HS13

2176 Words
Walang pakundangan na pumasok ako sa loob ng opisina nito. Halos ibalibag ko na ang pinto. Ayaw na ayaw ko ang inuunahan akong mag-desisyon. Parang pinaparating lagi ng lalaking 'to na kaya niyang humindi sa lahat ng kagustuhan ko. Na kaya niyang ayawan ako at wala siyang pakialam kung magalit man ako. "Is this how you're gonna repay my lola's kindness to you?" tanong ko sa lalaki. "Hindi ko alam na ganito ka pala kaduwag. Lalaki ka ba talaga?" Tiningnan ko pa si Andoy mula ulo hanggang paa habang may nakaukit na nakakalokong ngiti sa labi ko. Oo, iniinsulto ko siya sa paraan ng pag-ngiti ko ngayon. Hindi ko nagustuhan ang narinig ko mula sa bibig niya. Nakatayo lang ang lalaki sa gilid ng lamesa nito habang may tinitingnan na mga papeles sa kamay. Sinuyod ko ng tingin ang kabuuan ng opisina. Hindi naman siya maliit at may kalakihan na espasyo naman. Simpleng bookshelf at may lamesa. May swivel chair rin at may aircon sa loob! His office is decent kung tutuusin. Nag-sukatan kami ng tingin. Siya na may seryoso at blankong pagmumukha. Habang ako naman ay may pang-iinis na kasama. I was disappointed by how far he can handle someone like me. Ang buong akala ko ay nakakita na ako ng katapat ko, hindi rin pala. Duwag siya, just like my father, pareho silang sinukuan ako. Kahit hindi sabihin ni daddy sa akin. Ramdam ko na sinukuan niya na ako bilang anak. Dahil hindi niya magagawang ipatapon ako sa lugar na ito kung may pagpapahalaga pa siya sa akin. Napagod silang lahat. Napagod silang intindihin ako. Gaano ba kahirap intindihin ang ugali ko? "Hindi ako magiging sunod-sunuran sa mga gusto mo senyorita. Kung totoo sa sarili mo ang tumulong sa hacienda ay walang pag-aalinlangan na tutulungan kita. Kailangan mo ring tumayo sa sarili mong mga paa," pangangaral ni Andoy. Hinampas ko nang malakas ang lamesa sa harapan namin at napa-bulyaw ako. "Bullshit! Hindi ko kailangan ng pangaral mo. Mas lalong hindi ko rin kailangan ng tulong mo. Hindi ko kailangan ang isang duwag na gaya mo. Isang probinsyano na akala mo kung sino," mariin kong wika. Pumipintig pa ang kamay ko dahil sa malakas na impact ng paghampas ko. Namutawi ang katahimikan sa aming dalawa. Ako na nakatingin sa lalaki habang si Andoy na nakatingin sa namumula kong kamay. Hindi agad ako naka-react nang hawakan nito ang kamay ko at hinila ako papunta sa may maliit na aparador nito sa gilid. Nakita kong may kinuha itong puti na maliit na box at nang makita ko iyon ng buo ay isang medicine kit pala. "Don't touch me!" Agad kong binawi ang sumasakit kong kamay. Hinimas ko ang kamay na siyang hinila ni Andoy. Ayaw na ayaw kong hinahawakan o kaya nadadampi man lang ang balat nito sa balat ko. Sa sobrang pagka-inis ko sa lalaki ay nakukuryente ako sa bawat pagdantay ng mga balat namin. Hindi ko mawari kung nandidiri ba ako o talagang ayaw ko lang talaga sa kan'ya. Kakaiba mag-react 'yong katawan ko kapag siya na ang pinag-uusapan. Hindi nagpatinag ang lalaki sa sigaw ko. Binawi niya pa rin ang kamay ko at sinubukang gamitin habang ako naman ay walang ginawa kung hindi ang bawiin din ang sariling kamay. "Gagamutin kita," seryosong saad nito habang nakatitig sa kamay ko. Hindi ko akalain na dumugo pala ang kamay ko. Parang napasobra ata ako sa paghampas ko kanina. Kumulo lang talaga ang dugo ko nang marinig ko ang sinabi niya. "Ayaw ko," ani ko. Agad ko siyang pinandilatan ng mata. Huwag na huwag niya akong hawakan. Wala siyang karapatan at hindi ko siya binibigyan ng karapatang hawakan ako. "Kung magmamatigas ka pa ay iiwan kita rito senyorita," pananakot nito. Agad naman akong nagtaas ng kilay dahil sa narinig. Iniwan niya ako rito? Talaga lang ha? Sinong tinakot niya? "No, you can't do that to me. Takot mo lang sa lola ko," I replied. "I can, if I want to, senyorita. Kaya kung magsinungaling. Gusto mong subukan natin?" tanong pa nito. "Simple lang gumawa ng kasinungalingan senyorita. Mamili ka." Napalunok ako ng laway. Is he threatening me? Biglang tumindig balahibo ko sa katawan at agad ko ring inabot ang kamay ko sa lalaki para magamot nito. Nakalimutan kong kami lang palang dalawa ang nandirito. He can do whatever he wants to me. Walang makakarinig o walang makakakita kung may masama man itong gagawin sa akin. Malayo rin ito sa mansyon. Kung magmamatigas pa ako ay who knows kung anong kaya niyang gawin sa isang tulad ko. Ang dami ko nang nakikitang mga criminal scenes na ganito. Kaya bigla akong kinabahan. Sinubukan kong ipanatag ang pag-iisip ko at nag-isip ng plan b. Kung sakaling may gawin talagang masama itong Andoy na ito sa akin ay may pantapat ako sa kan'ya. Napapikit pa ako nang dumampi ang bulak sa sugat ko. Akala ko nilagyan niya ng alcohol 'yon dahil talagang hahapdi iyon kapag tatama sa sugat ko pero mali pala ako ng akala. Maingat na hinipan ni Andoy ang sugat ko kaya napatitig ako sa ginagawa nito. May pag-iingat sa bawat kilos nito habang ginagamot niya ang sugat ko na ipinagtaka ko pa. Ang harsh niyang magsalita kanina tapos parang ingat na ingat siya ngayong gamutin ako. Ano ba talaga? Nang matapos ito sa paggamot ay agad akong dumistansya sa lalaki. Napansin ni Andoy agad ang pangingilap ko kaya't napabuntong-hininga ito. Ibinalik nito ang medicine kit sa maliit na aparador at bahagyang umupo ang lalaki sa lamesa habang tinitingnan ako. "Natakot ba kita?" tanong ni Andoy sa akin. "Tara na, iuuwi na kita senyorita," wika nito at nagpatiunang lumabas. Hindi pa rin ako nagpa-kampante. Hindi ko alam ang susunod nitong gagawin kaya hanggang sa nakasakay na kami ng kabayo ay hindi ako umiimik o gumagalaw. Wala akong ginawa kung hindi ang magmasid sa daan na tinatahak namin dahil baka bigla na lamang iliko ng lalaking ito ang kabayo na sinasakyan namin. Hanggang sa nakabalik na kami sa kuwadra au agad akong bumaba ng walang pasabi at dumiretso sa loob ng bahay. Hindi ko maintindihan ang pag-uugali ng lalaki. Minsan ay nakikita kong parang bumabait 'yong turing niya sa akin tapos minsan ay may sa demonyo siya at tinotopak lalo na no'ng kanina. Buong araw akong nagmukmok sa kwarto. Lumalabas lang ako kapag kumakain o hindi kaya'y kumukuha ng tubig. Nawalan ako ng gana at nais ko na lang sana ay magkulong. Naghihintay na lang ako ng balita mula kay lola na sa ibang empleyado na lang namin niya ako ipapa-train dahil umayaw na 'yong Andoy na 'yon. 'Yong Andoy na hambog at antipatiko hindi naman kagwapuhan. "Hija?" Narinig ko ang pag-katok ni lola sa pinto. Ito na 'yong inaasahan ko. Simula no'ng nakabalik kami kanina ay alam ko na kakausapin ako ni lola tungkol sa sinabi ni Andoy sa akin kanina. Mukhang tinotoo nga ng lalaki na ipasa na lang ako sa iba. Ganoon niya kaayaw ata sa presensya ko. Duwag nga talaga. Tamad akong naglakad para pagbuksan ng pinto si lola at agad ring bumalik sa higaan ko nang makapasok siya. Umupo naman si lola sa may paanan ng kama ko habang hinahaplos nito ang kumot na tumatakip sa binti ko. "Nasabi nga pala ni Andoy sa akin…" Napapikit ako nang magsimulang magsalita si lola. Alam ko na ang karugtong niyan. Atsaka bakit ba ako namomroblema ngayon? Para akong nalugi eh. Atsaka pakialam ko ba kung ayaw niya sa akin? Ayaw niya akong turuan? Eh di mas ayaw ko sa kan'ya! Pangit niya. "I'm so proud of you apo," biglang sabi ni lola dahilan kung bakit napadilat ako ng mata. Like huh? Literal na nagtaka ako kung bakit niya ako pinupuri ngayon. Ito lang ba ang sasabihin niya? What about do'n sa pag-ayaw ni Andoy na turuan ako? "Bakit ho?" "Nasabi kasi ni Andoy sa akin kanina kung gaano mo raw kagusto matuto," wika ni lola na ikinagulat ko. Sinabi ni Andoy 'yon? Bakit? Naguguluhan ako. Anong kababalaghan ito? Nabingi na ata ako. Rinig na rinig ko pa kung paano sinabi ni Andoy sa akin 'yong sinabi nito sa akin kanina. Ayaw niya akong turuan dahil alam nito na nagkukunwari lang akong matuto. Kaya ano 'to? Nagbago ba isipan niya? Para akong baliw na agad na napangiti. Oh my God! Elise? Anong nginingiti-ngiti mo? Napakagat ako ng labi at masayang nakinig sa sinasabi ni lola. "Wala bukas si Andoy Hija. Nagpaalam siya sa akin," sabi ni lola. "Inihabilin ni Andoy na sabay na lang kayo pumasok sa Martes," dagdag pa nito. Ano kayang nangyari sa lalaking 'yon? Baka tinakot lang talaga niya ako at hindi nito kayang humindi sa gusto ko. Sus, pakipot pa siya. Bibigay rin pala. Wala pa talagang tao ang nakakahindi sa akin. Kahit sino pa 'yan. Biglang bumalik ang sigla ko at nagalak ako nalaman ko. Kung kanina ay halos hindi na maipinta ang pagmumukha ko ay ngayon naman ay halos hindi na mabura ang nakapaskil na ngiti sa labi ko. "Mukhang susunduin na naman nito si Katarina. Malapit na kasi ang piyesta." Hindi nakatakas sa pandinig ko ang pangalan ng isang babae. Sino si Katarina? Katarina who? Kamag-anak niya? Pinsan? Napatitig ako kay lola. Gustong-gusto kong maki-usisa sa babaeng binanggit nito. Hindi naman siguro 'yon kasintahan ni Andoy 'no? Bigla akong napasimangot sa narinig. "Uhm, sino si Katarina lola? Pinsan niya?" tanong ko. Agad namang napatigil si lola sa pagsasalita at sinagot ang tanong ko. "Katarina Madrigal, ang anak ng Mayor ng Ildefonso. Sa pagkakaalam ko ay matalik na magkaibigan ang dalawang iyon," pag-ku-kwento ni lola. A friend?! Friend nga lang ba talaga? Atsaka bakit kailangang si Andoy pa ang sumundo sa kan'ya? Wala ba silang tauhan? Sa amin nagtatrabaho si Andoy tapos sa mga Madrigal siya ngayon magsisilbi. Wala bang paa 'yong Katarina at hindi na lang umuwing mag-isa?! May pa sundo-sundo pa, disabled ba siya? Bigla na lang nag-iba ang timpla ko dahil sa narinig. "Bakit si Andoy La? hindi ko maiwasan na tanong kay lola. "Wala ba silang sariling tauhan para sumundo sa kan'ya? Atsaka imposibleng wala, mayor 'yong tatay niya." Parang nahimigan ko pa ang inis sa tono ng pananalita ko. Agad namang napangiti si lola kaya nagtaka ako. Parang napasobra ata ako sa pagtatanong. Kasalanan 'to ni Andoy. Aabsent lang siya dahil sa babaeng 'yon? Kailangan ba niya pasanin 'yong Katarina ng isang araw dahil nagawa pa talaga nitong lumiban sa trabaho para lang sa pagsundo sa so called friend niya? "Ang alam ko ay nakasanayan na talaga nila 'yan. Nasa Maynila kasi nag-aaral si Katarina atsaka panatag si Mayor kapag si Andoy ang sumusundo sa anak niya," ani ni lola. Hanggang sa nakaalis si lola ay laman ng isip ko ang relasyong mayroon ang Katarinang iyon at si Andoy. Hmm, I smell something fishy. Sila ba? I can't see any reason kung bakit hindi sila mag-on. Sa pagkakaalam ko ay childhood friend sila. Siguro ay magkasintahan na nga talaga 'yong dalawang 'yon. So, LDR 'yong drama nila? Sus, baduy nilang dalawa. Bagay nga sila. Ang probinsyanong tulad ni Andoy ay bagay sa probinsyanang tulad no'ng Katarina. Paki ko naman sa kanila? Nakakatawa lang. May pumatol pala sa Andoy na 'yon? "Oh, bakit galit ka?" tanong ng isip ko. Hindi ako galit! Gusto ko ngang matawa at ang saya ko nga eh. May nadagdag na namang p'wede kong pang-inis sa lalaki. Hindi na ako muling pinatahimik ng isip ko. Kahit mag-isip ako ng ibang bagay ay hindi ko pa rin maialis ang kuryoso ko sa totoong relasyon ni Andoy roon sa Katarina. Parang nahihirapan tanggapin ng isip ko na magkaibigan lang talaga 'yong dalawa. Hindi ko rin mawari kung bakit binabagabag ako ng impormasyong iyon. Parang nagsisi pa tuloy ako na malamang may Katarina pala. Bakit hirap akong tanggapin na friends lang sila? Hindi talaga eh, parang amoy na amoy ko 'yong hidden relationship sa pagitan no'ng dalawa. Tinatago lang ba nila dahil sa estado ng pamumuhay na mayroon si Andoy? Oo nga naman, bilang anak ng mayor ay parang hindi naman ata kaaya-ayang pakinggan na nakipag-relasyon lang ang anak nito sa isang trabahador na lalaki. At bakit parang ako 'yong apektado?! Oh please brain, stop worrying about their relationship! Hindi ko dapat iniisip kung ano man ang relasyon nila. "Argh!" Inis akong bumangon at bumaba papunta sa sala. Hinanap ng mata ko si Anya. Gusto ko ng makakausap dahil parang sasabog na ang isip ko. Nababaliw na ata ako. Naisip ko lang na baka may alam si Anya ro'n sa Katarina. Nauna naman kasi si Anya rito siguro ay may alam 'yon. "Hmm, mukhang sinuswerte ata ako ngayon," bulong ko sa aking sarili. Pagkababa ko ay nabungaran ko si Andres na nagkakape. Alas-tres na ng hapon at saktong nakita ko siya ngayon na madalang lang mangyari. Hindi nga madalang dahil talagang ngayon ko lang nakita ang lalaki rito. Kung may isang tao man na nakakaalam sa totoong relasyon ni Andoy at Katarina ay walang ng ibang mas valid na source kung hindi sa kapatid ni Andoy na si Andres. Hmm, kapag sinuswerte ka nga naman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD