Capituo Cuatro

2535 Words
Juanco's Harap pa lamang nga lugar ay napakagara na sa malaki nitong fountain sa harap na napapalibutan ng mga halaman at bulaklak sa bawat liko ng aming sasakyan dahil sa lawak ng lugar. Ginawa iyon sa replica ng Palace of Versailles ng may-aring Don. Maaaring di kasing laki pero masasabing kasing gara. Mas lalo itong gumanda mula ng huli akong nakapunta rito. Isang pila ng mga sasakyan ang bumungad sa amin, na inilalabas ang ilang mga kilalang mukha sa larangan. Kinabahan akong bigla; it's like the first time. Pero panandalian lang iyon nang hudyat na namin ang bumaba. Unang lumabas si Kerin kasunod ako, at gaya ng inaasahan ay nakaagaw ako ng pansin sa mga taong papasok na rin sa loob. Rinig ko ang mga bulungan nito. "Is that Juanco Desjardin?" "Isn't he dead?" "Is that a guy... Is that a Desjardin?" "How can a guy be that beautiful?" "Is he cross dressing?" Iilan lang sa mga pinagbubulungan nila. Hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan, sa loob ng ilang taon ay nasanay akong nakatago. Hindi ko inaasahan na ganito ang mararamdaman ko sa lugar na ito; I feel exposed and it doesn't seem right. I think I am having a panick attack, not until Kerin held my hand at inikot iyon sa kanyang braso. Nahalata yata nito ang nangyayari sa akin. "Breath. You are doing fine, hold on to me. Let's go", niyakag na ako nitong papasok. Hindi pa rin nawala ang tingin ng mga tao pero, somehow, in a way, ang kamay ko na nakapatong sa braso ni Kerin ay tila gamot na nagpakalma sa akin. Pumasok na kami sa loob, the light is dim and the party is already starting. Iniba nila ang vibe ngayon kahit na red party pa rin. This is to my advantage, at least, there is a least chance na baka makita niya ako. Alam kong napakaliit ng tsansang hindi but I hope he is not here. Anton Salvatore; that filthy man. "Nakatingin na agad sila...", sabi ni Kerin na ang ibig ipinapahiwatig ay ang mga Mafia Don na mababa ang tingin sa kanya. Kilala ko ang ilan sa mga ito, at hindi ito mahirap dalhin sa side namin. Ang kailangan ko ay isang pain na kayang mapasunod ang mga mababang Mafia Don na iyon; those old hags who thinks low of the Pacific's Don deserve to be stuffed with a funny filling on their faces. Agad, ang mga tingin ng kababaihan na nais isayaw si Kerin ay pumangibabaw. Of course, di mo maipagkakailang may itsura si Kerin not to mention his incredible height, it definitely will swoon over these hags daughters and granddaughters. "Aalis ako, makisayaw ka sa kung sinong may nais" "Shouldn't I dance with you first?" "Ito ang first red party mo, maging accomodating ka, lalo na sa mga kababaihan. Iyan ang kailangan mo" "How about you?" "Kaya ko ang sarili ko", bumitiw na ako sa kanya at kusang umalis at di pa man ako nakakalayo upang kumuha ng baso ng champagne ay nagsilapitan na agad ang mga kababaihan rito. Napatingin siya sa aking gawi, itinaas ko ang baso bilang tango rito at dinala na nito ang isang babae sa dancefloor, that if I am right that's the granddaughter of the Don of an organize syndicate that focuses on money lending; nice pick. Hindi rin nagtagal ay dumami na rin ang mga kalalakihang lumapit upang maisayaw ako pero lahat iyon ay aking tinanggihan. Kay Kerin lang ang tingin ko na ngayon, ay kausap na ang iilang mga Mafia Don. And then the real essence of the Red party started to take place. May gumagamit na sa gilid, some are even having s*x. Sana lang talaga ay hindi magkaroon ng p*****n sa gabing ito. Nasa tabi lang ako at pilit tinataho ang sarili sa dilim pero hindi ito umobra ng mapansin ko ang dalawang Mafia Don na papalapit sa akin. "I thought you were dead", biglang sabi ni Robin, isa sa dalawang Mafia Don na lumapit sa akin. Ang magkapatid na sina Robin at Albert, the Don's that is the line of dr*gs. Ayoko sa mga ito, lalo na sa maliit at bilugan na si Robin na kilala sa pagiging manyak, habang si Albert naman ang payat, malalim ang mga mata na laging lango sa nakadr*ga. Pasimple akong ngumiti, iyong halatang naiirita, at halatang peke. "No, Mr. Fontanilla. Buhay na buhay, nawala lang naman ako ng... medyo matagal na panahon" "Dalawang dekada, anong medyo, pinagloloko nito", sarkastikong wila ni Albert na panay ang singhot. "Alam ko bakla ka noon pa man pero...", nanlalagkit ang tingin nito sa akin; gusto kong masuko sa mukha nito. "Iba na ang hitsura mo ngayon. Mukha ka nang babae; may sumayaw na ba sayo, Juanco? Baka gusto mo--", hahawakan sana nito ang kamay ko ng may dumaang water na may dalang canape, mabilis ang galaw kong kinuha at binigay sa kamay nito saka lumayo. "No, thank you. Oh, may tumatawag sa akin. Nice talking Robin and Albert--" "Umiiwas ka ba?", hinila ni Albert ang kamay ko na nagpipigil sa akin ngayong makalayo sa dalawa. "Sabi ng kapatid ko gusto ka niyang isayaw. Red party ito, gagawin namin ang gusto namin kaya pumayag ka nalang", agresibo na ang tono ng boses nito. "Ah no, bakit niyo--", hindi ko matapos ang sasabihin ng mahagip ng aking mga mata, sa likod ng maliit na si Robin, sa gitna ng malilikot na ilaw sa dancefloor, ang pigura ng isang lalaking tila kanina pa nakatunghay sa akin. Sa second floor, doon siya maiging nakatitig lang sa akin. Ang ekspresyon ng mukha nito ay pinaghalong gulat at tila... galit. At mukhang humahakbang pa pababa. No, stay there... stay far from me! He's here... and he's coming towards me. Alam kong hindi ko siya maiiwasan; this is bad, I need to get away pero paano kung ang hawak ako ng lulong sa dr*gang si Albert, at nakaharang ang manyak na Robin at tila na istatwa na ko sa presensya ni Anton. I need... I need to do something. I... "There you are, kanina pa kita hinahanap", hinuli ng kung sino ang aking braso paalis sa kapit ni Albert at mabilis na hinarap ako sa kanya. His eyes telling me to just look at him at na hindi mag panic, and again, gaya ng kanina, it soothed me. "Anong ginagawa mo? Isasayaw pa iyan ng kapatid ko" "Oo nga!", Hahabutin pa sana akong muli ni Robin ng tinampal iyon ng malakas ni Kerin. "I saw and heard you, Mr. Robin and Albert Fontanilla, pero siya ang date ko and he says no, so please with decency respect his decision; and keep both your crusty hands away from him or suffer the consequence of ehat I can do to this bloody, red party", may diin at pagbabanta lalo na sa huling pangungusap nitong wika na parehong napalunok ang dalawa at mabilis na umalis sa harap namin. Niyakag akong palayo doon ni Kerin, lumingon ako upang tingnan kong anduon si Anton pero wala na, tila nawala lang itong bigla. Siguro ay wala naman talaga, namamalikmata lang siguro ako dahil sa kaba ko kanina pa. Knowing Anton, he will be dragging me by now kahit na andito si Kerin, especially that this is the night of no rules pero hindi... So it must not be him. "Kamuntikan ka na" "Di ka na daotat sumabat pa, kaya ko naman ang mga iyon" "Yeah, you were about to be drag down; at sisirain mo ang na-establish ko sa gabing ito yeah right!", sarkastiko nitong wika. "You were doing fine. Bakit andito ka?", Pag-iiba ko nalang sa usapan. "Dahil hindi kita nakita, akala ko nawala ka na. Mabuti nalang at nakita kita. Why didn't you even move an inch there?" Dahil nakita ko ang llaking kinamumuhian ko matapos ang dalawangpong taon. At naghalo ang nararamdaman kong galit at hinagpis, na pinigil nito ang paggalaw ko. "I was just... nabigla lang ako pero kaya ko naman iyon. Anyways, look, sa gilid ng dancefloor iyong naka-ponytail at hapit na red dress halos kita na ang suso..." pagiiba ko na muli. "What about her?" "Siya, si Anya Del Valle. Ang nag-iisang apo ni Eustacio Del Valle. Akitin mo siya, Mr K" "What; Why?..." "Si Eustacio Del Valle ay isa sa mga taong matagal na sa ganitong larangan, Kerin. Kung sino ang makakakuha ng pabor at suporta niya ay pinagkakatiwalaan ng lahat; he even worked well with the late Felixto Ravino" "Felixto isn't dead yet, Juanco. He's well, alive and still managing sovereign, at apo niya si Jacintha the man and I work together", gulat akong napatingin sa kanya, I was even blinking aggressively. "Bakit di mo iyan naipaalam sakin agad?" "You will find out eventually" "Then, hindi na natin kailangan ito. Felixto he--" "Challenged me, to do things my way. Tinanggap ko iyon, at papatunayan ko rin iyon sa kanya. Now...", hinila nito ang braso ko bumulong. Nagdadalaang-isip pa yata itong umalis. "I will be okay, "Don't go far from my gaze, baka bumalik na naman iyong--", tinulak ko ang bewang nito palayo at napa-cross arm. "I know! Oh may sasayaw kay Anya, bilisan mo, maunahan ka pa", pilit ang ngiting ibinigay ko rito at tuluyan na rin itong naglakad lakad palapit kay Anya. Sa tangkad nito ay nanliit ang ibang mga kalalakihang sinusubukan siyang dalhin sa dance floor. He is in advantage; tingin ko naman dito kay Kerin ay maalam siya sa pang-aamo ng isang babae, more likely, he reeks of being a womanizer. Alam ko, cause I know one when I see one. Natingin pa ito sa gawi ko at sinigurong narito pa rin ako, na ningitian ko naman. Di nagtagal ay sa kanya na ang atensyon ni Anya, kita sa mukha nito ang pamumula sa kaharap nito. Tsk! He really is a womanizer. I took a sip of my champagne, inisang lagok iyon upang maubos. May iilan pang kalalakihan ay sinubukang lumapit sa akin at makikipagsayaw sana pero pinigil ko ang mga ito. Nang mapansin kong wala na si Anya at Kerin, na sa tingin ko ay nagkakaigihan na sa dance floor ay naisipang kong lumapit sa buffet table saka kinuha ang isang bote ng champagne at naglakad paalis sa hall kung saan nagaganap ang party. Naglakad ako patungo sa likod ng palasyo. I have been here before, so I know this place, may maze sa likod. I could take a few minutes away from that crowd. Habang naglalakad papunta sa likod ay binubuksan ko ang champagne. Medyo madilim ang hallway, at tanging ang bilog na buwan ang nagsisilbing ilaw sa aking dinaraanan. I like it this way; lalo na ng lumakas ang hangin. It feels refreshing. Nang nasa maze na ako ay tinanggal ko ang sandals na aking suot at dinama ng paa ang damo na anduon, saka tinungga ang bote ng champagne. Lumakas ang hangin, lumapat sa aking mukha ang simoy ng hangin. Naalala kong may yosi nga pala akong itinago sa stocking na suot ko. Itinaas ko ang mayabong na dress at hinugot sa aking hita ang isang lighter at sigarilyo, sinindihan iyon at hinithit sabay inom ng champagne. Ha! Finally; alone and away! Bulong ko sa likod ng aking isipan sabay tungga muli sa botr ng champagne. "Dapat pala rum ang kinuha ko...", mahinang bulong ko sarili ng nakatingin sa bote. "Mayroon ako dito kung nais mo, Juanco", biglang sabi ng kung sino sa aking likuran na aking kinagulat. Hinarap ko kung sino iyon at laking gulat ko ang makita ang mukha ng lalaki, may hawak itong bote ng rum. "Hi Juanco, it has been decades. Parang hindi ka tumanda. Maganda ka pa rin gaya ng dati, and now, that times changed; hindi iyon nabago. How have you been?" Hindi ako namalikmata; it's him, really him. Hindi ako sumagot at imbes ay ibinaba ko ang bote ng champagne, lumapit ako rito at hinablot sa kamay ang bote ng rum. Hindi ko ipinakitang may epekto ito sa akin dahil wala dapat, hindi na ako gaya ng dati na mapapa-ikot niya. "Hindi ka pa rin nagbabago, Anton. Catching up like we're some good old friends; when you were faking it the whole time. Salamat sa rum, pwede ka nang umalis", tatalikuran ko na sana ito ng humakbang ito palapit sa akin, umurong ako. "Tumigil ka Anton at diyan ka lang", tinaas ko rito ang bote ng rum, natigil naman ito. Kita na nagpipigil siyang lapitan ako, with that sorry look already present on his two faced, thick face; I know better. Si Anton; gagawin niya kung anumang nais niya, kahit pa makaapak siya ng iba, kahit pa masira niya ang buhay nila... like what he did with mine, with... them. "Galit ka pa rin ba sa akin?" "Galit?... Ang salitang galit ay napakababaw, Anton sa lahat ng ginawa mo, kaya please lang, umalis ka na" "Bumalik ka, after all these years. Akala ko patay ka na. It's what they--" "At masaya ako kung ganun, dahil sa mga taon na iyon, walang kagaya mo ang nanggugulo sa akin" "Did you come back for me?" "Huh! Ang kapal ng mukha mo Anton. Mas may tama ka pa kesa sa rum na ito", initsa ko ang bote sa harap niya, nabasag iyon, nagkalat ang bubog. Pero hindi niya iyon alintana at hinakbang ang konkretong inapakan sa damong inaapakan ko at ikinuling ako sa kanyang mga bisig; pilit akong nagpumiglas. "Noon hanggang ngayon ikaw pa rin, Juanco bakit ba hanggang ngayon ay hindi mo matanggap iyon. They are already dead!" "Shut it!", halos mapaos ko nang sigaw. "I have never loved you before and I will never love you now, Anton. Like you said they are already dead at ibabaon ko na iyon lahat sa limot. So you should move on too", itinulak ko ito palayo sa akin pero hinuli lang jutong muli ang aking kamay ng biglang may nagsalita. "Juanco...", nahihirapan sa pagpupumiglas ay iniangat ko ang tingin kay Kerin. Ang mga mata nito ay nanalilisik na nakapokus lang kay Anton. "Kerin Desjardin, siya ba ang bago mo ngayon, Juanco?", halos sigawan na ako nito ng buong puwersa akong kumawala dito. Itinaas ang aking suot kong dress, at inilang hakbang ang pagitan namin ni Kerin dahilan para makaapak ako ng bubog pero hindi ko inalintana iyon at agad na lumapit sa harap ni Kerin. Ibinaba nito sa akin ang tingin, na tila naguguluhan, at muking natingin kay Anton pero hinuli ko ang mukha nito paharap sa akin at pabulong na nagsalita. "May gagawin ako, wag kang gumalaw. No, scratch that, move that f*****g lips of yours...", may diin kong utos dito at walang anong ifitnampi ang labi ko sa kanya. Naramdaman ko pa itong napasinghap dahilan upang aking maipasok ang dila sa bibig niya at nilaro iyon. I am doing it, I am f*****g french kissing Kerin Desjardin at sigurado akong magsisisi ako nito mamaya pero kailangan kong matakasan si Anton, at ito lang ang tanging paraan. "f**k you!", rinig kong usal ng huli habang patuloy pa rin kami sa ginagawa. Ilang minuto na ang lumipas at tila napuno na nga katahimikan ang paligid. Idinilat ko ang aking mata at napagtanto ang aking ginawa at madali na tinapos ang halik; hingal kaming dalawa. Stupid move, Juanco! Argh!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD