[KATHLEEN'S POV]
Nagsimula na ang fourth quarter ng game. Kaming tatlo naman ay todo cheer sa mga boyfies namin.
"Go go go go go hubby ko." cheer ni Louise kay Billy with matching sayaw pa.
"Shoot that ball cutiepie. Kung hindi mo ma-shoot yan ay magtatampo ako sa 'yo." sigaw ni Kateleen na narinig naman ni James.
Shinoot naman ni James ang bola at na-shoot ito. Additional three points para sa kanila. Mukhang natakot yata siya sa sinabi ng kakambal ko.
"Go my love." cheer ko kay Fredison with flying kiss pa.
*flashback*
Isang linggo ko nang hindi pinapansin si Fredison dahil sa kiss incident namin dati sa library.
Hindi ko pa siya kayang harapin dahil do'n. Hiyang-hiya pa ako sa kanya. Baka kasi isipin niyang may gusto ako sa kanya.
"May problema ba kayong dalawa ni Fredison, Ate Kathleen? Mukhang hindi kasi kayo nagpapansinan." tanong sa 'kin ni Louise.
"Wala naman." pagsisinungaling ko. Mabuti nang hindi nila malaman 'yon dahil baka gumawa pa sila ng kalokohan about sa amin ni Fredison.
"Speaking of Fredison. Andyan na pala siya." sabi sa 'kin ni Billy at may tinuro siya. May halong panunukso ang boses niya.
Napatingin ako sa tinuro ni Billy at nakita ko si Fredison na papalapit sa amin.
"May pupuntahan pa pala ako. Kita-kits na lang tayo mamaya." sabi ko at nagmadali akong umalis.
"Kathleen, wait." pagpipigil sa 'kin ni Fredison.
Pero hindi ko siya pinansin.
*end of flashback*
One minute na lang ang natitira at lamang ang kalaban ng four points.
Naka-shoot si Billy pero two points lang ang dinagdag sa score nila.
Lamang pa rin ang kalaban ng two points. Na kay Fredison ngayon ang bola at pinapaligiran siya ng mga kalaban. Tapos malayo pa siya sa ring ng kalabang team.
*flashback*
"Kathleen, sandali lang. Mag-usap naman tayo." Hinawakan ni Fredison ang braso ko.
"Bitawan mo nga ako?" inis kong sabi sa kanya. Hindi ko intensyong mainis sa kanya. Sa katunayan, naiinis ako sa sarili ko. Naiinis ako sa sarili ko dahil lumalalim na ang nararamdaman ko kay Fredison.
"Ano ba ang nagawa kong mali Kathleen para layuan mo ako? Sabihin mo nga sa akin." tanong sa 'kin ni Fredison and I saw pain in his eyes.
"You want to know the truth, Fredison?" tanong ko sa kanya.
"Yes, sabihin mo sa akin kung bakit mo ako nilalayuan." sagot niya.
It's time to tell about my feelings for him.
Huminga muna ako nang malalim bago magsalita. Bahala na kung ma-reject man ako.
"I love you Fredison. Kaya kita nilalayuan dahil ayokong mas lumalim pa ang nararamdaman ko sa 'yo. Ayan, nasabi ko na." matapang na sabi ko kay Fredison na ikinatulala niya. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman niya ngayon.
"Just forget what I said." bawi ko sa sinabi ko at tinalikuran ko na siya.
Hindi pa ako nakakalayo nang magsalita si Fredison na ikinatigil ko.
"I love you too Kathleen." tugon niya na nagpatigil sa akin.
*heart beats*
My heart suddenly beats fast.
Tama ba ang narinig ko? Mahal niya ako?
Napatingin ako sa kanya.
"Pwede ba kitang ligawan Kathleen?" tanong sa 'kin ni Fredison. Sinsero ito at may halong pagmamahal.
Hindi ko pa rin masink-in sa utak ko ang sinabi niya.
*end of flashback*
Hindi makalapit si Fredison sa ring ng kalaban dahil may nakapaligid sa kanya. Ten seconds na lang ang natitira.
Biglang shinoot ni Fredison ang bola sa ring ng kalaban kahit na malayo ito.
*flashback*
Limang buwan nang nanliligaw sa akin si Fredison.
Sa loob ng limang buwan ay sigurado na ako sa nararamdaman ko sa kanya.
Ito na ang tamang panahon para sagutin ko siya.
Inaya ko si Fredison na mamasyal sa park.
"Ano ba ang pag-uusapan natin Kathleen?" nakangiting tanong sa 'kin ni Fredison and he lick his ice cream.
"Payag na ako." sagot ko.
"Na ano?" nagtatakang niyang sabi.
"Na maging girlfriend mo ako." nakangiting tugon ko sa kanya.
"Okay." walang emosyon na sabi ni Fredison.
Didilaan na sana niya ang ice cream nang may na-realize siya.
Napatingin siya sa akin.
"Talaga? Payag ka nang maging girlfriend kita?" hindi makapaniwalang tanong ni Fredison.
Tumango ako.
"Yes!" masayang sabi niya at bigla niya akong niyakap at binuhat.
"Yes! Girlfriend na niya ako! Woohoo!" sigaw ni Fredison na pumukaw sa atensyon ng tao.
Natawa naman ako sa reaksyon niya.
Parang nanalo siya sa lotto. Haha!
*end of flashback*
Mga point-seconds na lang ang natitira at lumalanding ang bola papuntang ring ng kalaban.
Pumasok ang bola sa ring kasabay ng pag-buzz.
"WAAAAAAAAAAAAAAA!"
Nagsigawan ang mga ka-schoolmate ko dahil na-shoot ni Fredison ang bola. Buzzer beater 'yon at three-point shoot pa.
Nanalo ang school namin at nakita ko si Fredison na binubuhat ng ka-teammates niya. 120-119 ang score.
"I'm so proud of you my love." sabi ko kay Fredison nang makalapit ako sa kanya.
"Thanks my love. Para sa 'yo 'tong game na 'to." sabi niya at sinuot niya sa akin ang medal na napalanunan niya. At siya rin ang MVP sa laro.
Nagkaroon kami ng konting pictorial.
After ng pictorial ay nag-post ako sa sss.
***
Kathleen Keet is feeling proud with Fredison Mirko
With my MVP boyfriend. #ProudGirlfriend
(No photos when f*******: is free
Use data to see photos)
1,654 reactions • 1,009 comments • 547 shares
***
[FREDISON'S SIDE]
(Entry No. 1)
May mga bagay na akala mo ay hindi mangyayari sa iyong buhay pero mangyayari't mangyayari pala nang hindi mo inaasahan.
It's my first day as a high school student. I met new friends. Shay, Lachlan, Tao and Shay.
Simula nang makilala ko sila ay lagi ko na silang nakakasama. Lagi kaming magkakagrupo sa bawat group activities at lagi kaming sabay kumakain tuwing lunch break. Kapag may mga lakad kami ay parati ko rin silang kasama.
But one day, everything changes.
Our normal life turns into a dark reality.
- Fredison
***
(Entry No 2)
Habang naglalakad kami ng mga kaibigan ko sa gitna ng dilim ay may humarang sa amin na grupo ng mga estudyante. May hawak itong mga baseball bat na nagbigay sa akin ng kaba. Bigla na lang kami inatake at pinalo ng baseball bat. Buti na lang at marunong akong mag-taekwondo kaya ginamit ko ang skills kong 'yon. Pero nagulat ako nang marunong din makipaglaban ang mga kaibigan ko lalo na si Shay.
At kilala rin nila ang mga lalaking may hawak na baseball bat.
May pumasok na tanong sa aking isip tungkol sa aking mga kaibigan?
Sino-sino ba sila?
- Fredison
***
(Entry No. 3)
Nalaman ko na dating gangster pala ang mga kaibigan ko. Galing sila sa iba't ibang grupo ng mga gangster. Hindi ako makapaniwalang gangster sila sa ganyang murang edad. Noong una ay nakaramdam ako ng takot sa kanila. Pero nang magpaliwanag sila sa akin ay unti-unti ko silang naintindihan at tinanggap. Nasa panganib ang buhay nila dahil sila ang target ngayon ng iba't ibang grupo ng mga gangster na sinalihan nila dati. Humihingi sila ng tulong sa akin at wala akong magawa nang panahong 'yon dahil isa lang naman akong simpleng estudyante.
- Fredison