HS29

2066 Words
Mabuti na lang at tuluyan kong napigil ang pagkagulat ko dahil sa rebelasyon nito na kapatid niya si Crisanto o Andoy. Kahit saang anggulo ko titigan ang lalaking iyon kanina ay si Andoy talaga ang nakikita ko. Mula sa mukha at mula sa kaliit-kaliitang bahagi ng katawan nito. Siya talaga si Andoy sa paningin ko. Hindi kaya ang lalaking iyon kanina ay ang mga ninuno ni Andoy sa panahong ito? His great grandfather or relatives niya? Naalala ko lang kasi na minsan na rin nasabi ni lola sa akin na matagal nang naninilbihan ang pamilya nila Andoy sa Pamilya Montereal. They are not just a mere workers for our family, itinuring na rin namin silang kamag-anak. Well, lahat naman ng workers namin ay pamilya ang turing namin. Lola always said that lahat ng tao ay pantay-pantay sa paningin niya. Kaya kung minsan nga eh ay natatakot ako for her own safety, she's too kind at baka maging way pa 'yan upang mapahamak siya. "Senyorita… Seny--" "Elisa na lang, Moning," putol ko sa tawag nito sa akin. Nakakarindi pakinggan 'yong tawag niya sa akin. Pero hindi ko sila masisisi. Sa panahong ito, wala ng mas importante pa sa kapangyarihan at yaman. Ito kasi ang panangga ng karamihan laban sa mga mapang-api na mga espanyol na nandito sa bansa. Kung mayaman ka ay protektado ka ng nasa itaas. Mas yumayaman ang mga mayayaman at mas naghihirap ang mga mahihirap. And this mindset goes on and on hanggang sa panahon ko, the present generation. "E-Elisa, nandito na tayo," patuloy nitong sabi sa dapat niyang sasabihin kanina. Nakita ko ang hiya sa mukha nito. Siguro ay hindi siya sanay na ganoon lang ang tinatawag niya sa akin. Nasanay na ang kan'yang dila na tawagin akong senyorita. Napabuntong-hininga ako. Hindi ko dapat pinipilit 'yong gusto ko sa iba. Dapat isipin ko na magkaiba kami ng panahon. Respect is very important at this time. Naalala ko lang kasi si Anya sa kan'ya. "Huwag na nga lang. P'wede mo na akong matawag na senyorita," ani ko atsaka bumaba na ng kalesa. Dahan-dahan akong bumaba dahil sa suot ko na pagkahaba-haba. Ang init-init pa na ramdam ko 'yong pamamasa ng katawan ko sa loob nitong suot ko. Tagaktak na 'yong pawis ko sa loob ng katawan at tirik na tirik pa ang araw. I get that this is our traditional clothing. Pero for God sake! We are not in the North pole or whatever country that is freezing to death para magsuot ng ganitong damit! We are in tropical country na kung saan bestfriend ata ng bansa natin si haring-araw! Tinahak namin ang daan papunta sa talon na siyang nakasulat sa diary ni Elisa. I need to go there to feel what she felt before. Kailangan kong malaman kung anong nararamdaman ni Elisa sa mga panahong iyon to conclude what is really my mission and what do I need to change. Anong kailangan kong baguhin? Is it the wedding between her and Francisco? Elisa is not telling me anything. Basta sinabi niya lang na baguhin ko ang nakatadhana. Ano nga 'yong babaguhin ko? Gosh. Habang naglalakad kaming dalawa ni Moning ay hindi ko napigilan ang kuryoso ko na magtanong tungkol sa kapatid nitong si Crisanto. I need to find out more about him. Hindi pa rin kasi mapalagay ang isip ko. There's something telling me that he is the Andoy that I knew from my time at hindi si Crisanto sa panahong ito. "Matanong ko lang sana… Pero bago ang lahat, n-nais k-kong m-malaman mo na wala itong malisya ha? May nais lang akong malaman," utal-utal na sabi ko. Parang nagtunog defensive at guilty pa ako ngayon. Kailangan ko lang klaruhin at uso pa naman ang misunderstandings sa panahong ito. "Ano ho iyon, senyorita?" tanong nito. Buti na lang talaga at nauunang naglalakad si Moning ngayon. Nagpapasalamat ako na hindi niya nakikita ang mala-kamatis kong pagmumukha ngayon. "Si A-And--, ay este si Crisanto ang siyang nagligtas sa akin mula sa pagkalunod? Paano ako nalunod?" nagtataka na tanong ko pa. "Tumalon ka ho, senyorita. Tumalon ka ho sa tulay. Mangilan-ngilan lang ang may alam nito. Nais ni Senyor Fabian na itikom namin ang aming mga bibig sa kung anong nangyari sa'yo noong araw na 'yon," kwento ni Moning. Nakanganga ako habang nakikinig sa kwento nito. Nagawa 'yon ni Elisa?! Nagawa niyang tumalon? Hindi talaga ako makapaniwala. Mabigat siguro talaga ang dala-dala nitong problema at nagawa nitong tumalon para makitil ang sariling buhay. Ang tapang mo Tita Elisa. Kasing-tapang din naman pala kita eh. "Nasagip ka ng aking kuya na siyang kakauwi pa lang mula sa Kabisera. Nagtatrabaho kasi siya sa lungsod kung nasaan ang malaking simbahan ng kabisera," patuloy na pagkukuwento nito. "Kinuha siyang tagapasilbi ng isa mga sa prayle na naroroon," dagdag pa nito. Hmmm, may passion pala itong kalokalike ni Andoy na maging pari?! Sumagi sa isip ko ang pagmumukha ni Andoy habang nakasuot ng sotana. Bagay sa kan'ya! Ang inosente kasi ng pagmumukha niya eh. Parang kung magpapari siya ay ang daming magkakasala na mga nananampalataya. Dapat mga huklubang matanda lang ang dapat makita namin sa altar. Hindi 'yong tulad niya at baka dumagsa pa ang mga kababaihan na nais siyang makita at hindi na pagdarasal ang unahin nila. Tsk. "Bakit siya umuwi? Bakit siya naririto ngayon?" tanong ko pa. "Umuwi na ho kasi kayo, senyorita," sagot ni Moning na siyang nagpalito sa akin. Ha? Anong kinalaman ni Elisa sa pag-uwi ni Crisanto rito sa Ildefonso? "Pasensya ka na Moning kung marami akong katanungan. Masyadong naapektuhan ang mga alaala ko no'ng nalunod ako kaya may hindi ako maalala sa mga nangyari noong nakaraang araw," pagsisinungaling ko. I need to come up with an alibi. Hindi p'wedeng maging panatag lang ako sa katatanong ko sa kan'ya at baka isipin nito na ang dami kong tanong na siyang dapat alam ko sa sarili ko. The foundation to become a good liar is to have a good alibi. "Naiintindihan ko po… Si Senyor Fabian kasi mismo ang nag-utos kay kuya na bantayan ka sa kabisera. Nasa likod lang kasi ang kumbento kung saan kayo namamalagi," wika nito. Isa na namang kaalaman ang siyang nalaman ko. So, si Andoy s***h si Crisanto ay bantay ni Elisa sa Kabisera? Nag-uusap ba sila o hindi? Ang labo kasi ng mga nakukuha kong impormasyon. May posibilidad na kaswal silang nag-uusap paminsan-minsan. Pero big deal nga pala ang pag-uusap ng isang lalaki at babae sa panahong ito. Kapag nakita silang nag-usap ay magiging malaking gulo pa iyon. Hindi ko makumpirma ang kaugnayan nilang dalawa. Is it purely just a work or there is more interesting that is happening between them? I couldn't tell, o baka assuming lang ako at may maduming isip? Hindi na ako nagtanong pa. Bitbit ko sa kamay ang diary ni Elisa. Nais niya isulat ko buhay niya eh, kaya magsusulat ako ng diary nito. Isusulat ko ang lahat ng pinagdaanan ko. Habilin niya iyan kaya susundin ko. I need to go back ayaw kong ma-stuck dito. "Ito na 'yon?" naitanong ko nang makarating kami sa talon na siyang nakalagay sa diary nito. Nakita ko ang pagtataka sa mukha ni Moning kaya agad ko rin namang binawi ang sinabi ko. "Ang ganda pa rin ng lugar na ito," pagsisinungaling ko ulit. Para akong baliw na umaacting na namamangha ako sa nakikita ko pero sa totoo ay hindi naman. Hindi ko nga alam na may talon pala sa lupain ng mga Montereal eh. Baka isipin nitong si Moning na nakalimutan ko rin itong talon na siyang paboritong puntahan ni Elisa. Napaka-appreciative mo pala Tiya Elisa. Kasi ako ay hindi nagagandahan sa talon na ito, real talk lang talaga. Hindi na ako umimik pa dahil mukhang ipapahamak pa ako ng sarili kong bibig. Bakit kasi hindi ko mapigilan ang mag-komento. Kailangan ko ng mag-practice na huwag maging palasalita. Bibig ko lang ata ang magpapahamak sa akin eh. Umupo na lamang ako sa isa sa mga malalaking puno na naririto. Habang si Moning naman ay naglakad at nag titingin-tingin sa paligid. Hindi naman siya lumalayo sa akin at nakabantay pa rin. Kailangan ko ring malaman kung gaano kalalim ang samahan ni Elisa at Moning. Kung mapagkakatiwalaan ko ba siya. Nagsimula akong magsulat. Lahat ng isinusulat ko ngayon ay mga salita na hindi ko masabi-sabi dahil sa sitwasyon ko. Mga reklamo ko sa nangyayari at itong talon na hindi naman kagandahan. "Kuya!" Agad akong naalerto nang marinig ko ang boses ni Moning na may tinatawag na kuya. Napatigil ako sa pagsusulat at agad inilibot ang aking paningin upang hanapin si Moning at kung sino ang tinatawag nitong kuya. Wala naman siguro siyang ibang kuya 'di ba? Dahil kung oo ang sagot sa tanong kong iyan ay tama nga ang nasa isip ko. Nandito si Ando-- ay este! Si Crisanto na kamukha ni Andoy. Napatayo pa ako nang hindi mahanap ng paningin ko si Moning. Nang makatayo ay agad bumalandra sa paningin ko ang isang lalaki. Naglalakad ito papalapit sa kinaroroonan ko. May karga-karga itong mga kahoy sa likod at puno ng pawis ang buong pagmumukha nito. Papalapit siya nang papalapit hanggang sa… "Magandang araw, Senyorita Elisa," seryosong bati nito. Nakita ko kung paano nito ibinaba ang karga-karga nitong kahoy upang magbigay galang sa akin. Hindi ako makaimik ni hindi nga ako makagalaw eh. "Kuya… Nandito ka pala sa talon. Nangunguha ka na naman ng kahoy para sa mga halaman sa mansyon?" Bigla ring sumulpot si Moning mula sa likod nitong si Crisanto. Hindi ko rin mawari kung bakit magkatitigan kaming dalawa ngayon. Ano ito? Bakit ganito na lang tumibok itong puso ko? "Oo," simpleng sagot ng lalaki atsaka kinarga ulit ang mga kahoy na inilapag nito. "Iuwi mo na si senyorita, Moning," dagdag na sabi nito sa kapatid. Kinakabahan ako kapag nalalapit siya sa akin. Ang boses nito at ang mga kilos niya ay hindi ako p'wedeng magkamali. Hindi rin p'wedeng sabihin na nagkataon lang dahil sigurado akong hindi siya si Crisanto. Siya si Andoy! 'Yong tingin niyang iyon, kilala ko iyon. Kilalang-kilala ko ang paraan ng pagtitig nito sa akin. Si Andoy lang ang bukod tanging lalaki ang may kakayahan na maging ganito ako. Nawawalan ako ng boses at natutuyo ang lalamunan ko sa bawat titig nito. "A-And--, Crisanto?" tawag ko sa lalaki. "S-salamat," nauutal kong sabi. Lumingon ang lalaki atsaka tumango habang ako ay nangangatog ang tuhod. Nauna nang umalis si Crisanto sa amin ni Moning. Si Moning na walang ibang ginawa kung hindi ang titigan ako. Kanina niya pa ako tinitingnan na para bang may kakaiba sa akin. "May dumi ba ako sa mukha?" tanong ko. Sa kaloob-looban ko ay kinakabahan na talaga ako. May nakita ba siyang kahina-hinala sa nangyari kanina? Mali ba 'yong ginawa ko?! Nakakatakot kasi eh. Kung makatitig itong si Moning ay parang may ginawa akong bago sa paningin niya. "Wala naman ho, nag-away ba kayo ni kuya?" tanong nito. Nagulat ako. Gulat na gulat! Bakit naman kami mag-aaway? Ano ba kami?! Naguguluhan ako. Elisa naman kasi eh… P'wede mo namang i-summarize 'yong buhay mo sa akin hindi itong nangangapa ako kung ano ba talaga. Nagugulat na lang ako eh. Nahihirapan pa ako. "Hindi kasi kayo nag-kikibuan. Nakakapanibago lang ho, senyorita." Close ba si Crisanto at Elisa? May relasyon ba sila aside sa pagiging bantay ni Crisanto kay Elisa no'ng nasa kabisera pa sila? Ano ba talaga?! "Ha?" tanging naisagot ko na lamang. Parang kinakalikot na 'yong utak ko. Litong-lito na ako na hindi ko na alam kung ano pa ang dapat kong malaman. Lahat nalang ata sa panahong ito ay ginugulat ako. Echos kasi eh. Ano ba kasi sila? May something ba? Magka-MU? Naghaharutan sila? O all of the above ang sagot? "Hindi ho ba may pagkakaunawaan na kayo ng aking kuya? Alam ko ho, senyorita. Isa ako sa mga saksi kung paano kayo nagsimula." Parang may sumabog sa isip ko na hindi ko maisara 'yong bunganga ko dahil sa ibinunyag nitong sekreto. Pagkakaunawaan? As in? So, mag-MU talaga sila?! May mutual understanding na nangyayari sa pagitan ni Crisanto at Elisa? Ito ba ang dahilan kung bakit ayaw ni Elisa na makasal kay Francisco? This is mind blowing! Akalain mo 'yon. 'Yong ninuno ko at ninuno ni Andoy ay may pagkakaunawaan pala sa panahong ito. Habang kami sa kasalukuyan ay halos mag-p*****n na. There is something fishy nga talaga sa kanilang dalawa. Tiya Elisa naman eh, nakakagulat ka. Ang harot mo rin eh.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD