Black no. 3

1076 Words
Eunice Camille Salvatore Pagkatapos ng pagkikita namin ni Manang Tess ay bumalik ako sa department store para bumili ng gamit ni Light. Sino ba si Light at tinatago ko siya kina Lucas? Light Elliot Salvatore Patterson Ang anak namin ni Lucas na siya ding dahilan kung bakit nagkagulo sa pamilya ko. Muntikan na akong hindi maka-graduate noon sa school dahil nabuntis na ako. Nang malaman kong buntis ako ay siya namang ikinadurog ng puso ko. Dumating si Kim sa buhay niya. Nang dumating si Light sa buhay ko ay siya ring pagkabagsak ni Dad and Mom sa small business nila kaya nakatira kami sa maliit na bahay. Akala ko mahal ako noon ni Lucas pero niloko lang niya ako. Akala ko ako na ang babaeng pakakasalan niya pero akala ko lang yun. Dinala ko si Light sa dati naming kasambahay at doon ko siya hinayaang lumaki hindi rin kasi kinaya nila Mom and Dad ang gastusin kaya naghanap muna ako ng part-time clients ko hanggang sa nag-dalawang taong gulang na si Light saka ako pumasok sa gReekTECH. Pagkauwi ko sa bahay ay kasabay ko ring dumating ang mga pinamili ko. Inayos ko na ang higaan ko muna saka ako humiga. Sa sobrang pagod ko nakatulog na rin pala ako. Naalimpungatan ako nang marinig ko ang tunog ng cellphone ko. s**t si Lucas tumatawag! Tinignan ko ang oras at 09:45am na. Ang tagal ko naman yatang nakatulog "Where the hell are you Ms. Salvatore?! Don't you know what time it is already?" Napalayo ko agad sa tainga ko ang phone nang bulyawan niya ako "Pasensya na po Sir Lucas. Dadating po ako agad in exactly 10 sharp sir. Bye sir" hindi ko na siya hinintay pa kaya binilisan ko na ang pagligo ko at toothbrush. Sa daan na ako nagsuklay Nakaabot naman ako sa building namin ng exactly 9:58am kaya mabilis akong umakyat papunta sa 3rd floor. Which is my floor kaya exactly 10 sharp ay nakatime-in na ako "Well not bad. As your punishment you'll stay after 5" at umalis na ito "Ano kayang nangyari sakanya at nalate siya?" Bulong ng katabi ko sa cubicle kaya hindi ko nalang ulit sila pinansin "Siguro nagpalamig muna sa Ice House niya bago siya pumasok" sana nga may Ice House ako kaso matutunaw lang yun sa Pilipinas "Balita ko sa amin na lumayas siya sa kanila kasi nasaksak ang tatay niya" at napantig na ang tainga ko sa narinig. Iba talaga pag tsismosa "Mariel. Kung ano man ang nalalaman mo tungkol sa Dad ko stop it" nang sinabi ko yun tinignan niya ako from heat to toe "Well you can't stop me Eunice. Why? What are you gonna do? Put virus to my pc para matuto ako like what you always do?" At napikon na ako sakanya "You really do want that to happen? But sorry. Hindi ako ang gumagawa ng mga virus like you always do. Ilang beses mo na bang ginawa sa pc ko yun na nacocounter ko naman?" At maraming nagbulung-bulungan tungkol sa kanya "Mariel stop fighting the black lady baka ikaw pa ang malasin" pagpipigil ng kaibigan niya kaya siya umupo na. "In my office now" sabi nito kaya nagulat ang karamihan sa biglang paglitaw ng boss namin. Sumunod nalang ako sakanya at hindi na pinakinggan pa ang mga bulungan "What happened to Tito Gil?" I saw concern in his eyes but why do he care about my Dad? "I don't know. I wasn't even there when that happens" cold kong sabi. "Yun lang ba ang pag-uusapan natin? I need to go then. I still need to polish my system before giving it to the client to test" akmang lalabas na ako ng magsalita pa ito muli "How's Manang Tess? Is she still working for you?" Tumingin ako sakanya at tumango "Yes she's still working for me but in a few days she'll be gone. Migrating to Canada" tumango-tango naman ito. Lalabas na sana ako ng tumawag si Manang Tess. "Hello hija. Andito kami ni Light sa baba ng opisina niyo" bigla akong pinagpawisan "Manang hintayin niyo po ako dyan sa baba. Magpapaalam lang ako sa boss ko na mag-aabsent ako" saka ko pinatay ang tawag "Is that Manang Tess?" Tumango ako agad "Magpapa-alam na rin sana ako na mag-aabsent ako. Gusto ko kasi siyang makasama bago siya umalis" agad ko namang binitbit ang mga gamit ko sa cubicle ng makita ko si Lucas papunta sa gawi ko "Sasama ako. Gusto ko siyang makasama rin" s**t! I can't let him see my child "Sir Lucas saglit lang po tumawag po si Miss Kim sa phone ko. Hindi ka po kasi niya makontak" sabi ng sekretarya niya. Save! "Susunod ako" sabi niya kaya dali-dali akong bumaba. Pagkababa ko agad kong nakita ang anak ko at si Mang Tess na may dalang maletang maliit "Mama!" Sigaw niya habang tumatakbo sa akin. Naalala ko bigla si Lucas kaya agad akong lumapit kay Manang Tess habang bitbit si Light "Manang iiwan muna kita dito ha?" Kinukuha ko na rin ang maletang hawak niya "Bakit hija" kinalkal ko ang bag ko at inabot sakanya ang limang libo "Manang susunod po si Lucas sa amin. Ayaw ko pong malaman niya ang tungkol kay Light ikaw na pong bahala sakanya" naintindihan niya ako agad kaya umalis rin kami agad "Mama saan po tayo pupunta? Iwan natin lola?" Ang apat na taong gulang kong anak ay naluluha na "Yes baby. Sabi kasi ni lola pupunta na siya sa mga baby niya like you. Pumunta ka na kay mama kasi miss kita" ngumiti naman ang anak ko saka ako hinagkan ng mahigpit. "Sweet namang bata pero Light kapag nasa work si mama sa nursery ka ha? Be a good boy okay?" Tumango naman ang anak ko habang papikit-pikit ang mata. Maya-maya may tumawag na sa akin at si Lucas iyon. Sinagot ko din naman ito agad "Why did you left Manang Tess here? She said you need to go home urgent because you just had a stomach ache?" Si manang talaga "Oo sumakit ang tyan ko kaya ko siya iniwan pasensya na" lies. I can live with that lies even to my own son "Mama masakit ang tummy mo?" Nanlaki ang mga mata ko ng marinig ko ang boses ng anak ko "Mama?" ~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~~•~•~•~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD