Ngumiti ng matamis si Linda at napatingin kay John. Hinawakan niya ang tiyan na wala pa naman umbok saka hinimas himas. “Alam mo Ate Katy si Kuya John ang pinaglilihian ko. Kaya sigurado ay kamuka niya ito. Kaya po hindi ako payag na hindi siya makita kasi diba po kapag ganun ay dapat ibigay sa buntis ang gusto. Nung nagtrabaho po ako bilang widwife assistant ang dami kong buntis na nakilala halos buong taon na buntis yung mga babae ay gusto laging kasama ang tatay ng mga anak nila mukhang ganun din po ako,” ani Linda. Hindi naman sumagot si Katy pero tumango lang. “Kung ganoon ituloy na lang ang plano dati na may assistant siya na kasama. Si Mindy ang bahala sa’yo Linda. Hindi mo naman asawa si John kaya hindi ubra ang sinasabi mo. Ang mga pasyente ninyo noon ay asawa ang mga lalake. Ta

