Eunice Camille Salvatore
Nanlamig ang buong katawan ko ng marinig ko ang boses ni Lucas sa likod ko. It seems I can feel his dark aura. May maitatago pa ba ako? "I want to meet this little boy of yours. He seems familiar" this cannot be!
"Ah sir may sakit po kasi ang pamangkin ko. Hindi po pwede" tinitigan niya ako ng mabuti. "You know you can't lie to me Eunice" sabay alis nito. Agad na akong tumayo at umalis na. Dahil alam kong susundan niya ako after working hours. Imbes na sa nursery ang punta ko ay pumunta ako sa bangko para mabayaran na ang huli
"Congrats Ma'am Eunice. Sainyo na po muli ang bahay. Pwede na po kayong lumipat muli doon kapag gusto niyo anytime" nginitian ko naman ang manager saka kinuha ang titulo at susi ng bahay. Dinaanan ko muna ito at tinignan ang kabuuan. The house didn't change a bit. Andito pa rin ang mga gamit namin noong bata pa ako
"I want this house upgraded. More secure and my own office" gusto ko pa rin ituloy mag-trabaho sa gReekTECH kaya part-time ko nalang ang opisina dito. Bigla kong naalala si Light kaya dali-dali na akong lumabas ng bahay saka nilock ito.
Pagkarating ko sa nursery ay nakita kong mag-isa nalang ito at lumuluha pa. "Sorry anak ngayon lang si mama" akala ko magagalit ito sa akin pero niyakap lang niya ako at tahimik na umiyak. Buhat-buhat ko siya hanggang sa makauwi kami ng bahay
Pagkarating ko doon nakita ko si Lucas at prenteng nakaupo. Mabuti nalang at tulog si Light ng makauwi na kami "So this is your nephew? Pagkakaalala ko kasi walang anak si Gail, Eunice" napalunok nalang ako saka ako umakyat para idala sa kwarto si Light saka ako bumaba para makausap si Lucas
"Tell me Eunice are you hiding something? Because if there is malalaman ko rin yun" kinabahan na ako sa mga sinabi niya. "Lucas. What happened to us?" Nang masabi ko yun napalitan ng lungkot ang mukha niya. As if there is something his hiding
~Flashback~
"Happy First Anniversary Eunice. I love you" sabay halik sa akin ni Lucas. Andito kami sa bahay niya at kami lang ang tao. "Happy Anniversary din Lucas. Biruin mo next sem gra-graduate na tayo at malapit na kitang maipakilala sa parents ko" natuwa naman siya sa sinabi ko
"Eunice. Gusto kitang makasama habang buhay. Gusto kitang makita at makasama araw-araw. Gusto kong malaman mo na kahit anong malaman at marinig mo ay sana mamahalin mo pa rin ako at malaman mong mahal na mahal kita so let's cherish every moment" sabay abot nito sa akin ng camera kaya napaluha ako dahil ito ang camerang pangarap ko noon pa man "Thank you Lucas. I love you" sabay halik ko sakanya.
Sa araw na mismo yun panay ang kuha ko ng litrato namin na puro kami masaya "Eunice pwede ka naman na sigurong matulog dito diba?" Napangiti naman ako sakanya at um-oo. Sa araw na rin na iyon ay may nangyari sa amin.
Pagkagising ko ng umaga napangiti naman ako na katabi ko pa rin si Lucas at mahimbing itong natutulog. Nagulat nalang ako ng may biglang bumukas ng pinto "Lucas my love. I'm home sweetie. Who are you?!" Ang masayang expression niya ay napalitan bigla ng galit. Naalimpungatan naman si Lucas kaya nakabangon na rin ito
"Kim? What are you doing here? I thought next month pa ang dating mo?" Nagulat pang tanong ni Lucas. Magkakilala sila? "Lucas I think your companion is curious" napatingin naman sa akin si Lucas at tumayo ito at tumabi kay Kim
"Eunice this is Kimberly Tan my girlfriend. My soon-to-be wife and our company will merge soon. The gReekTECH and YealTelK" kaya pala mabilis kami makakuha para sa capstone noon ay dahil sakanila ang gReekTECH "I'm sorry Eunice let's break up. Hindi naman kita mahal dahil si Kim lang ang nag-mamay-ari ng puso ko"
Tuloy pa rin ang pag-agos ng aking luha habang sinusuot ko ang aking mga natitirang damit. Iniwan ko na rin ang camera sa higaan pero bago ako umalis tinignan ko muna sila. Nakangisi si Kim habang si Lucas ay malungkot ang mga mata pero seryoso ito kaya nilisan ko na at doon na nagsimula lahat ng mga malas at problema sa buhay ko
"Eunice ayusin mo ang Finals mo dahil kung hindi ay hindi ka na rin makakatapak sa entablado at maging cumlaude" yan ang isa sa mga masasakit na salita. After the breakup then this
"Eunice asan na ang collateral money natin para sa bahay natin?!" Tanong ni Mom sa akin "Mom ginamit ko po pinambayad ng tuition ko po" lies. I used it for ultrasound "Putangina naman Eunice! Saan tayo kukuha ng pera para doon? Palubog na ang negosyo namin ng Daddy mo! Malas ka sa buhay ko" sabay iwan sa akin
"Ano?! Buntis ka? Ginamit mo na nga ang pera natin nagpabuntis ka pa?! Leche naman Eunice" umiiyak na ako "Mom tulungan niyo po ako. Gusto ko pong grumaduate" at malakas na sampal ang nakuha ko "Problema mo na yan Eunice" hindi ko nakausap si Dad at Gail
Sinubukan kong lumapit kay Lucas noon pero nakita ko silang magkasama ni Kim. Siguro hindi niya ito tatanggapin kahit na sabihin kong sakanya ito pero try lang "Lucas patulong naman ako sa mga teachers natin" masama naman akong tinitigan ng girlfriend niya "f**k off Eunice! Wag mo kaming idadamay ng boyfriend ko sa problema mo. Walang tutulong sa isang tulad mo!"
Pinilit ko nalang ang ibang mga teachers na pautangin ako basta ibabalik ko rin after grad at napagtagumpayan ko naman iyon. Salamat sa diyos pero hindi na ako hihingi ng tulong sa iba dahil wala ng ibang tutulong sayo kundi ang sarili mo lang
~End of Flashback~
"Lucas mag-usap nalang tayo next time. I'm tired. Go home please" tinignan niya lang ako at palabas na sana siya nang lumingon pa sa akin at nagbitaw pa ng mga salita "I told you before Eunice. Whatever you hear nor see just believe that I have always loved you even from that very day"
Nilisan na niya ang bahay ko pagkatapos noon. Napaupo ako sa likod ng pinto nang maisara ko yun at bumuhos na ang mga luha kong kanina ko pa pinipigilan. "Mama are you crying?" Napapunas naman ako ng luha ko ng marinig ko ang boses ni Light
"No baby. Napuwing lang si mama. Are you hungry? Come mama will cook for you" ayaw ko ng humingi ng tulong sa iba. I will stand on my own to protect my son. Kinalimutan ko na ang mga sinabi mo Lucas. Noong araw na saktan mo ako lahat ay ibinaon ko na
~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~