~*~
Amanda’s POV
“Pa-ibigin mo si Maisie. Dapat mo siyang paniwalain na mahal na mahal mo siya at kapag nagawa mo yon, mamahalin na rin kita. Dapat mo siyang lokohin. Dapat mo siyang saktan. Hanggang sa wala na siyang mukhang maihaharap sa ibang tao.”
Naalala ko pa ang eksaktong mga linya na sinabi ko kay Rain dahil sa sobrang bobo at uto-uto ni Maisie, agad siyang napaniwala ni Rain. Naging sila pagkatapos ng isa o kaya dalawang linggo. Tanga na nga, malandi pa.
Ahas na kung ahas basta ako, handa kong tuklawin ang mga taong nakaharang sa daan ko. Ako ang Queen Bee at walang makakaagaw sa akin nito kahit isa pa sa mga kaibigan ko. Pare-parehong lang kaming naghahatakan ng paa rito.
Rain started kissing me torridly. Nasa lumang library kami at walang nakakakita sa amin dahil mas ginagamit ng mga estudyante yung bagong library sa 1st floor. Nakasandal ako sa isang bookshelf habang siya naman ay nasa harap ko at unti unti tinatanggal ang pagkakabutones ng blouse ko.
Pagkatapos niyang matanggal ang mga ito ay malayang malaya ang mga kamay niyang damahin ang dibdib ko.
Ilang sandali ay umabot ang kamay niya sa mga hita ko. Pataas na pataas hanggang sa umabot sa p********e ko. Agad ko iyong tinapik at tinignan siya nang masama. Ngumisi naman siya at muli akong hinalikan.
Itinaas niya ang mga paa ko at para bang batang niyakap ang mga hita ko sa beywang niya. Tuloy pa rin ang halikan namin hanggang sa umabot ang mga labi niya sa leeg ko hanggang sa dibdib ko. Damang dama ko ang init ng hininga niya nang bumulong siya sa tainga ko.
“You’re too sexy Amanda.” Pagkasabi na pagkasabi niya ng mga katagang iyon ay unti unti kong naramdaman ang dahan dahan niyang paghubad sa pangilalim ko. Agad akong huminto sa paghalik sa kanya. Inalis ko ang pagkakayap ng mga hita ko sa beywang niya at tinulak siya.
“Ilang beses ko na bang sinabi Rain? Ayaw kong gawin sayo yung gusto mong gawin. So, stop being too annoying!” ngumiti lang siya at tinaas ang mga kamay niya na para bang sinasabi na tama na at naiintindihan na niya. Sinimangutan ko siya at binutones ko na ang blouse ko.Inayos ko ang palda ko at itinaas ang pangilalim ko.
“Amanda…”
“Oh?!” inis na inis kong tugon.
“Kailangan ko pa bang lokohin si Maisie?”
“Bakit? Nai-in love ka na sa kanya?” sabi ko naman sa kanya. Well, wala naman akong pake kasi ginagamit ko lang naman silang dalawa para saktan ang isa’t-isa habang ako, pachill-chill lang. Hindi ako seryoso sa tanong ko ngunit parang napakaseryoso ng ekspresyon ng mukha niya.
“H-H-Hindi ah! Alam mo naman na ikaw lang ang mahal ko.” Sabi niya sabay halik sa kamay ko. “Okay.” Tugon ko naman na para bang walang epekto ang pagka-corny niya, nakakairita lang kasi. Tumayo na ako dahil nakakabagot na ang ganito. Nakakainip talagang kasama to.
“San ka pupunta?” tanong niya nang napansin niya na paalis na ako.
“Magpapahangin. Bumalik ka na sa klase.”
Papunta na sana ako sa rooftop nang biglang nag-ring ang phone ko. Napasimangot ako. Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa at tinignan kung sino ang epal na tumatawag. s**t, siya na naman?! Ano na naman bang kalokohan ang sasabihin nito?
“Amanda?” sabi niya sa kabilang linya gamit ang pinakamahina niyang boses na akala mo’y nanlilimos ng pera.
“Oh?” sabi ko na may tonong naiirita.
“I’m so sorry.”
“Sorry? Nakikipagaguhan ka ba sakin?” pasigaw ko namang sinabi.
“Please, intindihin mo naman ako.”
“Bakit? Kailan mo ba ko inintindi? Kelan mo ba napansin na kailangan pala kita?”
“I’m so sorry..”
“Puro ka sorry. Puro ka please pero kahit kelan naman wala kang ginawa kundi lumandi diyan. Ilan na ba ang asawa mo? Ilan na ba ang naikama mo ha? Ayos na sana eh pero bakit pati ang tinuturing kong pamilya ilalayo mo sa akin? Bakit mo papaalisin sila nanay Imelda?”
Gustong gusto kong ibaba ang phone at ibato na lang sa malayo ngunit kailangan kong sabihin lahat ng nadarama ko. Sumosobra na siya, sa totoo nga lang, wala na kong pakialam sa kanya. Wag lang niyang guluhin ang buhay ko.
“Anak, Nanay mo rin ako para sa ikakabuti mo tong lahat.” Sabi niya na naiiyak-iyak na. Ang arte arte talaga.
“Nanay? Isa lang ang nanay ko at siya yung nakakasama ko sa araw-araw. Siya yung nag-aalaga sa akin. Ikaw lang ang nagluwal sa akin kaya huwag na huwag mong ipagmamalaki na Nanay rin kita dahil si Nanay Imelda lang ang tinuturing kong Nanay.”
“Anak, maniwala ka naman sa akin. Nasasaktan na ko sa mga sinasabi mo.”
“Wala akong pake sa nararamdaman mo. Hindi mo ko anak, at lalong wala akong malanding Ina na katulad mo. Wala akong Nanay na p********e! Di ka ba nandidiri sa sarili mo? Nakakasuka ka!”
Totoo naman ang mga sinasabi ko. Hindi ko siya kailangan dahil kahit kelan naman di niya ako kinailangan. Never nga niyang naisip na baka mas nasasaktan ako sa mga nanyayari eh. Wala siyang pake sa akin.
Pinapadalhan niya lang ako ng pera para masabi niya na kahit papano eh nagiging nanay ko siya. May pamilya na siya doon di na ko importante sa kanya.
“Anak..”
“Ilang beses ko bang isusuksok sa kokote mo na hindi mo ako anak! Tanga ka ba o sadyang bobo ka lang?!” Sigaw ko muli sa kanya.
Hindi man magalang, alam ko ang lugar ko. May karapatan akong magalit. May karapatan akong magtanim ng sama ng loob sa Inang pinamigay lang ako basta basta.
“Anak patawarin mo ako sa mga ginawa ko nagsisisi na ako. Magsimula tayo muli.”
Mas lalo akong nairita sa mga sunod niyang sinabi. Sino siya para diktahan ang pupwedeng manyari sa amin? Wala ng dapat simulan ulit dahil kahit kailan hindi ko siya matatanggap. Hindi nga sapat ang impyerno para sa kanya.
“Iniwan mo ako! Pinagpalit mo ako sa iba! Sa tingin mo mapapatawad kita? Hindi ako isa’t kalahating tanga para mapatawad ka. Inabanduna mo ako… kinalimutan mo ako tapos ngayon babalik-balik ka? Ngayon sasabihin mo na Nanay na lang ulit kita tapos anak mo na ulit ako? f**k YOU!”
Narinig ko na naman siyang umiiyak. Here we go again. Drama queen.
“Drop the drama.Bitch.” Sabi ko sa kanya at mas lalo kong narinig ang paghagulgol niya na parang tanga.
“Anak…patawarin mo ako. D-Di ko ginusto lahat ng nanyari sayo sa atin. Wala akong nagustuhan sa mga yon. Mahal na mahal kita anak… sobrang mahal kita. Kung pupwede nga lang na pumunta ako diyan pero… anak, sorry. Mahal na mahal ka ni Mama. Para sa’yo tong ginagawa kong sakripisyo… anak… maniwala ka naman kay Mama.”
Shit.
Bakit umiiyak ako?
“Kinamumuhian kita! Wag na wag ka nang tatawag sa akin! Sana di mo na lang ako pinanganak! Sana di mo ako iniwan!”
Binaba ko na ang phone. Nilagay ko muli ito sa bulsa ko at bigla na lang akong napaupo. Bumigay na ang mga tuhod ko hanggang sa umiyak na lang ako nang umiyak.
My life is a complete mess….
~*~
Kai’s POV
Dalawang araw na ang nakakaraan pagkatapos ng pagkamatay ni Kuya Kenjie at pinagbawalan ang mga estudyante na ipaglakat ang totoong nanyari. Ayaw nilang madungisan ang pangalan ng school. Ayaw nilang masira ang imahe nila na matagal na nilang inaalagaan. Hanggang sa huli, sarili pa rin nila ang inisip nila.
Pagkatapos ng nanyari parang wala lang balik ulit sa normal ang buhay dito sa Manga University. Na para bang walang nanyaring pagkamatay noong nakaraang Wednesday. Parang nakalimutan na ng lahat.
“Alexis gusto mo nito diba?” lumapit si Maisie at si Chantal sa tahimik na si Alexis. Kulang nga sila eh, wala si Amanda. Nilagay nila sa desk ni Alexis ang ang isang mangkok na puno ng tira-tira nila kaninang lunch.
Anong tingin nila kay Alexis? Aso?
Umiling lang si Alexis at bumalik na ulit sa pagbabasa niya.
“Arte ha. Eh mas masarap naman to kaysa sa baon mo sa araw-araw na tuyo at kamatis. Napaka-poor mo talaga!” sambit ni Chantal. Pagkatapos ng sinabi niya ay nagtawanan ang lahat. Kahit ang mga katabi at hindi naman talaga kasama sa pang-aasar ay nakikitawa at nakikisigaw rin.
Kinuha ni Maisie ang kamay ni Alexis at isinawsaw sa mangkok. Medyo umapaw ang sabaw sa mangkok kaya nabasa ng kaunti ang palda ni Maisie.
“s**t! Tignan mo tong ginawa mo sa palda ko!”
Dahil sa inis kinuha muli ni Maisie ang kamay ni Alexis at sinubo sa bibig ni Alexis.
“Ayan mabusog ka sana!” sigaw muli ni Maisie sa kanya.
Mas lalong nagtawanan ang lahat. Nakakalungkot isipin na wala akong magawa. Kahit bawalan man ay hindi ko magawa.
“Sis, sapat na ba yan para sa’yo Maisie? Ang bait mo ha.” Kinuha naman ni Chantal ang mangkok at binuhos sa kawawang si Alexis. Muli, tawanan ang maririnig mo sa buong classroom ang ngunit ang tawa nila Maisie ang nangingibabaw sa lahat.
“Sis, tara na nga. Kailangan ko pang ayusin ang palda ko. Dinumihan ni Alexis!” pagsabi nila nun ay lumabas na sila. Naiwan si Alexisis doon na basang-basa ngunit nanatili pa rin siyang nakayuko. Walang tumutulong sa kanya ni isa sa mga kaklase namin. Naawa ako ngunit kung tutulungan ko naman siya pwede akong madamay.
Kahit anong gawin nila ay di sila pinapansin ng teacher sa harap. Isa lang ang dahilan, dahil binabayaran sila ng magulang ng mga kaklase ko para magsaya ang mga anak nila. Dito sa school kahit di ka mag-aral, basta may pera kang maipapangsuhol sa mga teachers, papasa at papasa ang estudyante. Kahit na sira-ulo ka basta may kapit ka sa school, lulusot ka pa rin. Ganyan ang sistema dito.
Napatingin ako sa may likuran ng classroom na may nangyayari ding gulo. “Tama na Rain.” Sabi ni John Paul na nakasandal sa may locker at patuloy na binabato ng tennis ball ni Rain at ng barkada niya. Pero imbis na pansinin nila ang pakiusap ni Paul ay nagtatawanan pa sila.
Abala ang lahat. Hindi sa klase kundi sa sari-sarili nilang kasiyahan. May mga natutulog, may mga nagpapatugtog, ang iba ay nagkukwetuhan at ang iba naman ay walang magawa kundi mantrip.
“Paul, kaysa ba to sa bibig mo?” sabi ni Rain habang nilalagay sa bibig ni Paul ang hawak niyang tennis ball. “Wag Rain…Please, waag.” Pagmamakaawa ni Paul pero kahit anong sabihin niya ay walang makakapigil kala Rain. Pilit nilang binubuka ang bibig ni Paul ngunit nagpupumiglas si Paul. “Hoy! Ngumanganga ka! Iuuntog kita!” pagbabanta ni Rain ngunit kahit anong sabihin niya ay ayaw sumunod ni Paul sa pinapagawa niya.
Nagulat ako nang bigla niyang hinawakan ang ulo ni Paul at inuntog ito sa locker. Sa lakas ng tunog at sa sigaw ni Paul ay alam mong sobrang sakit talaga. Naawa ako sa kalagayan niya. Handa na sana ang mga paa ko upang tumayo pero may kung ano sa katawan ko na pumigil pa rin sa mga ito. Pinagtawanan siya ng grupo ni Rain.
“Wag na wag mo kaming gagaguhin.” Sabi naman ni Vincent , isa din sa mga barkada ni Rain. Hawak hawak niya sa kuwelyo si Paul. Bakit ba laging si Paul na lang ang pinagdidiskitahan nila? Hindi ba nila kayang humarap sa mga kasing-lakas nila?
“Hindi ka pa ba natuto sa ilang taon na magkakasama tayo? Dapat kang sumunod sa lahat ng gusto namin. Wala kang kwenta. Tandaan mo yan.” Dagdag pa ni Rain kay Paul habang dinuduro siya. Binitawan naman ni Vincent sa pagkakahawak niya sa kwelyo si Paul.
“Pumasok ka na lang doon sa isa sa mga locker. Tutal ayaw mo rin namang isubo tong bola mas magandang di ka na lang namin makita.” Sabi pa ni Rain at agad naman nila hinawakan si Paul at pinihit ang bukasan ng isa sa mga locker.
Nagtatawanan sila habang nagmamakaawa muli si Paul na tigilan na ang ginagawa ng grupo ni Rain sa kanya. Ngayon lang muling naging ganito ang First Section, mula noong nawala si Teacher Cheryl . Napapikit ako dahil sa kalungkutan pero alam kong sa pagdilat ko, ganun pa rin ang makikita ko. Walang magbabago.
Lumabas ang teacher na nasa harapan nang walang sabi. Siguradong nainis din naman siya sa nanyayari sa klase at umalis man siya o hindi, wala pa rin namang pake ang klase. Dumilat ako at nakita kong malapit na nilang mabuksan ang locker.
Nagtaka agad ako kung bakit walang lock ngunit sigurado akong hindi na nila iyon napansin. Hinatak na ni Rain ang bukasan ng locker nang biglang may tumaob na timba doon sa loob ng locker, sa itaas na parte nito. Nakatali ito at nakakonekta sa likod ng pintuan ng locker.
….dugo?
Puro dugo. Halos napuno na rin ng dugo ang uniform nila Rain at ang mga kasama niya. Ilang segundo silang nakatayo doon at tinitignan ang nanyari. Sino na naman ba ang may gawa nito? Nagsitinginan ang lahat sa likod kung san nakatayo sila Rain at biglang may nagsalita sa speaker.
“Natanggap nyo ba ang babala ko?” narinig namin muli ang mala-demonyong boses na yon. Natakot ang lahat. Hindi lang kami nakakarinig sa kanya sa mga sandaling ito kundi buong school na.
“la muerte está cerca…” Sabi pa niya at tumawa siya nang tumawa. Sobrang sakit sa tainga. Napatakip kaming lahat sa mga tainga naming nang nag-feedback ang tawa na iyon sa mic.
“Gusto nyo pa bang maglaro?”
La muerte está cerca? Diba iyon yung nasa katawan ng bangkay ni Kuya Kenjie?... babala iyon? Naririnig ko ang sunod sunod na bulungan sa klase. Ni walang nakakaalam kung ano ang ibig sabihin ng mga katagang iyon ngunit… alam ko. Mula noong nakita ko iyon, hinanap ko na ang ibig sabihin ng mga katagang ‘yon.
“Death… is near?” sabi ko at tsaka nagsitinginan naman sa akin ang lahat..
“I-Iyon ang babala? Malapit na si kamatayan?” pagpapatuloy ko.
Nasindak ang lahat at tumakbo na kami papunta doon sa sound system room ng school kung nasaan ang mic. Ngunit ang tangi naming naabutan doon ay isang mic na nakatapat sa isang cellphone. Yung parehong cellphone na ginamit ng killer noong tumawag siya sa amin.
Pano ito nabalik sa kanya? Kinuha ko ang phone at nakita ko na kakatawag lang ng caller. Naisahan na naman niya kami. Di na naman mapakali ang lahat.
“Sinong wala sa klase natin?” tanong ni Alpha sa lahat.
“Si Lorraine?”
Ang huli naming pagkakakita kay Lorraine ay nung sumigaw siya nang sumigaw noong nakita namin ang mga litrato ni Cyne sa board. Lorraine, ano ba talaga ang kinalaman mo sa lahat ng ito? Binulsa ko ang cellphone ng killers. Desidido na talaga ako.
~*~
Dahil sa nanyari ay pinauwi agad kami ng mga teachers. Tinanong nila kami kung ano nga ba ang kinalaman namin sa nagsalita sa speaker ngunit wala kaming maibigay na sagot. Nilinis ang likurang parte ng classroom namin na puro dugo na akala mo’y mabubura rin sa alaala namin ang panyayaring iyon lalong lalo na ang boses na ‘yon.
“Sama ka?” tanong sa akin ni Alpha.
“Ha? San?” Para bang nagising ako sa realidad nang narinig ko ang boses ni Alpha. Ni hindi ko nga napansin na nagsisialisan na ang lahat at ako na lang ang nanatiling nakaupo.
“Lutang ka na naman. Nood tayo sa sine, buong klase.”
“Hindi eh. May gagawin pa ko.” Pagpapalusot ko pero sa totoo lang wala naman talaga, kailangan ko lang magpahinga… nakakapagod na ang mga nanyayari.
Parang hindi ko kayang magsaya o ano pa man ang tawag sa gagawin nila. Hindi ko kayang sikmurain na magsaya habang nanganganib ang mga buhay namin. Hindi kaya ng isipan ko.
Nakaalis na ang lahat at ako na lang ang natira sa room. Tinignan ko muli yung locker. Teka… locker ni Cyne ito ah? At siya lang ang may hawak ng susi nito. Tama kung gagamitin ng mga killers ang isa sa mga locker nila, siguradong mapagbibintangan sila. Bigla akong napaisip ngunit kahit anong gawing isip ko hindi ako makabuo ng isang konkretong sagot.
Aalis na dapat ako nang may napansin akong kumikinang na bagay sa loob ng locker. Kinuha ko ito at may nakita akong isang sing-sing. Silver ito at simple lang ang desenyo. Tinignan ko ito nang mabuti, ngayon ko lang naman ito nakita… tinignan ko rin ang loob nito na may nakasulat na “Akira”.
Di ko pa rin binibitawan ang singsing isasama ko rin siya sa mga hawak kong ebidensiya laban sa mga killers na binabanggit sa akin ni Cyne.
Tatalikod na sana ako nang may naramdaman akong kutsilyo sa leeg ko. Napapikit ako.
Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat at Isinandal sa isa sa mga locker ilang segundo ang nakaraan bago ko naidilat ang mga mata ko. At nagulat ako sa taong nasa harap ko.
“A-Ash?...”