"Adrian!” Masiglang wika ni Aster nang dumating sa isang restaurant kung saan sinabi ni Adrian na magkikita sila. Masaya siya habang iniisip na baka natauhan na si Adrian at naisip nitong hindi naman talagan sila pwedeng maghiwalay at hanggang sa mga sandaling iyon siya pa rin ang gusto nang binata. At kahit na anong gawin ni Elleri at nang pamilya nito hindi nito kayang sirain ang pagmamahalan nila. “I’m happy you called.” Wika ni Aster na tinangkang halikan sa pisngi ang binata ngunit mabilis na iniiwas ni Adrian ang mukha niya. Nagtaka naman si Aster pero hindi lang niya binigyang pansin ang tinuran nang binata. Pilit na ngumiti ang dalaga saka naupo sa isang bakanteng upuan sa harap ni Adrian. “Bakit ka biglang tumawag? May gusto ka bang pag-usapan natin? Alam kung masyadong magulo

