Lola?!” gulat na wika ni Elleri nang dumating sa unit ni Adrian at makita ang lola niya na nakaupo sa sofa habang nakikipag-usap kena Chloe at Dillon habang nag mimeryenda. Kakagaling lang niya sa supermarket noon. Kahit na bibigla sa nakita. Mabilis niyang binitiwan ang mga mga dalang bag na may lamang groceries saka lumapit sa lola niya saka nagmano. Agad namang tumayo sina Chloe at Dillon saka kinuha ang mga dalang grocery bag ni Elleri at dinala sa kusina nila. “Napadalaw po yata kayo?” tanong ni Elleri sa lola niya. “Aray lola!” daing nang dalaga nang bigla siyang kurutin sa braso nang lola niya. Agad namang napatingin sina Chloe at Dillon sa dalagang dumaing saka nagkatinginan. “Aw.” Anang dalaga habang hinihimas ang braso niya. “Dumating kana pala bakit hindi mo sinabi sa akin

