Matapos ng gabi na 'yon mahimbing kami nakatulog ni Leo,umaga na nang kami ay nagising. Bumangon ako at nakitang mahimbing pa ang tulog ni Leo,agad ko ito tinapik para gisingin.
"Leo,Leo."Tapik ko rito.
Hindi ito nagmulat ng mata ngunit muli ako hinila pahiga para matulog pa.
"Matulog pa tayo,inaatok pa ako,"pikit matang wika nito.
"Leo naman eh,"wika ko at mabilis bumangon.
Dinampot ko ang damit at mabilis nagtungo sa banyo upang magbihis. Nang makalabas ay naratnan ko parin natutulog si Leo.
"Bumangon ka na d'yan,Leo!"sambit ko rito.
Hindi ako nito pinapansin kaya't dinampot ko ang unan at pinaghahampas ito.
"Gumising ka na d'yan,"wika ko habang mahinang hinahampas ito ng ng unan.
Magulo ang buhok nitong bumangon at bumaling sa akin. Hinila ako nito at muli hiniga.
"Leo,ano ba! Umuwi na tayo,"Pagpupumiglas ko rito.
"Oo,uuwi na tayo pero bago 'yun…"wika nito at mabilis umibabaw sa akin. Tinulak ko ang mukha nito gamit ang palad at naalis ito sa ibabaw ko. Tumayo ako at nameywang sa harap nito.
"Pinagbigyan na kita kagabi,aba gusto mo unlimited,"wika ko rito at mahina tumawa si Leo.
Bumangon ito at nagtungo sa banyo,nang makalabas ito ay nakasuot na ito ng t-shirt na kulay asul at maong na pants. Umalis kami ng resort at bumiyahe na pauwi hanggang makarating sa mansyon.
Tahimik ang mansyon at mula sa gate ay inabot sa akin ni Leo ang bag ko nang makababa ng sasakyan. Humabol pa ng halik ito sa labi ko at mabilis nag bitiw.
"Sige na,umalis ka na baka may makakita pa sayo na hinatid mo ako rito,"wika ko. Pero bago ito umalis sa harap ko ay patakbo sumugod sa akin si Manang Lili.
"Senyorita,Sabrina! Ang kapatid mong si Senyorita Elaine,nag wawala po sa loob,"hingal na wika ni Manang Lucy.
Nagkatinginan kami ni Leo,at mabilis ako nagtungo sa loob ng mansyon. Naramdaman ko rin ang pag sunod ni Leo sa likuran ko papasok sa mansyon. Doon nakita ko ang nagkalat na basag na figurine sa sahig,at si Elaine na nagwawala.
"Elaine!"sigaw kong tawag at agad niyakap upang pigilan sa pagbabasag nito.
"Ate,"umiiyak na tawag nito sa akin.
"Bakit? Anong nangyari sayo?!"magkasunod na tanong ko.
"Niloko n'ya ako Ate,hindi ko s'ya mapapatawad! Binigay ko ang lahat sa kaniya Ate,pero pinagpalit n'ya pa rin ako,"Hagulgol na wika ni Elaine.
Natahimik ako at napalunok.
"Nasaan ang lalaking 'yon!"singhal ko na ang tukoy ang nobyo ni Elaine.
Tinalikuran ko si Elaine upang puntahan ang nobyo nito ngunit agad humarang si Leo sa harap ko.
"Hindi kita papayagan sa gusto mo,Senyorita,"mahinang wika nito.
"Tuturuan ko ng leksyon ang lalaking 'yon Leo,hindi ako papayag na iwanan n'ya na lang ng ganun na lang ang kapatid ko,"sikmat ko.
"Hayaan mong si Senyorita,Elaine ang umayos ng problema n'ya. 'Wag ka na makialam,"mahabang saad ni Leo.
At maya-maya ay nabigla ako nang bigla yakapin ni Elaine si Leo habang hagulgol na umiiyak,natigilan ako at habang nakatitig sa mga ito.
"Kuya Leo... "iyak na sabi nito.
Napatingin sa akin si Leo at bakas sa mukha ang pag aalala.
"Le.. Leo paki akyat s'ya sa kwarto n'ya,"pakiusap ko kay Leo.
Sinamahan ko si Leo habang hinihikayat umakyat sa kwarto si Elaine. Nang makapasok kami ay naupo ang ito sa kama ni Elaine.
"Senyorita,marami pa ang magkakagusto sayo,maganda ka at matalino. 'Wag mo sayangin ang luha mo sa ganun na klase ng lalaki,"dinig kong mahabang paliwanag ni Leo sa kapatid ko.
"Ikukuha lang kita ng tubig Elaine,"wika ko at lumabas ng pinto ng kwarto. Habang kumukuha ng tubig ay nahinto ako at saglit natigilan,naisip ko ang biglaang pag yakap ni Elaine kay Leo. Nag aalala na ako kay Elaine,pero muli ako natigilan habang papasok na ng kwarto hawak ang baso ng tubig. Natigilan ako nang maisip na si Elaine at Leo lamang ang nasa loob ng kwarto.
Nasapo ko ang ulo ko dahil sa kung ano ang tumatakbo sa utak ko,pero nang buksan ko ang pinto ay nakita kong hinahaluan ni Elaine si Leo. Nabitawan ko ang baso na hawak ko na nag paagaw ng atensyon ng mga ito. Nagkatinginan kami ni Leo at agad lumapit sa harap ko si Leo. Galit ang mga matang pinagmasdan ko si Leo,nagtatanong ang mga mata kung ano ang naratnan ko. Hindi pa ito nakakapag salita ay mabilis dumapo ang palad ko sa pisngi nito. Tahimik at walang kahit na ano lumabas sa bibig ko matapos sampalin ito.
"Sabrina..mali 'yung nakita mo."Paliwanag nito pero muli ko ito sinampal.
"Umalis ka!"gigil sa galit na wika ko rito.
Sumisikip ang dibdib ko sa galit kay Leo,hindi na muli pa sumagot si Leo at lumabas na ng kwarto ni Elaine. Nalipat ang tingin ko kay Elaine,nakatingin ito sa akin at padabog ako lumabas ng kwarto. Nang makapasok sa kwarto ko,umiyak ako ng umiyak. Nakadapa sa kama ko at umaagos ang mga luha ko,ang sikip ng dibdib ko. Pakiramdam ko hindi ako makahinga sa sobrang pag iyak ko. Narinig ko rin ang sunod-sunod na pag tunog ng cell phone ko,dinampot ko ito at tinignan at nakitang tumatawag na si Leo. Mabilis ko binato ang cellphone ko dahilan ng pagkabasag nito. Bakit kung kelan naibigay ko na ang sarili ko kay Leo ay saka nangyari ito,pakiramdam ko masi-siraan ako ng ulo. Hindi ko malaman ang gagawin ko kundi umiyak ng umiyak at nagkulong sa kwarto ko. Nang makatulog mula sa pag iyak ay nagising akong katok ng katok si Manang Lucy sa kwarto ko.Dahan-dahan ako bumangon at binuksan ang pinto.
"Senyorita,naririnig kita kaninang umiiyak,ano ang nangyari sayo? Sobra na akong nag aalala sa inyo ni Senyorita Elaine pati na ang Daddy n'yo,"nag aalala na turan ni Manang Lucy.
"Ayos lang po ako Manang,'wag n'yo ako intindihin,"sagot ko at dahan-dahan sinara na ang pinto ng kwarto ko.
Muli bumalik sa kama at nahiga,niyakap ko ang puting unan at muli lumandas ang luha sa mga pisngi ko at naalala ang halikan nina Leo at Elaine. Ilang araw ako nagkulong sa kwarto at tanging nakatutok lamang sa laptop ko,hindi ako lumalabas ng mansyon at nakakulong lamang sa kwarto. Kumatok si Manang Lucy sa kwarto ko at pinapasok ito.
"Senyorita,hinihintay ka ni Leo sa baba ng mansyon,"saad ni Manang Lucy.
"Manang pakisabi sa kaniya umuwi na s'ya sa kanila dahil wala naman akong upang uutos sa kaniya,"wika ko kay Manang Lucy at tinalikuran na ito.
"Hindi mo man lamang ba s'ya bibigyan ng pagkakataon na makapag paliwanag Senyorita,"turan ni Manang na kinatigil ko at nilingon ito.
"Nakikita ko sa mga mata mo ang pagmamahal mo sa pamangkin ko,nakita ko rin kung paano ka nagalit sa kaniya sa kwarto ni Elaine,"mahabang dugtong Manang. Namumugto ang mga mata kong yumakap kay Manang Lucy.
"Mahal na mahal ko po si Leo,Manang Lucy,"naluluha na wika ko.
"Kung mahal mo talaga s'ya kailangan mo bigyan s'ya ng pagkakataong makapag paliwanag,"nagbitiw ako ng yakap rito at sumagot.
PRINCE LEO POV.
Naiwan kami sa kwarto ni Elaine,lumabas si Sabrina para kuhanan ito tubig. Habang nakaupo sa tabi ni Elaine ay sinandal nito ang ulo nito sa balikat ko at nag salita.
"Kuya Leo,tulungan mo ako makalimutan ang boyfriend ko,"saad ni Elaine na kinalingon ko.
"A..anong ibig mong sabihin,Senyorita,"wika ko at binalingan ako nito habang unti-unti marahan na hinalikan.
Agad ko nilayo ito at tumayo mula sa kama nito,hindi pwedeng may mamagitan sa amin. Mahal na mahal ko si Sabrina,wika ko sa isipan ko at lumapit muli ito sa akin at mabilis hinila ang batok ko upang halikan. Nag kuyom ang mga kamay ko,gusto ko ito itulak ng malakas palayo sa akin para malaman niyang hindi ko nagustuhan ang ginagawa ni Elaine pero ayoko dagdagan ang sakit na nararamdaman nito. Kapatid siya ni Sabrina,kapatid s'ya ng babaeng mahal ko,kung nalalaman lamang nito ang namamagitan sa amin ni Sabrina ay tiyak na hindi nito gagawin sa akin ang bagay na ito. Hinawakan ko ng mahigpit ang braso nito at pilit nilalayo ngunit huli na ako dahil nakita kami ni Sabrina. Mula sa bumagsak na baso ay napatingin kami sa gawi nito.
Nakita ko ang namuong luha sa mga mata ni Sabrina,agad ko nilapitan ito ngunit hindi pa ako nakakapagsalita ay agad na ako nito sinampal. Hindi ako binigyan ng pagkakataon nito makapag paliwanag.
Nang makauwi sa bahay ay hindi ako mapakali,lumabas ako ng bahay at tinanaw ang mula sa Veranda si Sabrina. Kung alam mo lang kung gaano kita ka mahal Sabrina,wika ko sa isipan ko habang tanaw ang Veranda ng mansyon. Ilang araw ako nag linis ng hardin sa mansyon ngunit hindi ko nakikitang lumalabas ng kwarto nito si Sabrina. Malapit na ako masiraan ng bait at kapag nangyari iyon ay kakatukin ko na ito at papasukin sa kwarto niya.
Nasa sala ako ng mansyon habang hinihintay ang pag baba ni Sabrina mula sa kwarto nito,nakiusap na rin ako kay Tiya Lucy na kung maari pababain n'ya ito upang kausapin ko. Ilang oras ako naghintay sa sala ngunit hindi si Sabrina ang nakita ko kundi si Elaine.
"Leo.. "mahinang tawag nito sa akin.
Napalunok ako at sumagot.
"Bakit?"tanong ko at lumapit ito.
"Leo,gusto kita."mabilis na saad nito.
"Alam ko Elaine,pero tama na. Hanggang doon na lang 'yon,may iba akong mahal Senyorita,"maagap na sagot ko.
Akmang yayakap ito sa akin pero mabilis ako nakaiwas.
"Elaine 'wag..tama na. Uulitin ko may mahal na akong iba,"seryosong wika ko.
"Sino?"seryosong tanong nito.
Natigilan ako at hindi nakasagot.
"Elaine! Tigilan mo si Leo,"sabat mula sa taas ng hagdan at napatingin kami.
Lumapit ito kay Elaine at muli nagsalita.
"Hindi ka ba nahihiya sa sarili mo Elaine,"sikmat nito.
"Ayaw ni Leo sayo,hindi pa ba maliwanag sayo,"dugtong ni Sabrina at patakbo umalis sa harap namin si Elaine.
Agad ko naman binalingan si Sabrina.
"Sab,"sambit ko at kinuha ang isang kamay nito. Binawi nito ang kamay n'ya at nag salita.
"'Wag tayo rito mag usap,baka may makakita sa atin,"wika nito at agad umalis sa harap ko.
Palabas na ito ng mansyon habang nakasunod ako pero sinalubong ito ni Senyorito Alex at agad pa akbay binalik papasok sa loob ng mansyon.
"Have a nice day,honey"rinig ko na bungad nito kay Sabrina.
Habang paalis ang mga ito ay napatingin na lamang ako habang papasok sa loob ng mansyon ang mga ito,nilingon ako ni Sabrina at mabilis nag alis ng tingin rito at mag isang lumabas ng mansyon. Umuwi ako sa bahay habang hindi man lamang nakakausap ng maayos si Sabrina. Natapos ang araw na hindi nag papakita si Sabrina sa akin,may kirot sa dibdib akong nadama habang iniisip na naroon ngayon sa loob ng mansyon si Alex at kasama nito. Pakiramdam ko masisiraan ako ng ulo,kaya't nang makita ko ang Kuya ko ay inalok ko ito uminom ng ilang bote ng beer.
"Anong meron Leo,at nag aya ka uminom,"tanong ni Kuya.
"Pampatulog lang,"tipid na sagot ko.
"Sige,inumin na natin ang sinasabi mong pampatulog,"pang aasar nito.
Habang tahimik na umiinom,inalala ang unang araw nang makita ko si Sabrina sa mansyon. Bata pa lamang kami noong una ko ito makita at sobra ako tinamaan rito noon. Ngunit nang malaman ko na anak ito ng amo ng Nanay ay agad ko winaksi ang nararamdaman rito,alam kong hindi ako nababagay kay Senyorita Sabrina. Buo ang loob ko na tinanggap iyon. Nang dalhin rin ako ng isa ko pang Tiyahin na nakatira sa maynila at doon pag aralin tuluyan na kami hindi nagkita nito,pero nang mag balik ako rito sa probinsya namin at magdesisyon magtrabaho sa mansyon doon muli kami nagkita ni Sabrina. Binalewala ko ang nararamdaman kay Senyorita pero matapos nito halikan ako nang makulong kami sa bodega,doon hindi ko na napigil pa ang sarili at sinunggaban ang pagkakataon na binigay nito sa akin.
"Babae ba 'yan?"seryosong tanong ni Kuya sa akin.
"Oo,"tipid na sagot ko.
Ngumisi ito at muli nag salita.
"Sino s'ya? Pwede ko ba makilala,"wika ni Kuya Carlo.
"Hindi pwede,Kuya,"tugon ko at seryoso tumingin rito.
"Kung pwede lang,bakit hindi,"dugtong ko pa.
Mahina ito natawa at sumagot.
"'Yan ba ang nakilala mo sa Maynila,'yung naging dahilan bakit ka napauwi bigla rito sa probinsya,"mahabang tanong ni Kuya.
Sandali ako natahimik at naalala ang nangyari sa maynila at sumagot.
"Hindi Kuya,at ayoko maalala iyon,"sagot ko.
Maya-maya ay napatingin ako sa sasakyang dumaan,kilala ko ang sasakyan at siguradong si Alex 'yon. Agad ako napatayo at nagpaalam kay Kuya matapos nilagok at maubos ang ikalimang bote ng beer.
"Saan ang punta mo?"tanong ni Kuya.
"Sa tabi-tabi lang,"sagot ko at nagsindi ng sigarilyo.
Diretso ako naglakad patungo sa mansyon at dahil sarado na ang mansyon sa likuran ng hardin ako dumaan. Mabilis ako nakapasok dahil kabisado ko na ang pasikot-sikot roon. Hinithit ko muna at inubos ang sigarilyo at nag umpisa na akyatin ang Veranda kung saan naroon ang kwarto ni Sabrina.Nang maka akyat ay nakita kong bukas ang Veranda habang tahimik at patay ang ilaw,dahan-dahan ako pumasok sa kwarto ni Sabrina at tumambad sa akin ang bukas na lampshade. Dahan-dahan ako umupo sa kama nito at hinimas ang mukha nito,ang mala anghel nitong mukha ang babaeng pangarap ko na ni minsan ay hindi ko aakalain magiging akin at makukuha. Nagmulat ito ng mata at nabigla ng makita ako.