Matapos makapagpalit nang damit nina Dillon. Muling bumaba ang lima. Inabutan nila si Elleri na nasa komedor at naghahain nnag makakain. Namangha ang tatlo nang makita ang mga inihandang pagkain nang dalaga at ang mga prutas na tila bagong pitas mula sa puno nila. “Alam kung hindi pa kayo kumakain. Kumain na tayo.” Wika nang dalaga na nakangiti sa mga ito. “Wow. Ngayon lang ako makakatikim nang lutong bahay.” Wika ni Chris na lumapit sa mesa. “Kayo ba ang naghanda nito Teacher Elleri?” tanong pa nito. “Maupo na kayo.” Ngumiti wika nang dalaga at lumapit kay Chloe saka inakay ang dalaga para maupo. “Hey.” Wika nito sa dalaga. “Don’t worry. Hindi naman kami nag away nang kuya mo. Kailangan lang namin nang time para mag-isip.” Wika nang dalaga sa binata. Nakangiti lang si Elleri habang

