"Ako ho si Moning, Senyorita Elisa. Ako ho ang iyong tagapagsilbi," saad ng babaeng nasa harap ko. May dala siyang tray na puno ng mga pagkain. Hindi ko alam kung ilang araw na akong tulog at walang malay dahil bigla na lamang kumalam ang tiyan ko nang malanghap ang sabaw na galing sa tinolang manok. Hindi na naalis ang mga mata ko sa mangkok na puno ng sabaw at naglalaway na talaga ako. Gusto kong kumain pero natatakot ako na baka may halong drugs 'yong pinapakain nila sa akin. Nakikita ko pa naman iyon sa mga palabas. Nababaliw 'yong bida dahil sa droga na inilalagay nila. Ayaw kong mangyari sa akin 'yon lalo pa't wala akong mapagkakatiwalaan sa mga taong nandito. Mukha silang mga baliw at ang we-weirdo. Iba pa sila kumilos at magsalita kaya sinong hindi ma-weweirduhan sa kanila?
"Hmmp! Ialis mo 'yan! Alis!" sigaw ko sa babae. Kahit na naiiyak na ako sa gutom at sa isip-isip ko ay gusto ko ng kumain ay pinigilan ko pa rin ang sarili ko. Ang dapat na una kong isipin ay kung paano ako makakatakas sa lugar na ito. I'm not gonna just stay here patiently while they are planning to sell me off to some old geezer. Francisco? Ano 'yon?! That name is too old at parang pangalan pa 'yan ng panahon ng mga dinosaur! Heck no, their evil plans won't work against me, hindi ko 'yon hahayaan na ipakasal na lang nila ako sa kung sinong matanda. Tatakas ako! Uuwi ako sa pamilya ko.
Hindi nakinig ang babaeng nasa harap ko na nagpakilala na si Moning. Lumapit ito sa akin at marahang pinunasan ang bawat parte ng katawan ko na para bang ingat na ingat siya sa pag-aalaga sa akin. Para lang siya ng nagpupunas ng mamahaling kagamitan sa bahay. Ingat na ingat para hindi mabasag. Naaasiwa ako sa ginagawa niya pero wala naman akong magawa kaya hinayaan ko na lang siya na punasan ako.
"Naiintindihan kita, senyorita. Alam kong nahihirapan ka sa kalagayan mo. Gusto mo ang pagmamadre pero hindi mo p'wedeng suwayin si Senyor Fabian," marahan nitong wika. Kahit hindi ko siya maintindihan ay nakinig pa rin ako sa sinasabi nito. Baka makakuha ako ng clue kung paano takasan ang mga baliw na ito. Ako? Magmamadre?! Napailing ako. Masyadong malayo sa personality ko ang imahe ng isang madre. Hindi ko makita ang sarili ko sa future na suot-suot ang kasuotan ng isang alagad ng Diyos. Hindi talaga pre, ang labo no'n. Anong drugs ba hinithit nila at pala-desisyon sila sa buhay ng iba?!
"Moning, right? Where am I? Why did you say that I'm already in Ildefonso?!" tanong ko.
Naghintay ako. Matiyaga akong naghintay sa sagot nito pero tiningnan lang ako nito na para bang isa akong alien. Hindi niya ba maintindihan ang sinasabi ko?
"Anong lenggwahe ho iyon, senyorita?" nagtataka na tanong nito sa akin. Gosh?! What is this? May mga tao pa palang hindi makaintindi ng salitang english?!
This girl in front of me has this typical probinsyana vibe. Nakikita ko ang tulad niya sa Ildefonso noon. 'Yong tipong Maria Clara ang kilos. Oo, it feels like nagbalik muli ako sa nakaraan, sa panahon ng mga espanyol! The way people dress, talk and move. Mahilig akong magbasa ng history books kaya alam ko. Hindi rin nakatulong sa pag-iisip ko ang katotohanang tinatawag ako na Elisa. Elisa Montereal, ang babaeng gumagambala sa akin. She owns a diary na siyang nakita ko sa basement ng bahay. Kung anong relasyon namin sa isa't-isa ay 'yon ay hindi ko alam. She was from 1898, fvck! Wait…
"Moning! Anong petsa na?!" kinakabahan kong tanong sa babae na busy pa rin sa pagpupunas ng binti ko habang nakatali naman ang mga kamay ko.
"Enero sa taong isang libo'’t walong daan at siyam na pu't walo," tugon nito.
Masyadong nag-loading 'yong utak ko sa sinabi niya. Ano raw? Ano 'yon? Enero lang 'yong nakuha ko sa sinabi niya. The rest ay hindi ko maintindihan. Tinagalog niya kasi eh. Nag-isip akong Mabuti at pinilit ko ang utak ko na intindihin ang siyang sinabi nitong petsa hanggang sa…
"1898? 1898… 1898?!" paulit-ulit kong bigkas. Gusto kong pukpokin ang ulo ko at baka namali lang ako sa narinig ko mula kay Morning pero kahit anong gawin ko ay 'yon pa rin ang lumalabas na ibig sabihin nito. This is the year 1898?! How?
"P'wedeng kumuha ka ng papel tapos isulat mo 'yong petsa?" agad kong tanong. Shock pa rin ako pero kailangan kong kumpirmahin ang lahat bago ako mag-assume. Baka kasi mali pala ako 'di ba?
"Pasensya na ho senyorita. Hindi ho kasi ako marunong magsulat." Natapos nito ang pagpupunas sa binti ko kaya't ang ginawa na naman nito ay ang pakainin ako. Inihahanda nito ang mangkok na siyang may sabaw. Pero hindi iyon ang nakakuha sa pansin ko. How come na kahit sa pagsusulat man lang ay hindi siya marunong?!
"Ito na lang, sino ang namumuno sa bansa ngayon?!" desperada kong tanong.
Nag-isip saglit si Moning na para bang inaalala nito kung sino nga ba ang namumuno ngayon.
"Mga espanyol?" patanong pa nitong sagot.
Para akong nabingi sa sagot nito. Tell me, panaginip lang ito right? This is just a dream! O hindi kaya ay isang malaking prank lang ito. It can't be. Hindi maaaring bumalik ako sa nakaraan. This is insane. Nababaliw na ba ako? Posible ba 'yon?! Parang napagtagpi-tagpi ko lahat ng nangyayari. Lahat ng impormasyon na nasa harap ko. Parang unti-unti ay nabibigyang linaw ang lahat. Ayaw ko mang tanggapin pero mukhang nagbalik nga ako sa taong 1898. Si Elisa! Ang diary!
"M-may n-nakita k-ka bang…" Ano ba kasing tagalog ng diary?! Hindi ko naman p'wedeng sabihin na notebook dahil ano namang alam ni Moning do'n. Kung totoong nasa nakaraan nga ako ay mahihirapan akong makipag-usap. Lumaki akong taglish 'yong gamit. Halo-halo ng salitang english at tagalog. Kaya hindi ko alam ang mga purong tagalog at lalo na ang masyadong malalim na mga salitang tagalog.
"Ito na lang, may nakita ka bang kwaderno? 'Yong itim? Akin 'yon atsaka importante 'yon sa akin," tanong ko kay Moning.
Saglit na namang nag-isip si Moning mukhang naguguluhan din ata siya sa mga pinagsasabi ko. Nahihirapan akong magsalita. Nakakabaluktot ng dila ang pagsasalita ng tagalog. Parang nag-tongue twister lang ako. Sana pala ay nakinig ako sa Filipino teacher ko noon. Ang hirap naman kasing makinig sa lessons ng Filipino teacher ko noon, kasing tanda na kasi rin nito ang mga dinosaur tapos ang hina pa ng boses kapag nag-lelecture. Nataranta naman ako noong bigla na lang itong naglakad papalayo sa akin.
"Wait! s**t, I mean… Saan ka pupunta?!" natataranta na tanong ko kay Moning. Natatakot akong mag-isa. Parang any time ay may malalaman na lang ako na magpapabaliw sa akin dito. This place is suffocating me at ngayon pa lang ay nakakaramdam na ako ng hindi maganda sa nangyayari sa akin. I need to find Elisa's diary. Kung totoo ang hinala ko ay ang diary lang nito ang susi sa nangyayaring ito. Nasa katauhan ako ni Elisa ngayon. Hindi ko alam kung paano iyon nangyari pero iyon ang katotohanan. Kung bakit ako naririto ay aalamin ko pa.
"May kukunin lang ho ako, senyorita." Sinundan ko ng tingin ang papalayong si Moning. Nakita kong nagpunta siya sa isa mga kabinet na naririto sa kwartong ito at laking tuwa ko nang nakita ko ang hawak nito. Ang diary ni Elisa! Parang nabunutan ng tinik ang dibdib ko. That diary is important to me. Iyan ang magiging gabay ko sa buhay ni Elisa. Hindi dapat iyan mawala. Wala akong alam at ang tanging makakatulong sa akin ay 'yang diary na 'yan.
"Ito ho ba?" tanong nito sa akin nang makalapit.
"Oo! Iyan nga," nagagalak kong tugon.
Naiiyak ako sa galak. Kahit papaano ay napanatag ang kalooban ko. Hindi dapat mawalay 'yan sa tabi ko. Kailangan kong malaman kung anong ginagawa ko sa nakaraan. Alam kong si Elisa ang may dahilan nito. I need her to talk with me kung ano ba talaga ang kailangan niya.
Hinayaan ko si Moning na pakainin ako. I'm certain, hindi sila masasamang tao. Kung tama nga ang hinala ko, 'yong lalaking nakasalamin kanina at 'yong babaeng nasa tabi nito na panay ang iyak ay mga magulang ni Elisa. Mga ninuno ko? Ang pamilyang pinagmulan ng mga Montereal? Wala kasi akong alam sa family tree namin. Dad is too busy to teach me about that. Namatay nang maaga ang lolo and lola has no knowledge about it dahil hindi naman siya Montereal. Sa kanilang dalawa ay si lolo ang Montereal kaya hindi ko mapagtanungan si lola nito noon. Marami kaming napag-usapan ni Moning. Marami akong itinanong na kahit nahihirapan akong makipag-usap ay hindi ako nagpatinag. I need to gather as much information I need bago sumabak sa kung ano man ang misyon ko rito. Kung bakit ako nandito ay alam kong may malaking kaugnayan iyon sa lagi-laging sinasabi ni Elisa sa panaginip ko noon. Nais nitong baguhin ko ang nakatadhana na mangyari. Ang tanong, anong mangyayari?
Hanggang sa lumipas ang mga oras. Inutusan ko si Moning na itago niyang mabuti ang diary ko kung saan niya ito kinuha kanina. Nabanggit din sa akin ni Moning na may pupuntang albularyo rito. Iniisip daw kasi nila na nababaliw na ako o kaya ay naengkanto kaya ipapatawas nila ako sa isang quack doctor. Inihanda ko ang sarili ko mentally dahil baka hindi ko kayanin ang susunod na mangyari. I need to be aware na masyadong magkasalungat ang mundo kung saan ako nagmula sa mundong nasaan ako ngayon. Masyado silang sensitive sa mga bagay-bagay ayon na rin sa mga nababasa ko tungkol sa kanila.
"Anak…" tawag ng isang ginang. Ito ang ina ni Elisa na panay lang sa pag-iyak. Hindi ko nga alam kung bakit hindi pa nauubos ang luha nito eh. Kahit sa maliit na bagay ay mukhang iiyak siya. But the warmth that I can feel from her is the warmth that I always felt before. 'Yong init ng pagmamahal ng isang ina. Ayaw ko mang tanggapin pero nakikita ko si mommy sa kan'ya. My mom who passed away. Sana ay hindi na lang siya ang namatay, eh di sana ay hindi ako lumaking may galit sa mundo at nag-iisa. Napilitan akong harapin ang mundo na ako lang mag-isa. Walang karamay, walang kakampi.
Hindi ako umimik at nakinig lang ako sa sasabihin nito. I need to be observant. Sa kilos nila, sa ginagawa nila at kung paano ba maging katulad nila. Para hindi na ako magdusa pa ay kailangan kong magpanggap na magaling na ako at nagbalik na sa kanila ang kanilang butihing anak na si Elisa. Panay kasi ang pag-eenglish ko kanina kaya akala siguro nila ay nasasapian ako.
"Ina," tawag ko pa. Kahit hirap na hirap akong palambutin ang boses ko ay pinilit ko pa ring ginawa. Kailangan kong maging mahinhing babae dahil ito ang normal sa panahong ito. The whole me is really the opposite of Elisa sa panahong ito. Kahit saan ko tingnan ay walang pagkakatulad sa ugali namin aside sa magkamukha na magkamukha kami.
"Anak ko… Nagbalik ka na, Fabian! Si Elisa…" tawag nito sa asawa nito. Hindi naman nagtagal at nandito na rin 'yong ama ni Elisa. Senyor Fabian ang tawag sa kan'ya, sa pagkakaalam ko ay mayaman na talaga ang mga Montereal noon pa man. Old money nanggaling ang yaman ng pamilya namin. Ibig lang sabihin na galing pa sa mga ninuno namin ang yaman ng pamilya namin sa kasalukuyan.
"Kamusta ang pakiramdam mo?" agad na tanong nito. Eyes can't lie, nakikita ko sa mga mata nila ang purong pag-aalala nila sa anak nilang si Elisa. They love her but uso nga pala sa panahong ito ang arrange marriage. Kahit nga si daddy noon ay biktima rin ng arrange marriage eh. Mukhang ganito na talaga ang pamilya namin noon pa.
"Mabuti na po, ano po ang nangyayari? Bakit po ako nakatali, ama? Wala akong maalala," sagot ko pa. Mala-Oscars 'yong acting ko. Kailangan kong galingan para maka-survive ako sa panahong ito.
"Huwag mo ng isipin pa iyon. Ang importante ay nagbalik ka na sa amin, nagbalik ka na Elisa!" galak nitong wika atsaka dahan-dahang kinalagan ang tali sa mga kamay ko.
Mukhang magsisimula na ata ang kalbaryo ng buhay ko.