Nakaupo si Leo sa kama habang walang kibo,tahimik naman ako nakahiga habang nakatalikod rito. Hindi ako galit,ngunit dahil sa nangyari kanina nang sugurin ako ni Hannah at masaktan ni Leo si Elaine ay hindi ko ito iniimik. "Sab..."mahinang tawag nito ngunit hindi ko iniimik. Naramdaman ko na lamang ang pagyakap ni Leo sa bewang ko. Maging ang labi nitong nakadikit malapit sa mukha ko "Bakit hindi mo ako kinakausap..?"mahinang wika nito. "Hindi mo dapat ginawa iyon kay Elaine!"mapungay ang matang sambit ko rito. "I'm sorry! Nabigla lang ako,"malungkot nitong saad. "Gusto ko makita ang mga anak ko,"Sambit ko at dahan-dahan humiga ng kama. Yakap ang bewang ko ay nakatitig pa rin si Leo sa akin. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kaniya ang nangyari kanina,na gusto ako patayin

