Ep - 22

1110 Words

Raffy!” Nagmamadaling wika nang isang binatang estudyante na pumasok sa loob nang infirmary nang school. Nang makita niya ang nurse na nakatingin sa kanya agad itong huminto sa pagtakbo at maingat na lumapit kay Raphael na nakahiga sa isa sa mga higaan sa loob nang school clinic. Nasa isang upuan sa tabi nang higaan at nagbabasa nang manga. Napatingin naman si Raphael sa kaibigang tumatakbo papalapit sa kanila. “Bakit? May nangyari ba?” tanong ni Raphael sa kaibigan. “Wala naman. Pero, nag research ako. At alam mo ba kung anong nalaman ko?” wika nito nang makalapit sa kanila. Napatingin si Raphael na may pagtataka sa kaibigan. Maging ang binatang nagbabasa ay natigil din sa ginagawa niya nang marinig ang sinabi nang kaibigan. “Nagresearch? Marunong ka ba noon?” Biro nito sa kaibigan.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD