"Elle!” masiglang wika nang isang binata habang tumatakbo papalapit sa bagong dating na sina Elleri at Adrian sa likod nang dalawa kasama nila sina Chloe at Dillon at ang tatlo pang kaibigan nila na sina Raphael, Chris at George. Makikita sa mukha nina Raphael ang gulat. Nagkatinginan pa nga sila. Sinama nina Elleri at Adrian ang lima sa isang kalapit na rancho. Rancho iyon na pag-aari nang kapatid nang lola nia Elleri. Ayaw sanang pumunta doon ng dalaga kaya lang sabi nang lola niya kailangan nilang pumunta doon bago sila bumalik sa syudad. Lalo namang nagulat sina Raphael nang biglang yakapin nang lalaki si Elleri sabay halik sa pisngi nito. Napaawang pa ang labi ni Adrian ng makita ang ginawa nang lalaki. “Bobby!” masiglang wika ni Elleri na pilit na ngumiti kahit na nagulat dahil sa

