“Sige payag na ako pero sana sa’yo ako uuwi. Ayokong stay in. Hindi ako makakatulog doon baka atayin ako nung Linda,” saad ni Mindy. Tumango si Dra. Huang at nakarinig sila ng mga katok sa pinto. Binusan naman ito ni Mindy at pinapasok si John. “Mr. Martin,” ani Dra. Huang. “Dra, may kukunin daw po na reseta at yung pasuyo ni Katy na kukuha ng personal nurse para sa surrdogate mother naming,” ani John. “Halika upo ka, kamusta si Katy?” tanong ng doktora habang inaayos ang mga resetang inihanda. “Ayos naman,” matipid na sagot ni John. “John, alam ko ang nangyari sa mama mo napanood ko sa tv. Isa pa ay tinawagan niya ako noon tungkol kay Lexy. Pwede ko ba malaman kung ano ang relasyon ninyo ng babae na ‘yun?” Napahinga ng malalim si John saka tumango. Malaki naman ang tiwala niya sa do

