“Bakit Beth?” tanong ni Mindy ng mapansin ang doktora. Pinakita naman nito ang papel. Tumawag ito sa impormation office para malaman kung totoo ang nabasa. Napatango si Beth matapos makausap ang receptionist at napaisip. “Hindi ko pwedeng itanong sa mga iyon ang tungkol kay Linda dahil may kontrata kmi nila Katy na itatago iyon pero mukhang mapagtatagni tagni na natin ang mga nangyayari,” saad nito. “Kabit nung John yung Lexy?” ani Mindy. “Sabi nung madaldal na receptionist ay iyong mama ni John ay nakidnap. Nabalita pa raw nga sa TV. Ang mga suspek yung pamilya Ruiz na kinabibilangan ni Lexy. Sabi daw ay pera ang dahilan pero noon ay pinagmamalaki nung babae na ‘yun na ikakasal na siya. Kaso tingin ko naman kay John mahal na mahal niya si Katy,” sagot nito. “Bakit hindi mo chikahin y

