"Mag-uusap tayo. Sumunod ka kung ayaw mong buhatin kita palabas." Lumabas na ito sa office. Sumunod ako dito. Dahil madadaanan namin ang faculty ay nagmadali muna ako sa pagpasok at sa pagkuha ng aking bag. Nasa loob ang dean kaya sobrang tahimik ng paligid. Pero alam kung nagmamasid ang mga ng mga professor na natira dito. "Dean." Magpapa-alam na sana ako dito. "Ano pang ginagawa mo dito nagmadali ka na at hinihintay ka na ni Sir." Tinuro ng dean gamit ang labi si Calvin. Hindi lang ako ang nakasunod sa labi na nakanguso ng dean pati na rin ang tao sa loob ng faculty. May narinig pa akong hagikhik galing sa kapwa ko guro. Nagmadali akong naglakad palabas ng makita ko si Calvin na naiinip na nakatingin sa direction ko. Nagsimula na itong maglakad ng ilang hakbang na ay abot ko na it

