"Ellie!” Nag-aalalang wika ni Adrian na pumasok sa silid nang hospital kung saan nagpapahinga ang dalaga. Nang pumasok ang binata Napalingon sa kanya ang doctor na nakatingin sa natutulog na si Elleri. Napansin niyang iniaayos nito ang IV drip nang dalaga “Anong nangyari? May sakit ba siya?” Tanong ni Adrian na lumapit sa doctor. Nasa meeting siya noon kasama ang bago niyang team na lilipatan sa susunod na season nang bigla siyang nakatanggap nang tawag mula sa isang nurse at sinabing dinala sa hospital si Elleri. Kaya naman nagmamadali siyang nagpunta nang hospital para malaman kung anong nangyari sa dalaga. Noong nakaraang buwan naglaro si Adrian para sa dati niyang kupunan at naging champion sila. Pero dahil sa patuloy na ingay tungkol sa kanila ni Aster at Elleri sa social media at

