[KENT'S POV] Natapos ang first quarter ng game at lamang ang kalaban ng one point. Ang score ay 22-23. Lumapit ako kay Fredison at pinahiran ko siya ng towel sa noo. Pati na rin ang likod at katawan niyang pawis na pawis. "Ang sweet talaga ng my love ko." sabi sa 'kin ni Fredison sabay kiss sa pisngi ko. Napangiti at kinilig naman ako sa sinabi niya. *flashback* Camping day namin ngayon dito sa school. Ang init-init nga eh dahil tanghaling tapat ngayon. "Twinbro, patulong naman ako sa pagsaing ng rice." sabi sa 'kin ni Keith habang inaayos niya ang mga kahoy sa lutuan na gawa sa bato. "Hindi ako marunong magsaing." tugon ko sa kanya. Hindi talaga ako marunong magsaing kahit sa rice cooker. Pinalaki kasi akong pinagsisilbihan ng mga kasambahay kaya medyo wala akong alam sa m

