Juanco's
"Teka lang! Teka lang! Teka lang ahk!"
"Are you dumb bakit ba di mo maintindihan? Don't flap your hands like a dog and your feet at the same time, malulunod ka niyan!"
"Iyon iyong sinabi mo eh!"
"Hindi ah! Makinig ka kasi ng mabuti. Ayokong masayang ang oras ko ngayon!"
"Oo nakikinig ako wag ka sumigaw!
Nagsisigawan na kaming dalawa ni Kerin, that it echoed inside this private pool ng Hotel na pagmamay-ari ng Pacific. Kaming dalawa lang ang narito. Ayaw kasi niya dun sa pool ng mansyon ewan ko ba, pero in fairness abot ito ng paa ko di gaya ng pool doon.
Halos mag-iisang oras na kamo dito at nahihirapan pa rin akong lumangoy, sinasabi nitong wag ako matakot sa tubig, sino ba kasing takot, di naman ako aso. Sadyang di ko lang talaga alam paano ba gumalaw sa tubig ng di mamamatay.
"Okay, sige, dito ako, try flapping your feet and stroking your hands", hawak nito ngayon ang bewang ko. Nagsimula akong gumalaw, at maayos naman iyon ng bigla ako nitong bitiwan at nagsimula lumubog ang katawan ko that it made me panic at nagkakapakapa sa tubig hanggang sa maramdaman kong may kung anong matigas akong tinamaan, sabay kamay na humila sa akin patayo.
"Agh! For f***s sake, my ribs! Ugh my ribs!", daing nito sa kanyang tiyan habang ako naman ay nakatingin lang dito, di alam kong anong gagawin sa kanya.
"Sorry... siguro, let's take a break first"
Umahon na muna kami at naupo sa bench. Kinuha nito ang tuwalya niya bago isinuot ang roba at nagpatawag ng ice pack dhail namumula ang sa may bandang tiyan nito.
Ilang minuto rin kaming nasa bench lang, kumakain ako ng mga strawberries, nasuot ko na rin ang roba ko habang naghihintay lang sa kanya at mabalik kami sa swimming lessons niya.
"Ayos ka na ba?", tanong ko rito habang dinadampian nito ng yelo ang may eight pack abs niya na hindi pa rin ako makapaniwalang mayroon siya dahil payatot itong tingnan kapag nakasuit pero may mga muscles pala itong nakatago sa loob non.
"Yeah... no thanks to you", inis niyang sabi.
Dapat nilakasan ko pa iyong pagpatid ko eh iyong sa bunganga sana tatama, lihim nalang akong napaasik.
"Sa susunod aayusin ko na"
"Bakit kasi di ka natutong lumangoy?"
"I was busy learning guns"
"Hindi ka kailanman naturuan?"
"Almost... may nangako sa akin na tuturuan niya ako"
"Almost? Anong nangyari"
"He died"
"So he died at hinayaan mo nalang na hindi ka matuto"
"Siguro, ganun nga...", bumalik na naman ang ala-ala nito sa isip ko. I shrug it off.
"Okay... babalik ako sa pool. Ako lang muna mag-isa, susubukan ko",
"If you fail again this time, I'll let you drown...", kumuha ito ng strawberry at sinubo iyon, "And die...", inarko nito ang ulo para ituro ang pool.
Hinubad ko na ang aking roba at bumaba nang muli sa pool, inaalala sa isip ang mga does and don'ts namin kanina. Malalim akong bumuntong-hininga ng biglang magsalita si Kerin.
"Do not be scared and let go, Juanco...", sa ilang sandali, nanatili sa isa't-isa ang aming mga tingin na hindi ko dapat hinayaan, pero di ko naman magawang pigilan.
I see him but it's not him, but in some form parang siya na rin ang nagtuturo sa akin, fulfilling the promise na tuturuan niya akong lumangoy.
My Dearest Damien
Inihanda ang aking mga braso at paa, kasama ang determinasyon na matuto muli akong malalim na bumuntong-hininga at nilusong ang tubig sabay ang paggalaw ng paa at paggalaw ng aking mga braso. At nakita ko nalang ang sariling kahit papaano ay hindi na lumulubog sa tubig at palayo na sa pool kung saan anduon ang malalim na parte ng biglang may humablot sa akin at itinaas ako; si Kerin.
"Haaa!", hinga ko ng malalim. Pinahid ni Kerin ang tubig sa aking mukha at hinawakan ako sa magkabilang braso.
"Are you crazy? Lumalalim na Juanco!", sigaw nito sa akin. Ginalaw ko ang aking paa, oo nga, malalim na at di ko na abot pero imbes na magalit ay napuno ng ligaya ang dibdib ko at mabilis na sinunggaban ng mahigpit sa yakap si Kerin na pati ang dalawa kong paa ay nakapalibit na ngayon sa bewang nito.
"Nagawa ko, nagawa ko Damien!" Hinahampas hampas ko ito sa likod at pinanggigigilang pinipiga ng yakap, hindi naman ito nagalaw at doon ko lang napagtanto ang aking ginawa. My eyes immediately widened at tiningnan ang mukha ng niyayakap ko ngayon si Kerin, it was... di ko alam, dahil di ko mawari.
"Nagawa ko, Kerin. Salamat", maayos ko nang sabi rito but he just stared at me until he said it.
"Who is Damien?"
Hindi ko alam ang gagawin. Sasagutin ko ba ito? That the guys is...
"Siya iyong magtuturo sana sa aking lumangoy"
"No...", usal nito, napakunot ng noo ko.
"The way you say his name, he means something to you... more than that"
"He did, but hindi na dapat ngayon, wala na siya",
Ang sayang aking naramdaman ay agad napalitan ng bigat ng pakiramdam. Ito ang nangyayari kung ayaw mong tanggalin sa sistema ang isang taong hindi na dapat anduon.
Nangingilid ang aking mga luha, napakalapit nito sa akin. Ang mga mata nito ay tila nagtatanong, ekspresyon nito ay lumamlam. Umalis ako sa pagkakayapos dito at lalangoy na sana sa malapit na gilid ng inilibot nito ang kamay sa aking bewang.
"Kerin...", kapos hininga kung wika.
He is still staring at me, I looked away, pero mas hinapit pa ako nito palapit sa kanya at hinawakana ng aking baba paharap sa mukha nito.
"Then forget him, don't even utter his name when I'm at your presence because he was history and me... I'm the future", wika nito sa tonong nais kong paniwalaan. Sa tonong tinatangay ako na para bang iyon ang katutuhanan pero hindi, because we should never be; but...
"I dare you again to avoid me, in any means of avoiding me, and I will cross your heartto the things that will possibly happen"
Bumaba ang tingin nito sa akin patungo sa aking mga labi and swiftly, touched his lips on mine; taunting it hanggang sa tuluyan akong bumigay sa mainit nitong mga halik. Napakainit na kahit nasa gitna kami ng pool at napapaligiran ng tubig tila hindi iyon sapat upang mawala ang init sa pagitan naming dalawa.
Ang mga halik nito ay nanunuyo, dama ko ang lagkit non lalo na ng pinasok nito ang dila at nilaro ang akin.
"Uhmmp!", impit kong ungol sa ginagawa nitong paglusob sa aking mga bibig, nahihirapan akong huminga. Itutulak ko na sana ang mukha nito pero hinwakan nito iyon, pansamantalang hiniwalay ang labi sa akin.
Nakatatlong hinga lang yata ako ay sinunggaban na naman ako nitong muli, this time the kisses became intense. Bigla itong naglakad, na ikinagulat ko at naputol ang halik pero agad nitong hinuli iyon, napapikit akong lalo sa puwersa nito hanggang sa nakita ko nalang ang sariling inaangat na nito at inihiga sa bench.
Nakaibabaw na ito ngayon sa akin.
"Basang basa tayo...", sabi ko.
"Oh, you will be", may panunudyo sa boses nito at muling hinalikan ako nang may mga tunog ng tila yapak ng paa akong narinig, mabilis akong napadilat at tinulak paalis si Kerin at naupo sa bench sakto naman ang pagdating ng isang lalaki may kasamang lalaki, pamilyar ito sa akin.
"Uzman? What are you doing here?", nakatayo na si Kerin sa tabi ko.
"Campaign; dito sa Hotel niyo ang venue", wika nito ng nakangisinsa akin.
"He will not model for you"
"Ha?", nalingon ko si Kerin. Lumapit si Uzman sa deriksyon namin, napahalukipkip nalang si Kerin.
"Pinapangunahan mo na naman. Actually andito ako para sana kausapin at kumbinsihin si Kerin, for me to get to you pero mukhang swerte ako ngayon...", inabot nito ang kamay ko, hawak niya iyon, then he charmingly smiled.
"Would you please, model for me?",
"Ah, ako bat--", di paan ako nakapagsalita ay kinuha na Kerin paalis sa kamay nito ang kamay ko.
"Sinabi ko na sayo, hindi"
"Akala ko ba kaibigan kita?"
"Oh now we're friends?"
"Juanco, here take my calling card, if you want call me. Isang ad lng naman para sa mall ko, hm?", nilahad nito ang calling cars niya, kinuha ko naman.
"Umalis ka na, Uzman"
"Tone Kerin, I'm still older than you"
"Bakit ba lage niyong ginagamit iyang I'm older than you card niyo?"
"Anyway, swerte naman ako dahil naabutan ko si Juanco dito, please consider it at wag ka magpadala kay Kerin. Galit lang kasi siya dahil naka jumper lang sya sa photoshoot nya non, partida mukhang nadilaan pa ng kalabaw din iyong hairstyle niya"
"Uzman!"
"What? I'm stating facts. Anyway, my on call meeting pa ako, I need to go", he waved goodbye at umalis na.
Tiningnan ko ang calling card nito na kinuha ni Kerin at tinapos.
"Oi! iyon calling card", anas ko.
"Now, where were we?", hinila nito ang braso ko at plano pa yata tapusin ang nasimulan namin kanina ng biglang mag ring ang phone nito.
"Sagutin mo", tinulak ko siya.
"Laters..."
"Ngayon na at baka importante", he hissed bago tumayo at kinuha ang phone niya saka ito sinagot.
Ako naman ay inayos ang sarili at kinuha ang calling card at nilagay sa mesa at inabot ang phone na kaka-beep lang din, at naglakad malapit sa may pool. May mensahe, galing kay Anton, binuksan ko iyon.
Anton: "Where are you? I miss you already, wanna go out for dinner?
Napangiwi ako sa laman ng mensahe nito para sa akin. Magre-reply na sana ako sa mensahe nito na hindi ako makakapunta at busy ako ngayon ng biglang may kung sinong tumabig sa akin sa likod, nabitiwan ko ang tuloy ang cellphone at nang aking lingunin ay si Kerin.
Napalingon ako sa kanya ng napakabilis, nagtatanong siyang tinitingnan pero itinaas lang nito ang dalawang kamay.
"Muntik na kasi akong madulas", paliwanang niya.
"Bakit ba kasi andayan ka? Saka paano na ang cellphone ko?!", naupo ako at sinilip sa ilalim ang cellphone, pero hinuli lang nito ang kamay ko at pinatayo.
"I'll buy you a new one, halika na", pinasuot nito sa akin ang roba ko, sinuot rin nito ang kanya. May dalawang staff na ng Hotel ang pumasok.
"Eh, anong halika na", he is now dragging me, paalis.
"Let's use the other pool. Ayoko na dito. The staff will get your phone from the pool. Come on",wika nito ng hindi ako tinitingnan at patuloy lang sa paghawak sa aking kamay palayo doon.
"Pero...", bagsak ang balikat nalang akong nagpatianod dito. Ayaw rin naman kasi ako nitong bitiwan, ang higpit ng hawak niya.
"Di ba dapat nasa Veinna ka ngayon?", tanong ko rito dapat kasi isang oras lang kami. Nasa labas na kami ng tumigil ito at hinarap ako.
"I cancelled it cause you said you wanted me to teach you to swim", his last words caught me off guard, dapat kasi hindi ito tumigil, parang iba tuloy ang dating sa akin.
Buong-araw lang kaming magkasama ni Kerin, dahil hindi ako nito tinigilan hanggang hindi ako natututo and fortunately, I did it, somehow, kaya ko na. Napaka patient nito sa akin, kahit na minsan nauuwi kami sa sigawan nang dalawa.
Ngayon ay gabi na, pauwi na kami ng mansyon. Ito ang ngda-drive habang nasa passengers seat ako, napalingon ako rito, ng biglang maalala ang kanina.
"He's history, I'm the future"
Ano ba iyon? He may blurted out in the moment siguro dahil lang sa ego niya dahil ibang lalaki ang nasabi ko imbes na siya na aking kasama.
Malalilm akong napabuntong-hininga ng hawakan nito ang aking ulo at ginulo ang buhok.
"What are you thinking, look at me"
"So kapag may iniisip ako titignan kita? Ano naman yun?", he hissed.
"Pwede ba, for once stop being sarcastic?"
"Wala lang, iyong cellphone. Anton left a message, siguradong nag expect siya ng text back sa akin pero nahulog iyong phone, di pa din ako nakabili"
"Edi sabihin mo na nahulog, why fuss about small things"
"Iyon ay kung tatanggapin niya, siguradong sasabihin nitong gumagawa na naman ako ng paraan para iwasan siya"
Naramdaman kong bumaba ang kamay nito sa akin, he pressed my hands.
"I'm with you, he won't try being unreasonable like that",
Hindi na ako nagsalita pa, at ang kamay niya ay nanatili lang sa kamay ko.
Mas lalong ikakagalit non kung malaman niyang sa buong araw ay ikaw lang ang kasama ko.
Gusto kong sabihin ang mga salitang iyon sa kanya, na kung gagawin ko ay handa nito akong ipaglaban kay Anton; but that's not our story, I'm no damsel in distress na nasa lair ng villain. Isa ako sa villain, kaya wala rin.
I should not get these things that his doing for me in my head dahil masasaktan lang din naman ako; at hindi magandang pakiramdam iyon.
Narating na namin ang mansyon at pagpasok pa lang namin ay agad na bumungad si Anton, he looks mad and went directly to me, he cupped my face.
"Bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag ko. Where have you been?", inalis ko ang kamay niya sa akin.
"He was with me", si Kerin ang sumagot.
Binalingan ako ni Anton na parang hindi ito makapaniwala.
"May nangyari lang kaya hindi kita nasagot agad. Gusto mo ng dinner tama, let's go"
"You should know your place", hindi ito nakinig sa akin at imbes ay binalinga si Kerin.
"Excuse me?", sagot naman ng huli.
"Anton!"
"Di ba girlfriend mo si Anya, dapat anduon ka at kasama siya at hindi si Juanco, I am the boyfriend I should be the one beside him!"
"Huh! boyfriend?...", nangungutya itong natawa.
"What?!- Anong tinata--", lalapitan na sana nito si Kerin pero mabilis akong pumagitna sa dalawa.
"Anton, pwede ba? Hindi sa lahat ng oras kasama mo ako. At wala kaming ginawang masama ni Kerin kaya halika na!", pinikit ko itong umalis na, at nagpatianod naman ito, hawak ko ang kanyang balikat.
And when his gaze left Kerin, I didn't, at gaya ko nakatingin lang din ito sa amin na papalayo. He doesn't look please pero ito na rin ang tumalikod at naglakad na papalayo.
Nang marating na namin ang harap ng sasakyan ni Anton ay bubuksan ko na sana ang car seat ng walang ano ay sinampal ako nito ng pagkalakas napadapa ako s apintuan ng kotse.
"Did you f**k him this time?", kinuwelyuhan ako nito.
"Wala ka talagang ibang papaniwalaan kundi ang sarili mo noh?", ramdam ko ang hapdi sa gilid ng aking bibig sa ginawa nitong sampal.
"He barely looks like him he is not him", my expression turn furious.
"Don't even get there, Anton", napakamao kong wika saka inalis ang pagkakahawak nito sa akin.
"Akala mo ba tanga ako? I have been thinking about this. Napakatigas mong bumalik but with him ganun lang kadali and you... you stayed"
"Don't make assumptions"
"Am I? O totoo naman talaga na kumakapit ka pa rin sa maliit na bagay galing sa kanya na nakikita mo sa batang iyon. Ilang taon na Juanco pero ayaw mo pa rin bumitaw!", isang malakas na sampal ang iginanti ko rito,
"Umuwi ka na, wala na ako sa mood na kumain kasama mo", tinalikuran ko na ito pero hinila ako nito muli, nanginginig ang mga kamay nito, he must really be angry.
"Nagkakagusto ka na ba sa kanya, Juanco? Sagutin mo ako", hindi ako sumagot; dahil alam ko rin sa sarili ko na napakahirap sagutin ng tanong na iyon at na ayaw kong malaman o marinig mismo sa sarili ko ang sagot doon.
"Kahit na hindi sa itsura or sa katotohanang anak niya siya...", natigil itong sandali.
"Si Kerin, do you... see him as a man?", he said in a desperate voice. At sa huling pagkakataon ay inalis ko ang kamay ko sa hawak niya bago mata sa matang sumagot sa kanya.
"No-- satisfied? Pwede ka nang umalis", at tila gamot sa sakit nito ay tila gumaan ang kanyang ekspresyon, inayos ang tayo, tinango ako at binuksan ang pintuan ng sasakyan.
"You should be, dahil ano nalang ang sasabihin ni Kerin kung malaman niyang ikaw ang dahilan kung bakit lumaki siyang walang kinagisnang Ama", sumakay na ito ng sasakyan at nagpaharurot na umalis.
Pumasok na ako pabalik ng mansyon pero tila lantang gulay na humakbanv ang aking mga paa at napasandal nalang ako sa isang poste at pikit matang, nahilamos ang dalawa kong kamay.
This... this just cannot be.