HS20

2139 Words
Andoy's P.O.V. Nabigla ako sa narinig ko mula kay Katarina kaya hindi agad ako makapagsalita. "Gusto kong tanggihan mo si Elise. Gusto kasi ni Francis na maging escort ni Elise kaya sana mag-back out ka na lang," dagdag pa nitong sabi. Nang banggitin nito ang pangalan ng pinsan niya ay parang may bumulong sa tenga ko na huwag akong pumayag sa kagustuhan nito. At isa pa, sumang-ayon na ako. Hindi ba parang nakakabastos naman kung babawiin ko 'yong pasya ko dahil lang sa nais nito na ang pinsan niya ang maging kapareha ni Elise? Direkta akong inaya ni Elise at parang hindi ko kayang traydorin siya ng patalikod kahit pa man sabihin natin na hindi kami magkasundo. "Pasensya ka na Katarina at ako'y naka-pangako na," tugon ko. Kahit madilim ay hindi nakaligtas sa akin ang biglang pagtaas ng kilay ni Katarina sa sinabi ko. Kung mayroon mang pagkakapareho si Elise at si Katarina, 'yon ay ang pagiging matigasin ng mga ulo nila. Kilalang-kilala ko na rin ang pag-uugali nitong si Katarina, lahat ng gusto nito ay dapat nasusunod. Ito nga ang laging dahilan ng aming mga away noon. May mga pagkakataon na hindi niya tinitigilan ang isang bagay hangga't sa hindi niya ito nakukuha. "Ayaw mo akong kapareha? Mas pinipili mo siya kaysa sa akin?" hindi makapaniwala na tanong nito sa akin. Bakas sa mukha nito ang hindi pagsang-ayon sa naging pasya ko. "Hindi naman sa ganoon--" "Pero… Bakit sinasabi mo na hindi mo ako mapagbibigyan sa kahilingan ko?" tanong ulit ni Katarina sa akin. Hindi ko na natuloy ang dapat ko pang sabihin nang sumingit ulit siya sa pagsasalita. Ito na nga ba ang sinasabi ko. Alam kong magtatagal ang usapan naming ito at magtatampo siya sa akin na ayaw ko namang mangyari. Kababalik niya lang dito sa Ildefonso ayaw ko naman na pati ito ay pagsimulan ng hindi pagkakaintindihan naming dalawa. Pero ayaw ko ring bawiin ang naging pasya ko dahil ayaw kong mas madagdagan pa ang iisipin ko lalo na at isang katulad ni Elise ang siyang kasali sa usapan. Hindi rin 'yon basta-basta magpapatalo at sasang-ayon na lamang sa gilid. Kaya nalilito na ako sa kung anong dapat kong gawin. "Ano na Andoy? Kailangan ko na ngayon 'yong desisyon mo. Hanggang ba sa ganitong bagay ay hindi mo pa rin ako magawa na piliin?" makahulugan na tanong nito sa akin. Napatitig ako kay Katarina. Hindi ko alam kung anong nais iparating ng mga mata nito sa akin. Alam kong nasasali na sa usapan namin ang ibang bagay. Hanggang ngayon ba ay may galit pa rin siya sa akin dahil sa nangyari sa amin noon? Pareho naming ginusto ang naging desisyon naming paghihiwalay. Alam niya na masyadong magkaiba ang mga plano namin sa buhay at siya na rin mismo ang tumapos ng lahat-lahat sa amin nang malaman nito na hindi ako makakasama sa kan'ya sa Maynila. Tandang-tanda ko pa ang lahat ng sinabi nito na kesyo ay hayaan muna namin ang aming mga sarili na maging malaya at bumalik muna kami sa pagiging magkaibigan. Ilang araw, linggo at buwan akong binagabag ng desisyon kong iyon. Hindi ko na mabilang kung ilang ulit ko pinagsisihan ang pagsang-ayon sa desisyon nito na bumalik kami sa dati at maging magkaibigan na lamang. Taon din ang ginugol ko upang tuluyan na mapaniwala ang sarili na tama lang ang naging desisyon ko para sa aming dalawa. Dahil sa pagmamahal ko kay Katarina ay hinayaan ko siyang lumayo at sundin ang gusto nito dahil ayaw ko siyang matali sa isang taong gaya ko na ang layo ng antas ng pamumuhay kung ikukumpara sa kan'ya. Magkaiba kaming dalawa at 'yon ang problema. "Pag-iisipan ko," simpleng tugon ko. Ang kaninang tensyon na namumuo sa paligid naming dalawa ay gumaan nang ngumiti siya sa akin. "Talaga ba? Tatanggihan mo naman siya 'di ba? Kung gusto mo ay sasamahan pa kita bukas para kausapin siya," paanyaya nito na agad ko namang tinanggihan. "Pag-iisipan ko pa Katarina," mariin kong sabi sa kan'ya. Sumimangot ulit si Katarina at napabuntong-hininga na lamang. "Bakit mo pa ba pag-iisipan? Gusto nga kitang makapareha 'di ba? Atsaka hayaan mo na si Francis kay Elise," saad nito. Sa tuwing binabanggit nito ang pangalan ng pinsan niya ay lagi-laging sumasagi sa isipan ko ang mukha ni Elise noong nakita niya ang lalaki rito sa bahay. Hindi ko makakalimutan kung paano bumakas ang galit sa mukha nito na kahit ako ay ramdam ko ang mainit na tensyon sa pagitan nilang dalawa. Base sa nakita kong reaksyon ng babae ay masasabi kong ayaw ni Elise kay Francis. Hindi ko man alam ang naging nakaraan nilang dalawa pero hindi ko na nais na muling makitang ganoon ang senyorita sa harap ng isang lalaki. Isang imahe ng pagiging mahina at parang galit at takot na pinaghalo ang siyang nararamdaman niya noon sa mga oras na 'yon. Malayong-malayo sa kilala kong Elise na laging nanggugulo at nagmamaldita sa akin. Mas normal kay Elise ang pagmamaldita nito kaysa ang makitaan ko siya ng kahinaa sa harap ng ibang tao. Lalo pa at sa isang lalaki. Nakakapanibago na nais ko na lamang ay ilayo siya agad-agad sa bahay nang mga oras na iyon. "Pero may aasahan naman ako sa'yo 'di ba?" umaasang tanong niya sa akin. Hindi ako nagsasalita o ni kumilos man lang para kumpirmahin ang tinatanong nito. Gulong-gulo pa ako ngayon at talagang pag-iisipan ko pa ang dapat na gagawin ko. May isang linggo pa bago ang prusisyon kaya marami pa akong oras na mag-desisyon. "Umuwi ka na at gabi na," tanging nasabi ko. Tumalikod ako at nagsimula nang maglakad papalayo sa sasakyan niya. "Andoy? Sana naman ngayon ay huwag mo akong biguin," pahabol na sabi nito sa akin na nagpatigil sa aking paglalakad. Hanggang sa umalis na ang sasakyan nito ay hindi ko pa rin magawang ihakbang ang siyang mga paa ko. Parang nanumbalik sa akin lahat ng nangyari sa amin sa nakaraan. Kung paano kami nagsimulang mangarap at kung paano ko siya unang minahal. Gusto ko siyang makapareha. Gusto kong maramdaman ulit ang presensya niya dahil alam ko naman na panandalian lang ang pananatili niya rito at babalik ulit siya sa Maynila. 'Yong pang-aasam sa puso ko na makasama siya ay mas lalong lumalakas kapag tinitikis ko ang sariling huwag siyang gustuhin ulit. Hanggang ngayon ay nirerespeto ko ang siyang napagkasunduan namin dahil alam kong 'yon ang nakabubuti para sa aming dalawa. "Paano si Elise?" tanong ng isipan ko. Paano nga ba siya? Hahayaan ko na lang bang maging kapareha niya ang lalaking iyon na mukhang ayaw na ayaw ni senyorita? Ang lalaking pilit iniiwasan nito sa hindi ko malamang dahilan. Baka mag-ex sila? Tsk, hindi ba parang ang bata pa naman ni senyorita para makipag-relasyon? At anong pake ko naman doon 'di ba? Kung magbaback-out man ako ay sisiguraduhin kong hindi siya sa lalaking iyon mapupunta. Itaga man iyan sa bato. "Kuya…? Hoy kuya?!" pasigaw na tawag ni Andres sa akin. "Ano bang ginagawa mo riyan sa labas? Kulang na lang ay mag-drama ka riyan. Mukha kang nangangaroling," wika pa nito atsaka tumawa. Dali-dali naman akong pumasok sa loob. Hindi ko namalayan na napatulala na pala ako sa kaiisip ko. Bakit ko ba pinoproblema ang surot na iyon? Baka isipin niyo na si Katarina ang surot na tinatawag ko ha? Si Senyorita Elise 'yan, tinatawag ko lang siyang surot sa aking isipan kapag tinotopak ang amo kong iyon. Ang liit-liit naman pero masyadong matapang. Napapakamot na lang ako sa ulo ko kapag sinusumpong siya ng kamalditahan niya. Ang hirap talaga ispelingin ng babaeng 'yon. "Delikado ka na kuya…" Napailing pa si Andres atsaka muling nagsalita. "Ngumingiti ka na lang ng mag-isa," dagdag pa nito atsaka tinapik ako sa balikat. "Kapag sumobra ka niyan kuya ay sa mental ang bagsak mo," panunukso ni Andres sa akin. Pabiro ko na lang sinakal ang kapatid at sabay kaming pumasok sa loob ng bahay. Kinabukasan ay maaga akong nagising. Maaga ako dapat umalis ngayon dahil unang araw ni senyorita sa trabaho. Kailangan ko siyang sunduin at turuan sa mga bagay-bagay sa hacienda. Alam ko naman noong una ay ginagawa niya lang ito para pahirapan ako at dagdagan ang trabaho ko. Dahil na ang senyora na mismo ang siyang humiling sa akin na turuan ang apo niya ay ang hirap tumanggi lalo pa't umaasa ang matanda na may matututunan ang apo nito patungkol sa negosyo nila na malabo namang mangyari. "Magandang umagaaaa." Kamuntik ko pang maibuga ang kape na siyang iniinom ko nang may bumulong sa akin. Nang lumingon ako ay ang mukha ni Elise ang siyang nakita ko. Bagong ligo siya at amoy na amoy ko ang gamit nitong shampoo at sabon sa katawan. Ang lapit ng pagmumukha nito kaya agad akong lumayo sa kan'ya na parang napapaso ang balat ko sa tuwing magkalapit kaming dalawa. Nagtaka naman si Elise nang walang imik akong lumayo sa kan'ya. Paano ako makakapagsalita kung halos hindi ako patahimikin ng kaba sa puso ko? Bigla na lamang akong nakaramdam ng kaba nang lumapit siya sa akin. Bakit ba ang fresh ng mukha niya?! Dati naman siyang haggard sa paningin ko ah? Bakit biglang naging parang ang sarap niyang amoy-amoyin. Napailing ako. Mukhang nababaliw na ata ako. "Ang arte mo ha?" wika ni Elise. Nasa kusina kami ngayon. Nasa isa sa mga upuan lang ako at tahimik na nagkakape habang nasa katabing upuan ko si surot na nakasimangot na naman ang pagmumukha at mukhang badtrip na naman. "For your info, Andoy the probinsyano, naligo po ako. Ikaw nga amoy araw agad kahit hindi pa tayo nagsisimulang magtrabaho." Ayan na, ayan na 'yong morning routine ni Senyorita Surot. 'Yong routine niya na manglait at ang morning bad trip nito na hindi ko alam kung saan nagmula. Inamoy ko ang sarili ko dahil bigla akong na-conscious sa sinabi nito na amoy araw raw ako. Alam ko naman na malinis ako sa katawan. Lagi-lagi kaya akong naliligo at nagtatagal ako sa banyo lagi dahil nakasanayan ko na. Iba talaga ang tama nitong si Surot. Kahit na alam ko naman na hindi totoo ay napa-check ako sa sarili ko. "Ikuha mo nga ako ng kape. Sarap ng buhay ahh, sana all," dagdag na pang-iinsulto nito sa akin na ikinailing ko na lamang. Parang nasanay na ako na lagi-lagi akong pinagbubuntungan nitong si Surot sa init ng ulo nito. Tumalima na lamang ako at agad siyang tinimplahan ng kape. Maaga pa naman at ang buong akala ko nga ay mamaya pa siya magigising pero naka-ready na siya at mukhang handang-handa na. Good mood naman siya kanina. Bumati pa nga sa akin ng good morning eh, tapos ngayon ay change mood agad siya. "Galingan mo sa pag-timpla ha? Kapag 'yan hindi masarap, ay naku! Lagot ka sa akin," pananakot niya sa akin. Hindi ko alam kung paano ko natagalan ang kamalditahan nitong si surot. Pasalamat talaga siya at bawi siya sa ganda. Napapawi lahat ng pang-iinsulto niya kapag natitingnan ko mukha niya. Mukha kasi siyang anghel na alam mo 'yon? 'Yong inosenteng-inosente na aakalain mo ay hindi gagawa ng masama. "Ito na ho senyorita," pang-uuyam kong tawag sa kan'ya. Tinaasan niya ako ng kilay at kinuha ang tasa na inabot ko. Lumipat ako ng ibang upuan at sumama na naman ang pagmumukha nito nang gawin ko iyon. "Kanina ka pa ah?! Ano bang problema mo sa akin ha? Ayaw mo akong katabi? Mas ayaw kitang katabi! Yuck lang," pasinghal na wika nito. Pati paglipat ko ng upuan ay big deal sa kan'ya. Iba talaga ang isang 'to. Kasalanan na pala ngayon ang lumipat ng upuan? Atsaka ayaw niya ba 'yon? 'Di ba ayaw niya sa presence ko? "Umalis ka riyan! Umalis ka shoo!" Wala akong nagawa kung hindi ang umalis sa kusina bitbit ang kape ko. Sa kubo na nga lang ako tatambay dahil mukhang sinumpong na naman ng daily dose of kamalditahan niya si Senyorita Surot. Narinig ko pa ang pagbubunganga nito sa akin. Hindi pa kasi masyado malayo ang distansya naming dalaga sa isa't isa kaya rinig na rinig ko ang bawat sinasabi nito. "Tsk, bagay nga kayo no'ng Katarina. Mukhang witch pa naman 'yon," bulong nito sa sarili na narinig ko naman. Bakit napasali si Katarina sa usapan? Hanggang sa nakasakay na kami sa kalesa ay panay lang ito sa pag-irap sa akin. Si Andres ang siyang nagmamaneho ngayon kaya nasa likod kaming dalawa. Ayaw naman nito na katabi ako kaya magkaharap kaming dalawa at kitang-kita ko ang sunod-sunod na pag-irap nito sa akin. "Masakit ba mata mo?" tanong ko sa kan'ya. Gusto ko lang siya bawian sa pang-iinis at mukhang hanggang sa matapos kami nito ay bad trip siya kaya lulubos-lubosin ko na lang. "Pake mo ba?" matapang na sagot nito. Mas lalong nalukot ang pagmumukha ni Elise nang magsalita ako kaya hindi na lang ako umimik pa. "Sabi ko nga, tatahimik na," ani ko sa sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD