Nang bumalik sa bahay nila sina Adrian hindi nila nakita si Elleri. At hindi rin ito sumasagot sa kahit anong tawag na gawin nila. Inisip ni Adrian na kailangan lang ni Elleri nang panaho lalo na dahil sa nangyari kanina. Maging siya ay nabigla din at hindi niya alam kung papaano haharapin ang dalaga. “Hindi mo ba siya hahanapin?” tanong ni Chloe sa kapatid niya. “Let’s give her time to think.” Wika pa nang binata. “Just like that?” Ani Chloe. “Inaway mo na naman ba si Ate Elle?” Tanong pa ni Chloe sa kapatid. “Why is it always me that you blame tuwing may di kami pagkakaunawaaan ni Elle? You are my sister. Hindi ba dapat you’re on my side?” ani Adrian sa kapatid niya. “I would have if you were nice to Ate Elle kaya lang what you are doing is to hurt her. So yes. I blame you. Kapag

