Habang nakatingin sa salamin ay hindi ko maiwasan ang hindi kabahan. Nang magpaalam si Moning at ang tatlong kasamahan nito ay nagsimula na akong hindi mapakali. Nag-ooverthink nang malala. Nag-iisip ng iba't ibang senaryo sa utak. Bakit ko pa kasi ngayon lang nalaman na magkababata pala si Elisa at Francisco. Hindi ito nakatulong sa akin lalo na at wala akong kaalam-alam ni kahit isang impormasyon tungkol sa lalaki. Nagsabi na si Moning sa akin na dapat ay ihanda ko na ang sarili ko ngayon dahil maya-maya lang ay nandirito na ang mga Alvarez.
Kinuha ko ang diary ni Elisa na nasa drawer nitong lumang vanity mirror na nasa harap ko. Hoping that I can get answers from her o kahit tips man lang kung paano kausapin itong bestfriend niya. Is this guy Francisco love her o magkaibigan lang talaga sila? Ang dami kong tanong. Wala namang ni isang kasagutan sa mga iyon. Isang linggo na akong nandirito sa panahong ito at sa bawat araw na lumilipas ay sinusulat ko ang bawat pinagdaanan ko. I am rewriting her life at sana tama nga itong landas na tinatahak ko. Pakiramdam ko tuloy ay para akong nangangapa sa dilim. I'm searching for the light that can help me get through this situation. Ang hirap naman kasi eh.
Bagsak ang mga balikat ko nang wala akong mabasa sa diary ni Elisa. Wala ba siyang puwedeng maibigay na impormasyon sa akin? Is she expecting me to just get it on and leave all the decisions to me?
"Anak… Puwede bang pumasok?" Narinig ko ang mahinahong boses ng isang babae. Pamilyar na iyon kaya agad ko ring pinagbuksan siya ng pinto. "Ang ganda-ganda mo," bungad nitong sabi nang makita nito ang ayos ko.
"S-salamat h-ho, ina," nahihiya kong tugon.
Iginiya niya ako sa kama kung saan kami parehong nakaupo at magkaharap na pinagmamasdan ang bawat isa. I do like her presence. I can't feel any pressure when I'm with her. Para siyang si mommy na napapanatag ako kapag nariyan siya.
"Alam ko na nahihirapan ka rin sa nangyayari. Alam ko hija 'yong bigat na kaakibat ng pagiging babae," pasiunang wika nito. Mas lalong naging seryoso ang usapan namin. I was not expecting na kakausapin niya ako tungkol sa kasal namin ni Francisco. She is surely a loving mother to Elisa. "Minsan na rin akong nalagay sa posisyon mo. Nais kong tumakas at magpakalayo-layo noon pero naisip ko na baka masiyado lang matigas ang puso ko kaya hirap makapasok ang iyong ama sa buhay ko," madamdaming sabi nito.
"Ina, kung kayo ay nag-aalala sa kalagayan ko ay nais ko sanang pawiin niyo na ang inyong mga pag-aalala para sa akin," sagot ko naman. Hindi naman ako tanga para hindi ko maintindihan kung saan tutungo ang pag-uusap na ito. Kinakausap niya ako tungkol sa nalalapit na kasal upang bigyang linaw ang siyang mga agam-agam sa isip ko at matanggap ko ng buo sa puso ang pag-iisang dibdib namin ni Francisco. Marriage is not for everybody pero sa panahong ito there are no other choices na siyang pagpipilian mo. It's either you say yes or be killed. Sa panahong ito na kahit pamilya mo ay hindi mo dapat pagkatiwalaan.
Lumipas ang mga minuto na ang tanging naging daloy ng pag-uusap namin ay tungkol sa pagpapakasal. She also told me about her experience when she first learned about her marriage to my father. Isinalaysay niya kung paano rin siya nagbalak noong takasan ang lahat mabuti na lamang at sinubukan niyang kilalanin si Senyor Fabian at mas nagkaigihan silang dalawa. Tango lang ako nang tango. Paano naman kasi, ang lalim ng mga gamit nitong salita sa pagkukuwento.
"Tara na? Salubungin natin ang pagdating ng mga Alvarez," wika nito. Tumayo ako mula sa pagkakaupo at hinawakan ang kamay nito na nakalahad. "Pero bago tayo lumabas ay may nais lang sana akong ibigay sa'yo."
Napatitig ako sa hawak nitong kwintas sa kamay. Kulay ginto iyon na may maliit na kumikinang na bato na siyang pinaka-pendant nito. Ang ganda!
"Tradisyon na ng pamilya natin ang ibigay sa unang anak na babae ang kwintas na ito. Naisip ko na ito ang tamang panahon para gawin iyon." Pinatalikod niya ako upang maisuot niya sa akin ang kwintas. Nang maisuot niya sa akin iyon ay sabay kaming lumabas ng kwarto upang labasin ang siyang mga bisita namin. Pagkalabas ko ay para na akong mahihilo sa dami ng tao. Ang gagalante nilang tingnan na alam mo na kahit sa isang tingin pa lang na mayayaman sila.
"Nandito rin ang mga kamag-anak ng hari," bulong ng ina ni Elisa na siyang ikinagulat ko. Kamag-anak ng hari? Ang hari ng Espanya ba ang siyang tinutukoy nito?! Fvck, mas lalong hindi ito maganda para sa akin. Eh kung sana ay hindi ako tumatakas noon kapag may proper etiquette lessons ako, eh di sana hindi ako nagmumukhang tanga ngayon! Hindi ko lubos maisip kung gaano kalaki ang impluwensya ng mga Montereal sa panahong ito na pati kamag-anak ng hari ay naiimbita ni Senyor Fabian. At mas lalong lalakas ang siyang kapit namin sa itaas kapag matagumpay kaming maikasal ni Francisco sa isa't isa. Knowing the fact that he is a General! Isang posisyon na makalatulong na mas lalong mapaangat pa ang pamilya namin.
"Magandang gabi binibini." Lahat ng mga nakakausap ko ay mahihimigan mo ng paggalang. Iniiklian ko lang 'yong sinasagot ko. Less talk, less mistakes. Ayaw kong gumawa ng gulo. Not in front of these people. Kahit sino sa mga ito ay alam kong may kayang pamilya at may kan'ya-kan'yang agenda kung bakit nandirito ngayon. Gathering like this is an opportunity to create ties among wealthy families. Makikita mo talaga kung sino 'yong mga desperado na gustong umangat ng posisyon.
"Dumating na ang mga Alvarez!" Mas lalo akong hindi mapakali nang inanunsyo ang pagdating ng mga Alvarez na siyang pangunahing mga bisita namin.
Unang nabungaran ko ay ang isang matandang lalaki at isang parang kaedad lang ni Senyora Esmeralda. They are both shining with jewelries! Ang kinang nilang tingnan. Showing their wealth by wearing those jewelry is sure a plus point for other people. Nagpapakita lang ito ng kung anong status nila sa lipunang ito. Mas lalo kong itinuon ang atensyon ko sa mga Alvarez. Makakatulong itong ginagawa ko para malaman ko kung anong klaseng tao sila. Matapobre ba? Mabait? Mapagkumbaba o mas malupit sila?
Pero mas naagaw ng isang lalaki ang atensyon ko. Nakadungaw ito at tinitingnan ang magarbong pagtitipon na nangyayari. Nasa kubo ang lalaking ito na tahimik lang na nanonood. Hindi ako puwedeng magkamali. Alam kong si Crisanto iyan. Parang kinurot ang siyang puso ko na makita siyang tanging ginagawa lang ang nakaw nitong tingin sa pagdiriwang. Pagdiriwang para sa pagpapakasal nila Elisa at Francisco. Bakit ganito? Hindi ako si Elisa. Hindi ako ang babaeng mahal mo Crisanto pero bakit ako 'yong nasasaktan sa ginagawa mo? Hindi ko nais na makita kang nakadungaw sa kasiyahan na nakikita mo. Ayaw kong masaksihan kung paano ka manliliit sa sarili at paano mo maiisip ang katotohanan ng malaking pagkakaiba ng estado ng buhay niyo ng babaeng mahal mo.
Naputol lang ang titig ko sa madilim na bahaging iyon ng kubo nang magsimula akong makarinig ng tilian sa paligid. Mahina lang naman 'yon. Alam mo 'yon, 'yong parang pigil na tili. Pang-Maria Clara na tili. Tilian ng mga sinaunang kababaihan. Kaya pala sila nagtitilian ay dahil pumasok na ang isang lalaki na nakasuot ng pang-heneral na kasuotan. Moreno, matangkad, may matangos na ilong, at may pares na nangungusap na mga mata. Matipuno rin ang pangangatawan nito na siyang palatandaan na batak ito sa trabaho bilang batang-heneral. Ang buhok nito ay malinis ang ayos at ang tindig nito na nagpapahiwatig ng awtoridad. Guwapo siya, Oo. Pero hindi ko talaga siya type. Hindi ko feel 'yong kilig na nararamdaman ng ibang kababaihan na naririto.
Lumapit kami ang pamilya ko sa mga Alvarez. Yumuko ako bilang pagbibigay galang sa kanila. Nakita ko pa ang titig na malagkit ni Francisco sa akin kaya napatingin ako sa gilid ko upang iwasan ang titig niyang iyon. Bakit ba siya ganoon makatitig? Parang mangangain siya ng tao eh.
"Elisa, hija… Mas lalo kang gumanda!" bati ni Senyora Luisita sa akin na siyang ina ni Francisco. Mabuti na lamang at nakapag-tanong na ako kay Moning tungkol sa pamilya ni Francisco. Mabuti na lang talaga at nariyan si Moning na kahit nahihiwagaan na sa mga tanong ko minsan ay hindi pa rin nagdududa sa mga ginagawa ko. Tumatalab pa rin 'yong sinabi ko na pagkawala ng alaala ko kaya malaya akong nakakapag-tanong sa kan'ya.
"Senyora Luisita," bati ko rin. Nagbeso-beso kaming dalawa at hinawakan pa nito ang mga kamay ko atsaka nagsalita. "Hindi na ako makapaghintay na maging parte ka ng pamilya namin. Hindi ba, hijo?" Lahat kami ay napalingon kay Francisco na bigla na lamang namula sa gilid dahil sa hiya. Aww, cute.
"Ina, nakakahiya kay Elisa," nahihiyang tugon nito. Napakamot pa ito sa batok at kitang-kita ko ang pamumula ng teynga nito. Is he a softie? Pero ang hirap kasi hulaan ng mga ugali nila. Everyone can wear a mask para maitago kung ano talaga sila. Everyone can do that lalo na at nasa harap ka ng maraming tao.
Biglang nagsalita si Senyor Fabian at nagpasalamat ito sa lahat ng dumalo sa pagtitipon. Nasa gilid ako habang nasa likod ko si Francisco na pasimpleng tumititig sa akin. Nagulat pa ako nang tumabi sa akin si Elias. Ang kapatid ni Elisa na may paghihinala sa katauhan ko ngayon. Sa isang linggo ko rito ay hindi ko pa nakita na maging ganito ang kapatid ni Elisa sa akin. Pilit siya sumisingit sa pagitan naming dalawa ni Francisco na para bang pinapaalis nito ang lalaki sa likod ko.
"Elias?" tawag ko sa kapatid ni Elisa. Hindi ito nagsasalita pero naniningkit ang kilay nito na tila ba ayaw nito na nakikita kaming magkadikit ni Francisco sa isa't isa.
Walang nagawa si Francisco kung hindi ang dumistansya na lamang. Nang makaalis ito sa likod ko ay roon pa lamang nagsalita si Elias.
"Ayaw mo sa kan'ya hindi ba ate? Sabi mo noon hindi ka magpapakasal sa kan'ya," wika nito. I was taken aback by what Elias said.
"Elias, baka marinig ka ng iba at magalit si ama sa'yo," sita ko sa kan'ya.
"Si Kuya Crisan---" Tinakpan ko ang bibig nito at marahang hinila sa tabi kung saan ay walang masyadong tao.
"Ano bang pinagsasabi mo?" natataranta kong tanong sa kapatid. May alam ba siya? May alam ba siya tungkol sa pagmamahalan ni Elisa at Crisanto?
"Paano si Kuya Crisanto? Iiwan mo na ba siya?" inosenteng tanong nito sa akin. Nang mabanggit nito ang pangalan ng lalaki ay mas lalong sumakit ang puso ko. Nanghihina ako at hindi ako makahinga nang maayos. Mukhang may alam nga talaga si Elias tungkol kay Elisa at Crisanto. Kaya ba ayaw niya kay Francisco dahil iniisip nito si Crisanto?
"Anong ginagawa niyo?" Sabay kaming napatuwid ng tindig nang marinig namin ang isang boses na siyang pareho naming kinakatakutan. Ang batas sa pamilya Montereal. Si Senyor Fabian.
"Wala ho ama, naglalambing lang si bunso," sagot ko at marahang hinila pabalik ang kapatid ni Elisa. Kailangan kong mag-ingat. Dumarami na ang may alam ng tungkol sa kanilang dalawa. Hindi puwede ito.