ODETTE's POV
Hindi ko alam ang dapat kong gawin, hindi ko maigalaw ang mga paa ko..
Hahakbang na sana ako ng may tumawag sa akin
Anong ginagawa mo jan? kala ko susunod ka sa akin sa dining hall? – mayumi
Agad akong napalingon sa kanya
h-ha? A-ah magpapalit k-kasi sana a-ako – mautal utal kong sabi
ah ay sha tara sabay na tayo – sabi niya at naglakad na papunta sa room namin hindi niya nakita sila Hiro kasi sa kabila pa ang room namin
napatingin ako ulit kila hiro, nakita kong napatingin siya sa akin, parang nagulat pa siya, umiwas ako ng tingin
dumeretso ako sa room namin at saka pumasok sa c.r
napasandal ako sa pinto ng cr, napahawak akong muli sa may dibdib ko na sobrang bilis ng t***k nito na parang gusto ng lumabas
ang s-sakit, b-bakit ganito?
Di ko namalayan na tumulo na pala ang luha ko..
Napatawa ako ng mapait, dahil sa natuklasan ko
Gusto ko na nga siya..
mali..
Mahal ko na pala.. siya
Hindi ko dapat to nararamdaman eh! Mali to! Maling mali.. pero anong dapat kong gawin dito sa nararamdaman ko?
HOPE's POV
Napakasaya ko ngayon kasi kitang kita ko kung paano magaalala sa akin si Hiro, kaya naman mas lumakas ang loob ko na may puwang ako sa puso niya
Binuhat niya pa ako, yung p-parang bagong kasal kami
Yumakap naman ako sa kanya baka kasi mahulog ako
Inupo niya ako dito sa may bench malapit sa room naming, lumuhod siya sa harap ko at saka hinilot yung paa ko
Nakatitig lang ako sa kanya, ang guwapo niya talaga, tumutulo pa yung tubig sa buhok niya
Ano ba kasing ginawa mo? – sermon niya sa akin
n-nadulas kasi ako – sabi ko
tsk di ka kasi nagiingat, sa susunod wag ka ng maglakad ng magisa, pwede mo namang tawagin sila ryan, caleb at Hansel – sabi niya
eh ikaw pwede ba kitang tawagin? – tanong ko
napatingin naman siya sa akin, nakatingala siya
magsasalita na sana siya pero
hindi ko na napigilan ang sarili ko hinalikan ko siya
ramdam kong nagulat siya sa ginawa ko
nang matauhan siya agad siyang lumayo sa akin
w-what are you doing? – kunot noong tanong niya
I-i love you, noon pa – sabi ko
Hindi naman siya nakaimik sa sinabi ko
Mula nung una kitang nakita, nakaramdam na ako ng kakaiba, pakiramdam na gusto ko akin ka lang, ayoko ng may ibang babae ang lumalapit sayo. Mahal kita Hiro mahal na mahal kita – sabi ko
I-I'm sorry hope, mahal kita.. pero bilang kapatid lang, kayo nila ryan parang mga kapatid ko na kayo – sabi niya
Nasaktan ako sa sinabi niya pero hindi ako susuko
H-hindi naman kita minamadali eh, at okay lang sa akin kung hindi mo masuklian yung pagmamahal ko, pero please hayaan mo akong mahalin ka at ipakita sayo na mahal na mahal kita – sabi ko
Oo desperado na talaga ako na mapasaakin siya, hindi ako papayag na kunin nanaman siya ng iba sa akin
Hindi siya sumagot sa sinabi ko
Napatingin naman siya sa may gilid kita kong nagulat siya kaya pati ako napatingin doon
Siya nanaman?
Sisiguruhin ko mawawala sa landas ng pagmamahalan natin ang babaeng yan
I'm sorry hope.. – siya at saka tumayo at naglakad na palayo
RYAN's POV
Ngayon na ang huling araw naming dito, after lunch ang alis namin, binigay na tong oras na to para makabili kami ng mga souvenirs, kasama ko sila hiro
Hiro tignan mo to – hope
Ang ganda no? bagay ba sa akin? – hope
Ayun pa ang ganda! – hope habang hila hila si hiro
Tss hindi manlang umimik tong lokong to, matapos magtapat sa kanya eh, kinapatid zoned niya pa nga Hahah! Oo alam ko ang lahat, narinig ko aksidenteng nasa veranda ako non
Hay nako hope, kailan ka kaya titigil?
Hoy Odette! Tatanga ka na lang ba jan – rinig kong sigaw ni mayumi pagkapasok
Tsk! Ang ingay talaga ng bunganga mo – asar na sabi ni Odette
BEBS!!!!!!! – may isa pang sumigaw si eya
Kita ko naman ang sobrang pagkairita sa mukha ni Odette, napalingon naman siya sa akin, nginitian ko siya pero tinitigan niya lang ako at umirap pa pero tumawa siya
Ngumiti ako ulit at saka lumapit sa kanya
Bat ang sama ng mood mo? – ako
Yung dalawang yon kasi ang kukulit ang iingay pa – kunot noong sabi ni Odette
Hahah! Ganyan naman talaga sila eh – sabi ko
Yun na nga eh pero hanggang ngayon di pa rin ako nasasanay – natatawang sabi niya
ODETTE! Bilhan mo sila ng pasalubong – Mayumi
Oo na – Odette
Bumaling naman siya sa akin
Ikaw? Di ka ba bibili? – tanong ni Odette
Di ko alam bibilhin ko wala din naman akong pagbibigyan – sabi ko
Kung nandito lang sana siya..
Kahit sino naman pwede mong bigyan, kahit sinong tao na parte ng buhay mo, o sa mga tao na thankful ka kasi nakilala mo sila – sabi ni Odette nagtingin na siya ng mga mabibili
May nakita akong key chain ang ganda, binili ko na iyon, nagtingin pa ako ng iba hanggang sa ang dami ko ng nabili
Dami mong dala ah? – tukoy ni Hansel sa mga binili ko, naisipan ko lang bilhan yung mga maid namin, guard at sila mama
Maya maya nakita ko si Odette na may tinitignan
Nilingon ko naman yung tinitignan niya si hiro kasama si hope
Love triangle na to
Naglakad na kami pabalik sa hotel namin
Ang dami niyan ah akala ko wala kang pagbibigyan? – pangasar na sabi ni Odette
Napalingon ako sa kanya, nakangiti siya
Tss ikaw kasi – natatawang sabi ko
Haha kunyari ka pa kasing walang pagbibigyan – sabi niya
Ah oo nga pala – sabi ko ng may maalala ako, kinuha ko yung maliit na box sa mga binili ko
Oh – sabi ko sabay abot sa kanya
Ano yan? – tanong niya pero kinuha niya naman
Woah – sabi niya ng buksan niya yung box tas nilabas niya ung key chain
Thanks! Pero para saan to? – tanong niya
Sabi mo pwede kong bigyan yung mga taong naging parte ng buhay ko, at isa ka sa kanila, thankful din ako kasi naging kaibigan kita – sabi ko
Napataas naman yung isa niyang kilay tas bigla siyang tumawa
Hindi ko akalain na isang Ryan Woo ang magsasabi ng mga iyon sa akin – natatawang sabi niya
Tch sige tawanan mo pa ako – sabi ko
Ang sweet niyo!
Napalingon kami sa nagsalita, nakita ko si Hope at si Hiro na nakatitig kay Odette
Napatingin naman ako kay Odette na biglang nakapoker face na, pfft masyado siyang obvious
Really? – nakangiting sabi ni Odette
Yep are you dating? – Hope na parang excited pa
Don't play cupid here hope – sabi ni Odette
Pffft
Ry thanks for this – sabi ni Odette at saka umakyat na
Sure – sabi ko
Nilingon ko naman si Hope na ang sama ng mukha, wala na din si Hiro nasaan na yon?
Napailing na lang ako
ODETTE's POV
Tss bwisit na hope yon, padabog akong naglalakad ng may humila sa braso ko, agad akong napalingon sa taong sumira ng moment ko
Agad akong napatigil ng makita kung sino yon
Abay hayop nga
Tumaas ang kilay ko
Bakit? – tanong ko
Are you avoiding me? – tanong niya
Tick!
Aw! – siya at napahawak sa noo niya
Naglakad na ulit ako palayo pero halos masub sob ako sa dibdib niya ng hilahin niya nanaman ako
Tick! Tick! Tick!
a-aray! – sigaw ko
akala mo di ko narinig yung pageenglish mo kanina? – sabi niya
tss – inirapan ko siya at akmang aalis na ng hilahin niya nanaman ako
URRGGHHH!!
Ano?! – ako
Iniiwasan mo ba ako? – sabi niya
a-at b-bakit naman kita iiwasan ha? – sabi ko
ewan ko sayo – sabi niya
tss di kita iniiwasan – sabi ko ng hindi nakatingin sa kanya
eh bakit di ka makatingin sa akin? – sabi niya pa
pake mo?! Dun ka na nga hinihintay ka na nung kasama mo – sabi ko at saka pilit na inaalis yung pagkakahawak niya sa akin
Are.. you jealous? – tanong niya
Natigilan ako sa sinabi niya
Tick!
Aish! – siya saka humawak sa noo niya
h-hindi ako nagseselos! – sigaw ko at saka naglakad palayo
rinig ko ang tawa niya
tch! Nakakainis!
kapatid lang ang turing ko kay hope, wala ng iba pa – rinig kong sabi niya
napangiti ako ng lihim dahil sa sinabi niya
THIRD PERSON's POV
Nakasakay na sila sa eroplano, maya maya lang ay aalis na ito, magkatabi si mayumi at si Odette, pero saglit na umalis si mayumi
Ang tagal naman ni mayumi, nagugutom ako eh – bulong ni Odette
Maya maya ramdam niyang may umupo na sa tabi niya
Hoy mayumi b—
Natigilan siya ng mapagtantong hindi si mayumi ang katabi niya
At anong gingawa mo jan? – nakataas kilay na tanong ni Odette
Nakaupo, mukha ba akong nakahiga? – hiro
Tss! Alis jan! jan si mayumi – pagtataboy ni Odette kay mayumi
May nginuso naman si Hiro
Tinignan ito ni Odette at napanganga sa nakita
HAHAHAHHAAH! Grabe ang shunga niya! – rinig niyang sabi ni Mayumi
HAHAHH! Oo grabe tapos non bigla pa siyang nadulas AHHAAHH!! – tuwang tuwa namang sabi ni Ryan
Hindi siya makapaniwala sa nakikita niya, paglingon naman niya kay Hiro nakangiti ito at nakatitig sa kanya
Padabog siyang sumandal sa upuan niya
Maya maya may inabot na box si Hiro kay Odette
Kinuha naman ni Odette yon ng buksan niya ay kuminang ang mga mata niya, hindi dahil mamahalin kundi dahil sa ganda nito, necklace ang laman non at pearl ang pendant
Kinuha naman ni Hiro ang kwintas at saka isinuot kay Odette
Nilahad naman ni Hiro yung kamay niya sa harap ni Odette
Kumunot ang noon ni Odette
Bayad sa kwintas – Hiro
Napanganga si Odette sa sinabi ni Hiro
HAHAHAH! Joke lang – Hiro at saka tinap pa yung ulo ni Odette
Tss! Nakakaasar! – Odette at saka tinalikuran si Hiro
Maya maya lang may hinagis din na box si Odette kay Hiro
Ano to? – hiro
Sapatos – pokerface na sabi ni Odette
Napatawa naman si Hiro dahil doon, binuksan niya yung box at nakita ang bracelet na pearl na kulay itim, may kabigatan ito dahil nga pearl yon
Kinuha ni Odette yon saka sinuot kay Hiro
Napangiti si Hiro habang nakatingin sa bracelet na binigay ni Odette kasabay non ang pagbagsak ng ulo ni Odette sa balikat niya.. inalalayan niya ulit ito para makatulog ng maayos
Napatingin siya sa may kamay ni Odette may suot itong bracelet, muli napangiti siya ng mapagtantong pareho sila ng bracelet, dalawa kasi ang suot ni Hiro ang isa ay binili niya..