HS8

2129 Words
Dahil sa inis ko sa kan'ya ay agad akong napatakbo papasok ng bahay. Nagpupuyos sa galit at inis ang kalooban ko. Nakakuyom ang aking mga kamao habang nakakunot ang aking noo. Dumiretso ako sa kusina upang kumuha ng tubig. "Argh! Nakakainis ka!" inis kong sigaw. "S-senyorita Elise? M-may n-nagawa p-po b-ba a-ako?" Nanlaki ang mata ko nang makita si Anya sa may counter table habang nagpupunas. Dahil sa pagmamadali ko ay hindi ko namalayan 'yong presensya niya. Mukhang natakot ko ata dahil sa pagsigaw ko. Base sa mukha nito ay parang nagtaka ang babae kung bakit bigla-bigla na lang akong sumisigaw. Ang tanga ko rin minsan. Dahil kay Andoy na 'yon ay hindi ko na tuloy na-maintain 'yong poise ko. That man always brings out the worst in me at naiirita talaga ako. "Omo! Nandiyan ka pala," gulat kong wika. Napatigil naman sa pagpupunas si Anya at tumingin sa akin. 'Yong mga mata niya ay parang nagtatanong kung may nagawa ba siyang mali. "Ahh, 'yong sigaw ko. Hindi 'yon para sa'yo," dagdag ko. Mukhang napanatag naman ang kalooban ng babae dahil napahinga ito nang malalim kasabay no'n ay pinulot nitong muli ang basahan at nagsimula na namang magpunas. "Ah ganoon po ba?" tugon ni Anya habang nagpupunas. "You know what? You can live comfortably here naman. Hindi mo naman kailangan maging kasambahay namin. You are here because Lola wants to protect you." Huli na bago ko na-realize ang sinabi ko. I shouldn't talk about her identity dahil nga nagtatago ang babae. It's very dangerous kung may makaalam pa na iba. Baka pagka-interesan pa siya knowing that she's worth millions of pesos o baka nga dollars pa. "You know?" malumanay na tanong nito. "Uh-huh," sagot ko naman. Napabuntong-hininga si Anya atsaka binitiwan ulit nito ang basahan. I can see the sadness in her eyes and the burden she's been carrying. I can relate to her somehow. My life is a mess also. 'Yong mga mata niya ay kagaya no'ng sa akin. We are both empty inside. "You know Anya, it's not my intention to pry on your life pero hindi mo naman kailangan gawin ito," I said. Tiningnan niya ako at ngumiti si Anya sa akin. "I want to do this. Gusto ko lang maranasan 'to. Atsaka hindi naman mabigat ang trabaho rito," she replied. "Are you sure? Atsaka huwag kang mag-alala. Lola, just inform me about your stay here. No one will harm you in our territory." Ina-assure ko lang si Anya. Hindi ko rin alam kung bakit. Para kasing ang gaan ng loob ko sa kan'ya and I pity her situation. Kung siguro ako 'yong nasa kalagayan niya ay mapa-praning din ako. You can never trust anyone especially when there's money involved. Karamihan sa tao ay nagiging ganid when it comes to money. 'Yong takot ni Anya ay ramdam ko. "I know, your grandma is the best. Atsaka mukhang mapapatagal pa ang pananatili ko rito sa Ildefonso. 18 pa lang ako at hindi pa safe sa akin ang humarap ulit sa angkan ko," malungkot na ani ni Anya. I tap her back to let her know that she's safe here. Magka-edad lang din pala kami. Kaya nakaka-relate talaga ako sa kan'ya. "You think you can survive here for the next four years?" tanong ko sa babae. "Don't get me wrong ha? I like this place dahil lupain naman ito ng pamilya namin but girl! This place is so boring. No WiFi, no signal at walang kahit na ano para makapag-enjoy ka! At nakita mo na ba 'yong mga tao rito? Parang mga sinauna." Napahagikhik pa si Anya sa sinabi ko. Totoo naman kasi. This place is like a prison to me. Para akong cage-bird na limitado lang ang kilos at kayang gawin kaya nga kung ano-ano na lang 'yong naiisip ko. "I can feel your frustrations. Pero kasi lumaki rin ako sa hacienda namin. Hindi nalalayo sa ganitong setting. I'm not a city girl kaya natatagalan ko ang ganito," sagot ni Anya. Parang nadismaya naman ako. Ang buong akala ko ay katulad ko siya na lumaki sa siyudad. Haciendera rin pala si Anya kaya parang hindi ito bothered sa ganitong lugar. "Ay? And here I am thinking that we are on the same page. Ang akala ko talaga ay makaka-relate ka na sa problem ko," mahinang ani ko. "Pero I understand you naman. Kasi iba pa rin 'yong lifestyle ko noon, like shopping and sometimes partying with friends. Nakaka-miss naman talaga but I need to deal with my situation right now. Baka soon ay makabalik na ako sa nakasanayang buhay ko," si Anya. Hindi naman nagtagal pa ang pag-uusap namin ni Anya dahil nagpaalam na ang babae. But she told me that na magkukwentuhan kami mamaya. I also like the idea. I want to talk to her more dahil siya lang naman ang nakikita kong pwede kong makausap. Pagkatapos kong uminom ng tubig ay tinawag ko ang isa naming kasambahay. I told her na maghanda ng breakfast at ilagay niya sa shed na nasa labas sa may garden area. I can feel that I'm ready now. My mind is now okay at payapa na rin 'yong puso ko. Ready na ako makipag-bardagulan kay Andoy ngayon. "Ha!" Marahas akong nagbuga ng hangin at pinakalma ang sarili. Para akong timang ngayon. Nasa gilid lamang ako ng pinto habang nagpapa-kalma. Kung siguro may makakita sa ginagawa ko ay iisipin nilang nababaliw na ako. Lumabas ako na taas ang noo. Alam mo 'yong lakad na pang-royalty? 'Yon 'yong ginagawa ko ngayon. Hindi ko tinapunan ng tingin si Andoy na nasa halamanan namin. Mukhang nagtatanim na naman ata ang lalaki. Hindi rin naman niya pinansin ang presensya ko dahil tutok ito sa pagtatanim. Napairap pa ako. Ibang klase rin talaga ang lalaking 'to. Akalain mo 'yon? Nakakaya nitong balewalain ang presensya ko? Kaya nagka-interes tuloy akong inisin ang Andoy na ito. He's different. Para siyang puzzle na ang hirap buoin. He's worth it para pampalipas oras ko habang nandito ako sa Probinsya. Habang tahimik akong umuupo rito sa shed ay pinagmasdan ko lang likod nito. Ang tahimik niya naman masyado? Ganoon ba niya kagusto ang magtanim? Parang nasabi na rin ni Lola sa akin na related sa halaman ang college course nitong si Andoy. "Pst?!" tawag ko sa lalaki. At dahil tutok ito sa ginagawa ay mukhang hindi nito narinig ang pagtawag ko. "Hoy!" pag-uulit ko. Mukhang nang-titrip ang lalaking 'to. Napaka-obvious naman na tinatawag ko ang atensyon niya. Atsaka ang lakas kaya ng pagka-hoy ko. Bingi ba siya? "What are you? A deaf?" pagpaparinig ko. Magsasalita pa sana ako pero dumating na 'yong pagkain ko. Simple breakfast lang naman ang kakainin ko. Hindi kasi ako morning person atsaka usually I ate kapag gutom na talaga ako. Hindi naman ako nakakaramdam ng gutom kapag morning. Coffee or tea lang sapat na. I just have two slices of bread, two fried eggs, two hotdogs, and a corn beef. Napansin kong walang tubig. Mukhang nakaligtaan ng kasambahay namin 'yong tubig ko. May bigla namang pumasok na ideya sa utak ko. Hindi na kailangan ang magtawag ng kasambahay. Andoy can do this job for me. Atsaka para masimulan ko na rin 'yong oplan pang-iinis ko. "Ahem! Hey?" Walang response! What? Is he ignoring me now? Invisible ba ako para hindi niya makita?! Oh my God, I can't believe this man. "You!" Parang naririnig ko 'yong uwak tone effects! Kasi literal na hindi niya sinasagot ang tawag ko sa kan'ya. Patuloy lang ito sa pagtatanim na parang hindi talaga nito naririnig ang tawag ko. Parang sa ginagawa ko ay mas ako 'yong naiinis sa aming dalawa. Mukhang ako ata ang ma-babadtrip ngayon. "Hoy probinsyano! Bingi ka ba?" inis kong tawag sa lalaki. Again! No response from him. Hindi naman siguro madali ma-gets na siya 'yong kinakausap ko 'di ba? What an attitude. At dahil nga maiksi lang ang pasensya ko ay lumabas ako ng shed at tinatapak-tapakan ko lahat ng pananim niya. Ginulo ko 'yong mga lupa at inis na tinitigan ang lalaki. Napatigil naman sa pagtatanim si Andoy at tumingala sa akin. "Finally! Napansin mo na rin 'yong presence ko," pang-iinis ko. "Akala ko ay nabingi ka na." Hindi umimik si Andoy pero tiningnan nito ang ginulo kong lupa. Nang tingnan ko rin ang ginawa ko ay naglabasan ang mga buto na tinanim nito. Bumagsik ang mukha ni Andoy habang tinitingnan ang ginawa ko. Ow, the tiger is mad. Parang nagbunyi pa ang kalooban ko nang makita ko ang pagkunot ng noo nito at ang pagpikit ng mata niya na para bang unti-unting napipigtas ang pasensya nito. "W-what d-did you do?" mariin na tanong ni Andoy sa akin. I was taken aback from his hoarse voice. Buong-buo ang boses nito na kahit sinong makarinig ay matatakot sa kan'ya, but of course not me. "Ay, hindi ka lang pala bingi ngayon? Bulag ka na rin?" Sinabayan ko pa ng tawa. 'Yong tawa na nang-iinis pa rin. Tumayo ito at napatingala ako. Ang tangkad talaga ng hinayupak na 'to. "Atsaka nag-eenglish ka pala? Ang sosyal naman ng hardinero namin." "These flowers have nothing to do with you. Bakit ang dali para sa'yo ang manira?" seryosong tanong nito. Ouch! I felt a small sting in my heart. Panira pala ako? Well, hindi na bago sa akin 'yon. Dahil simula no'ng namatay si mommy ay naramdaman ko na iyan. Pakiramdam ko na ako 'yong panira sa relasyon ni Anisa at Dad kaya hindi sila magkaroon ng masayang pamilya dahil nandito ako. "I love ruining things, same goes with flowers at kahit anong hawakan mo o kahit 'yong mga bagay na mayroon ka. I would love to ruin them. Akala ko ba ay game ka sa gagawin ko? I'm just starting Andoy. But seeing you now, I can easily tell that I won already," mahabang sabi ko. Well, he started this silent war between us. Kung sana ay naging mabait siya katulad no'ng kapatid niyang si Andres, eh di sana wala kaming problema. Wala sana akong bad blood sa kan'ya. "Ganoon ba? Don't celebrate yet, you don't know me Senyorita," nakangising tugon ni Andoy sa akin. Ow, that smirked. Now, he's showing his true self to me. Gan'yan nga. Huwag siyang magpaka-plastik. "Oh, come on Andoy! Seeing you being frustrated is like therapy for me. I love seeing you feeling down. At dahil parang game on ka na. Go and get me a glass of water," utos ko sa lalaki. "As far as I remember ay wala sa job description ko iyang iniutos mo Senyorita." Diniinan pa lalo nito ang salita na Senyorita para asarin ako pero sorry na lang sa kan'ya. Calling me by that name won't make me feel bad. Try harder Andoy. "And as far as I remember, sinasahoran ka ni Lola. Isn't that enough for me para utusan ka? Trabahador ka naman namin ah? In short, katulong pa rin," I said. I'm not backing down from this conversation. Hindi ako titigil hanggang sa hindi niya sinusunod ang utos ko. "Uhaw na uhaw ka na ba talaga Senyorita?" Parang biglang nag-iba ang boses nito sa pandinig ko. What the fvck? Bakit parang nag-tunog sweet 'yong boses niya? It's like he's whispering while talking! Pinagtaasan ko siya ng kilay. We are staring at each other. His eyes are like crystals na nag-spapark habang tinatamaan ng sinag nang araw. Actually, his whole face is shining. And unfair nga naman! Because of his moreno skin ay para siyang kumikinang kapag naaarawan. He leaned a little bit and then whispered something to my ear. "Alam mo Senyorita, I can kiss you and transfer some of my saliva to you to ease your thirst," mababang boses na bulong nito sa akin. Naitulak ko si Andoy papalayo sa akin. Nandiri pa ako nang sumagi ang daliri ko sa katawan nito. "Eww," komento ko. "Masyado nang mataas 'yang pangarap mo Andoy. As if I'll let you kiss me. Eh, kahit nga simpleng paghawak mo sa akin ay nandidiri na ako. Come on man, quit dreaming. Hindi ang isang tulad ko ang kaya mong mapaamo," mayabang kong sambit. Andoy smirked. A smirked that I always hate kapag nakikita kong ginagawa niya. Para kasing sinasabi nito na it's easy for him to tame someone like me. Na alam mo 'yon, I'm not that hard to get. Nanliliit ako kapag gumagan'yan siya. Not that I'm threatened by him. I'm gonna make sure na hindi ako matatalo sa mismong laro na ako mismo ang nagpasimuno. Kailangan nasa akin pa rin ang huling halakhak. "Manghuhula ka ba? Paano mo nasabi?" pang-aasar nito atsaka iniwan na ako. Nilayasan ako ng lalaki at walang pasabi na pumasok ito sa loob ng bahay habang ako naiwan sa labas na nagpupuyos sa inis at galit ang kalooban. May araw ka rin sa akin Andoy!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD