
"Oh,i'm sorry Sab,"wika nito at tinapunan ko ng tingin at nilipat sa malawak na dagat.
Mabilis dumilim ang langit at sakto naman na nakabalik na kami at pababa na ng yachte. Pagbaba namin ay naagaw ng pansin ko ang kandila na nakapatong sa puti na mesa at meron din mga magagandang bulaklak sa mesa.
"Surprise,"nakangiting saad nito.
Binalingan ko ito ng tingin at inaya ako ma upo,pinaghila ako nito ng upuan at umupo na din ito sa harap ko.
"Do you like it honey,i mean Sabrina,"saad nito.
Tanging tango lamang ang nasagot ko rito at muli pinagmasdan ang mga masasarap na iba't ibang klaseng mga pagkain nakahain sa mesa,aaminin ko na ito ang una kong date. It was my first time
pero hindi ito mahalaga sa akin,wala akong pakialam sa mga bagay na ito at ang mahalaga lang sa akin ay the way na gusto ko ang tao tatanggapin ko kung ano lang ang kaya nito ibigay sa akin mapasaya lamang ako. Hindi ko kailangan ng ganitong efforts para makuha ang loob ko,maya-maya ay nagsimula na kaming kumain.
Tahimik lang ako habang si Alex naman ay panay kwento sa akin ng kung ano-ano.
Nagpanggap na lamang ako na nakikini rito kahit na sa totoo ay wala naman ako maintindihan sa mga sinasabi at ikinuwento nito. Maya-maya ay tumingin ako sa relo ko at nagsalita kay Alex.
"Maybe we can go now,Alex. Gabi na din diba?"wika ko kahit hindi pa ito tapos mag kwento, na tigilan ito at tumitig sa'kin
at sumagot.
"Yeah,sure Sab. After you eat ihahatid na kita,"sagot nito.
" I'm done,kanina pa,"sabat ko,muli ito natigilan at nag baba ng tingin sa pagkain.
Matagal ito sumagot at bumaling na sa akin. "So,let's go,"tugon nito na hindi man lamang ako tinitignan. Paalagay ko nasira ko ang mood nito base sa aura ng mukha nito.
Nag paiwan si Alex sa beach kung saan kami nag date,ipinahatid na lamang ako nito sa driver n'ya at wala akl pakialam roon. Basta ang gusto ko ngayon ay makauwi na para makita ko na ang boyfriend ko na si Leo,excited na ako makauwi habang nakatanaw sa bintana ng kotse,napakagat labi ako habang iniisip si Leo.I can't wait to see him, wika ko sa isipan ko.
Maya-maya lang ay nakarating na kami sa tapat ng mansyon,mabilis ako bumaba at binalingan ng tingin ang sasakyan kaninang nililinis nito. Hindi na ako nag abala pa pumasok sa mansyon at nagtungo agad sa bahay nina Leo,nakita ko si Leo habang nag sisiga ng apoy sa labas ng bahay nila. Nagsisibak rin ito ng kahoy panggatong habang pawis na pawis at nagkalat ang mga usok sa paligid gawa ng mga nagliliyab na mga kahoy.
Nakatayo lamang ako mula sa bakuran nila at nakatanaw rito,nakita ko ang pagseseryoso ng mukha nito at pagtitig sa nag aapoy na mga kahoy. Habang minamasdan ko ito ay nakaramdam ako ng lungkot,sana s'ya na lang si Alex. Sana s'ya na lang ang lalaking 'yon,wika ko sa isipan ko habang may lungkot sa mga mata ko.
Maya-maya ay tatalikod na sana ito nang makita ako sa direksyon ko,natigilan ito at dahan-dahan ako nilapitan.
Napangiti ako habang papalapit ito sa akin pero agad din nawala ang ngiti na 'yon
nang kausapin na ako nito.
"Senyorita,ano po ang ginagawa mo rito. Madilim at mausok,pumasok ka muna sa loob,"wika ni Leo na lalo nagpalungkot sa akin,bumuntong hininga ako at napapikit ng mariin.
Hindi pa rin nagbabago ang trato n'ya sa akin,gusto ko magalit sa kaniya. Gusto ko s'ya sigawan nang oras na 'yon,pero minabuti ko tumahimik na lang.
"Pumunta ako rito dahil gusto kita makita,"
madiin ko na saad rito,sandali ako tinitigan nito bago sumagot.
"Ganun po ba. Pwede naman na kinabukasan na lang,Senyorita. Galing pa kayo sa biyahe at baka ano pa po mangyari sayo rito sa labas,"mahabang turan nito na kina inis ko at wala sa sariling sumagot.
"Kalimutan mo na ang nangyari kagabi pati na ang lahat ng pinakita ko sayo,ang lahat ng mga sinabi ko sayo kagabi and sorry baka nalulungkot lang ako kaya ikaw ang napag balingan ko,"sunod-sunod ko na sabi rito.
Dahil sa inis sa tema ng pakikitungo nito sa akin na tila ba walang namamagitan sa amin na kahit na ano. Mabuti na sabihin ko na lamang ang mga bagay na 'yon at ipagpaliban na lang ang nararamdaman ko rito kung hindi ko din makukuha ang atensyon na gusto ko rito,mahabang wika ko sa isipan ko.
Akmang tatalikod na ako bigla ito nagsalita.
"Ihahatid na kita Senyorita,"wika nito.
"H'wag na! Kaya ko umuwi mag isa.
Ayoko na makipaglokohan sayo,kung hindi mo ako gusto then,fine! Whatever,i have to go,"mataray na sagot ko,pero hinawakan nito ang braso ko para pigilan makaalis.
"Gusto din kita Senyorita,pero hindi ko alam kung paano ako magsisimula,"wika nito at bahagya ako natawa.
"Hindi mo alam?! Oh baka naman,natotorpe ka lang kapag kaharap mo ako,"mariin kong sagot rito,at mabilis binawi ang braso ko rito at nagpatuloy na maglakad.
Laking gulat ko nang buhatin ako nito at isampay sa mga balikat n'ya at kung saan ako dinala.
"Leo! Saan mo ako dadalhin!"Pag pupumiglas ko habang buhat ako nito.
Maya-maya lang ay binaba na ako nito sa madilim at puro puno na lugar,mabilis ako nag tanong rito.
"Ba.. bakit tayo nandito,"nauutal na tanong ko, ngunit imbis na sumagot ay hinagkan nito ang mga labi ko. Mariin na hinalikan at pagkatapos dumapo sa tenga ko ang bibig nito at bumulong.
"Hindi ako torpe Sabrina,nirerespeto lang kita at maging ang Senior,"bulong nito sa tenga ko,at bigla ako kinikilabutan sa tono ng pananalita nito na para bang
hindi si Leo ang nasa harap ko.
Maya-maya ay naramdaman ko ang mga kamay nito na humahaplos sa mapuputi kong hita habang mariin na humahalik sa leeg ko. Abala ito sa pag halik sa leeg ko at unti-unti dumadapo ang kamay nito sa gitna ng mag kabilang hita ko.
"Sa...sandali,Leo,"awat ko rito,pero hindi ako nito pinakinggan at nang maramdaman ko ang isa nitong kamay na ipinasok sa loob ng panty ko ay agad ko ito tinulak ng malakas. Napalunok ako bago nagsalita.
"Hindi naman ito ang gusto ko,Leo,"maagap na wika ko at umatras pa ako ng kaunti rito,natahimik ito at dahan- dahan umupo sa tabi ko. Meron itong bagay na dinukot sa bulsa,isang liter at kumuha sa kaha ng isang sigarilyo. Sinindihan nito at hinithit ang sigarilyo,
napatitig ako rito at nagsalita.
"Naninigarilyo ka,Leo?!"gulat na tanong ko.
"Oo,tipid nitong sagot.
"Ngayon lang kasi kita nakitang naninigarilyo,"saad ko.
"Tara,hahatid na kita sa inyo,"wika nito.
Mabilis na tumayo at hindi man lang nag abala ito alalayan ako paalis sa makipot at madilim na lugar. Anong klaseng boyfriend iitong lalaki nato,wika ko sa isipan ko.
Naglakad kaming dalawa,bahagya itong nauuna sa akin dahil sa malalaki nitong hakbang kaya patakbo na ang lakad ko masabayan lamang ito.
"Bakit ka pala nag papaliyab ng apoy kanina?"tanong ko.
"Mag luluto si Nanay ng malagkit para bukas ihahanda,"seryosong sagot nito.
"Hah? Handa? Bakit? Ana ba meron bukas?"sunod-sunodna tanong ko.
"Birthday ko,"tipid na sagot nito.
"Oh,my God. Happy birthday,"mabilis na bati ko rito at hinarap ito para yakapin.
Maya-maya ay bumitiw na ako at nagsalita ulit.
"Happy birthday baby,"dugtong ko pa habang nakatitig sa mga mata nito at may pilyang ngiti rito.
Sandali ako nito tinawanan dahilan ng pag seryoso ko pero nabigla ako nang hawakan nito ang dalawang pisngi ko ang halikan ako ng marahas dahilan para mapakapit ako sa malapad na dibdib nito.
Ilang minuto n'ya ako mariin na hinalikan hanggang sa bitawan at nagsalita ito.
"Ano ba ang pumasok sa utak mo para magustuhan mo ako,"mahinang turan nito.
"Hindi ako mayaman Sabrina,wala ako ng mga bagay na kayang ibigay sayo ni boss Aex. Hindi ka magiging masaya sa akin,"mahaba nito saad nito.
Napatitig ako sa mga mata nito dahil wala ako masagot at dahil hindi ako agad nakasagot dito ay inakbayan na lamang ako nito at nagpatuloy na sa paglalakad.
Habang nag lalakad ay nag salita ito.
"Noong nasa Maynila pa ako nag-aaral.
Marami ako natutunan,hindi dapat lahat ng taong nasa tabi mo ay pag ka tiwalaan mo at karamihan ay nagpapanggap lang," tumitig ako rito habang nagtataka sa mga sinabi nito.
Maya-maya lang ay naihatid na ako nito sa sa mansyon,nagtanong ito kung meron akong dalang phone at agad ko ito inabot kay Leo. Inilagay nito ang number n'ya sa phone ko at nagsalita.
"Tawagan mo ako kung magkikita tayo at
kung may kailangan ka,para hindi ka basta sumusulpot sa tapat ng bahay namin,"wika nito na kinatawa ko ng mahina.
Binalik nito ang phone ko at humalik sa labi ko at nang mag bitiw ay sumenyas ito na pumasok na ako sa loob ng mansion, Doon ay tumalikod na ako at tuluya pumasok sa mansyon.
Nang maka akyat ako sa kwarto at naupo sa malambot ko na kama sandali ako napaisip. Hindi ako makapaniwala na nararamdaman ko ito ngayon,malakas at sunod-sunod ang kabog ng dibdib ko.
Inumpisahan mo ito Sabrina kaya panindigan mo,wika ko sa isipan ko.
Kinabukasan maaga ako gumising at una nagpunta sa veranda,mula sa di kalayuan nakita ko name maraming bisita sa bahay nina Leo.
Mataman ko ito pinagmamasdan ng mapansin ko na lumabas name si Leo sa bahay nila at nabigla ako ng tumingin ito sa gawi ko. Nakita ko itong may bagay na itinapat sa tenga n'ya habang nasa gawi ko ang tingin nito at mula sa kwarto ay narinig ko ang phone ko na nagriring.
Mabilis ko 'yon kinuha at sinagot habang pabalik muli sa veranda."Hello,"bungad ko sa linya.
"Kagigising mo lang,"tanong sa kabilang linya na parang alam ko na kung sino ang kausap ko,nakatingin ako sa gawi ni Leo habang nasa veranda.
"Oo,kagigising ko lang,"sagot ko.
"Bumababa ka na d'yan,pumunta ka rito para makapag almusal ka na,"sagot nito sa linya.
Napangiti ako at sumagot"Sige,"tipid name sagot ko sabi ko at nagmadali bumaba ng kwarto ko.
Habang pababa ng sala ay sinalubong ako ni Manang Lucy at nagsalita ito.
"Senyorita,mag almusal ka na po,"baling n Manang nang makita ako.
"Kina Manang Lili po ako mag aalmusal,"sagot ko.
"Hah,eh..pero bakit Senyorita?" tanong nito.
"Birthday ngayon ni Leo,kaya masasarap ang pagkain sa bahay nila,"turan ko.