"Paalisin mo si Leo,Alex! Nakikiusap ako sayo,"sambit ko rito at muli humiyaw sa sakit hawak ang ulo ko. Namumula ang mga mata ni Alex nakakatitig sa akin at handa na bumagsak ang mga luha. Mabilis ako nito niyakap ng mahigpit,maya-maya ay kinuha ang isang gamot at tinurok sa akin. Nawalan ako ng malay at hindi na nalaman pa ang sunod na nangyari. Nagising ako habang wala na kahit anong nararamdaman na kirot sa ulo ko. Nasa harap ko si Alex nakaupo sa kama. "Alex.."tawag ko rito at napatingin sa akin. "Tinurukan kita ng pampatulog,"mahinang saad ni Alex. Tipid ako ngumiti rito at hinawakan ang kamay nito. "Makakahanap ka rin ng babaeng sobrang magmamahal sayo Alex,"saad ko at nag alis ito ng tingin sa akin. Matapos nang araw na iyon ay nagpasiya na ako kumuha ng sarili kong u

