Gab-4

2096 Words
Inis na inis siyang pumanhik sa silid niya, matapos ang eksena nila ni Gab sa swimming pool. She can't believe na nahawakan siya kaagad ng Gab na iyon, while she was wearing her two piece. Si Glenn nga, never pa siyang nahawakan ng ganoon at lalong never pa siyang nakita ni Glenn in her two piece — at itong si Gab Saavedra, agad-agad. “Kainis talaga!” inis na maktol niya at binagsak ang pang-upo sa kama. Nagbuga ng hangin para i-relax ang sarili sa inis na nararamdaman kay Gab Saavedra. Sinusundo siya ni Gab. Kung saan sila pupunta ay hindi niya alam. Basta gaya ng sabi ng Daddy niya, ipapasyal siya ni Gab Saavedra para lalo pa silang magkakilala nito. Bagay na kinaiinisan niya. May nobyo siya — si Glenn — kaya imposibleng sumunod siya sa gusto ng ama na makipagmabutihan kay Gab Saavedra at soon ay ma-e-engage sila at magpapakasal. Ganoon lang ba kadali iyon? May karelasyon na siya at nais na rin nilang magpakasal ni Glenn. Basta makapag-graduate lang si Glenn sa medisina ay magpapakasal na sila nito. “Well, sisirain ko ang plano nila ng Daddy ko,” sabi niya at inis na tumayo mula sa kama. Maghahanda na siya ng sarili. Ipapakita niya kay Gab Saavedra kung sino si Lianne Gomez. Ipapakita niya na isa siyang malaking disappointment, para tigilan na siya nito. Na hindi siya pwede iharap sa pamilya nito at lalong-lalo nang hindi siya karapat-dapat maging Mrs. Saavedra. “Ayokong maging Mrs. Saavedra!” dabog na sabi niya. Matapos ang halos trenta minutos na pagbibihis at pag-aayos ng sarili, sinipat-sipat niya ang sarili sa whole length mirror sa loob ng silid. Lihim siyang napangiti. Pinili kasi niyang isuot ang medyo revealing na damit — ‘yung bang tipong magba-bar siya, may pagka-wild ang dating. Alam niyang pwedeng ikadismaya ni Gab Saavedra ang wild na pananamit niya. At iyon ang nais niyang mangyari: ang madismaya sa kanya si Gab. Lihim siyang napangiti habang nakatitig sa salamin. Pinili niya ang maong shorts, short na halos sakto lang natatakpan ang dapat takpan. At puting crop top, at itim na boots. Tila siya teenager sa ayos niya, bagay naman sa kanya ang suot niya. Masyado nga lang sexy at revealing. Hindi na siya naglagay ng ano man sa mukha. Para naman hindi masyadong magandahan sa kanya si Gab Saavedra. Nais lang niyang ipakita kay Gab kung paano siya kunwari manamit para madismaya ito sa kanya. Pagbaba niya ng hagdan, walang tao sa sala. Wala roon si Gab kung saan niya ito iniwan kanina. “Saan naman kaya nagpunta ang lalaking iyon?” tanong niya at may narinig na nagtatawanan sa may labas ng pintuan sa likod kung saan ang daan papuntang swimming pool. Siguradong ang ama niya ang tumatawa. Bakit nakakasiguro na ba ang mga ito sa panalo nila? Hindi pa naman siya pumapayag at may nobyo siya. Inis siyang lumabas ng pintuan at nakita nga ang ama at si Gab na nagtatawanan. Kung ano ang pinag-uusapan ng mga ito ay hindi niya alam, at wala siyang balak alamin pa, dahil hindi siya interesado. “Dad,” tawag niya sa ama. Agad namang lumingon ang ama at unti-unting nawala ang ngiti sa mga labi nito nang makita ang suot niya. Ilang beses sinuri ng ama ang suot niya, lalo na ang maiksing shorts niya. Kitang-kita niya ang paglalim ng kunot sa noo ng Daddy niya. Tumikhim ang ama, habang matalim na nakatingin sa kanya. Nasira na niya ang mood ng ama. “Lianne!” matigas na tawag ng ama sa kanya. “What are you wearing?” tanong ng ama. Napansin din niya ang pagsulyap sa kanya ni Gab. Wala naman siyang makitang pagkadisgusto kay Gab sa suot niya. Tila nga natuwa pa ito sa suot niya. Hindi nakaligtas sa kanya ang pasimpleng pagsuri ni Gab sa kabuuan niya. Nagtaas siya ng kilay. Kung ang ama niya nainis sa suot niya, mukhang si Gab ay nasiyahan yata. Nagkibit-balikat siya at binalik sa ama ang atensyon. “Short and blouse,” sagot niya sa ama. “Excuse me, Gab,” paalam ng ama kay Gab. “Kakausapin ko lang sandali ang anak ko.” “Go ahead, Mr. Gomez,” sagot ni Gab at muli siyang sinulyapan. Pinaikot niya ang mga mata kay Gab at sumunod sa ama sa loob ng bahay. “Lianne! Ano ‘yang suot mo?” galit na tanong ng ama. “Ano po bang mali sa suot ko?” “Halos litaw na ang kaluluwa mo, ah?! Hindi naman ganyan ang suot mo pag kayo ng lalaking iyon ang lumalabas!” sabi ng ama na may himig galit. Alam niyang si Glenn ang tinutukoy na lalaking iyon ng ama, sadyang ayaw lang nitong banggitin ng ama ang pangalan ni Glenn. “Daddy, hindi po siya si Glenn,” inis na sagot niya. “Lianne!” sigaw ng ama na pumuno sa buong sala. Napapitlag siya at nakaramdam ng takot sa ama. Bihira siyang pagtaasan ng boses ng ama. “Magpalit ka, Lianne!” matigas na utos ng ama sa kanya at masamang tingin ang pinukol sa kanya. Bumuntong-hininga siya at padabog na tumalikod. Mula noon hanggang ngayon, sumusunod pa rin siya sa ama. Ewan niya pero hindi siya makasaway sa ama. Natatakot siya sa ama. Inis siyang bumalik sa silid at nagpalit ng damit. Alam niyang nais ng ama na magpalakas kay Gab Saavedra na iyon. Kaya nais nitong maging presentable siya sa harapan ng Gab na iyon. Samantalang siya, nais niyang ma-disappoint sa kanya ang binatang Saavedra na iyon, para ito na mismo ang umatras sa gusto ng mga magulang nila. Ang itsura ni Gab Saavedra ay imposibleng walang babae ito. Sigurado siyang maraming babae ito. At siguradong sasakit lang ang ulo niya kung papatulan niya ang isang tulad ni Gab na halata sa mukha ang pagka-babaero at habulin ng mga babae. Tipo bang papalit-palit ng babae kada gabi. Pinili niyang isuot ang kaswal na jeans at blouse, not showing too much skin, tulad ng gusto ng ama. But still, she looks sexy and stunning kahit sa simpleng suot lang. Pagbaba niya, nasa sala ang ama at si Gab. Nag-uusap ang mga ito, at masaya na naman ang ama. Nakangiti na naman ito. Liningon siya ni Gab. Wala siyang kangiti-ngiti rito. Nakitang niyang lumalim ang ngiti ng ama. Ibig sabihin, pasado na ang suot niya sa ama. Bumuntong-hininga na lang siya at pilit na ngumiti sa mga ito. Agad na silang nagpaalam ni Gab sa ama. Kung saan siya dadalhin ni Gab ay hindi niya alam. Basta sasama lang siya rito at sasabihin niyang may boyfriend siya para huwag na itong umasa pa. Sasabihin niyang nagbabalak na silang magpakasal ni Glenn, kaya walang patutunguhan ang pakikipaglapit nito sa kanya, na nagsasayang lang ito ng oras, panahon, at effort — kung nag-e-effort man ito. Isang mamahaling sasakyan ang naghihintay sa kanila sa may bakuran. Ibang sasakyan ito sa dala ni Gab kagabi. Ngayon pa lang, alam na niyang nagpapakitang-gilas na ito, pinakikita kung gaano ito kayaman. Dahil sa paiba-iba nito ng sasakyan. Alam naman niya kung gaano kayaman ang mga Saavedra sa bayan nila. Ang mga Saavedra ang pinaka-mayaman sa San Sebastian. At alam niyang isang maswerteng babae ang magiging asawa ni Gab, dahil daig mo pa ang tumama sa lotto, magbubuhay-prinsesa ka at hihiga sa pera. Isa iyan sa nakikitang dahilan ng ama kung bakit siya pinagkakasundo kay Gab. It’s all about connection at power. Sorry na lang si Gab dahil hindi siya naa-attract sa materyal na bagay. Hindi siya nasisilaw ng mga mamahaling sasakyan. Para sa kanya, ang lumang kotse pa rin ni Glenn ang mas maganda kumpara sa mamahaling sports car ni Gab. Dahil si Glenn ang nagmamay-ari noon. Pinagbuksan siya ng pintuan ni Gab. Wala siyang kangiti-ngiti sa mga labing sumakay sa passenger seat ng mamahaling sports car ni Gab. Umikot naman si Gab pasakay sa driver seat. “Let’s go,” sabi nito nang makasakay sa driver seat. Bumuntong-hininga siya, nais ipakita ang pagka-disgusto niya rito, nais niyang ngayon pa lang maramdaman na nito na ayaw niya rito. “Saan mo gusto pumunta?” he asked. Nagtaas siya ng kilay at sinulyapan ito. Well, wala siyang mapipintas kay Gab. Gwapo ito tulad ng mga kapatid nito. Malakas ang appeal na kahit sinong babae ay mapapalingon rito. “Hindi ba’t ikaw ang nagyaya sa akin lumabas? Dapat alam mo kung saan mo ‘ko dadalhin,” ismid na sagot niya at hinila ang seatbelt. “Ok,” tanging sagot nito at binuhay na ang makina. At pinaandar na ang sasakyan palabas ng bakuran nila. “Mr. Gab Saavedra. Ngayon pa lang, nais ko nang malaman mo na walang patutunguhan ang ginagawa mo. Nagsasayang ka lang ng panahon at oras mo!” mariing sabi niya kay Gab. Dapat sa simula pa lang, ipaalam na niya kay Gab ang lahat. Alam niyang nais ng ama na huwag ipaalam kay Gab ang pagkakaroon niya ng karelasyon. Pero dahil ayaw niyang makasal sa isang Gab Saavedra ay ngayon pa lang, sinasabi na niya ang relasyon niya kay Glenn. Isa pa, ito na mismo ang nakakita sa kanila ni Glenn kagabi na naghahalikan, kaya hindi na niya kailangan i-deny pa ang pagkakaroon niya ng nobyo. “Why?” tanong nito habang nasa kalsada ang atensyon. “I have a boyfriend. Nakita mo naman kami kagabi, hindi ba?” mabilis na sagot niya rito, at sinulyapan ito. “Kung sabihin ko sa iyo, I don’t have a girlfriend. But, I have lots of girls. Paano kung gabi-gabi iba-iba ang kasama kong babae?” sagot nito sa kanya. Kumunot ang noo niya at liningon ito na sa kalsada nakatuon ang pansin. “Wala akong pakialam kung iba-iba ang nakakasama mo. Ang akin lang ay may boyfriend ako at hindi ako pwedeng sumang-ayon sa gusto ng Daddy ko,” litanya niya at pinagsalikop ang mga kamay sa dibdib. Inis na tumingin sa labas ng bintana. “I don’t care about your boyfriend, or kahit gabi-gabi din ay iba ang kasama mong lalaki, as long as hindi mo pa dinadala ang pangalan ko,” litanya nito. “What?” kunot-noong tanong niya at pa-iling-iling na tumingin kay Gab. Tama ba ang pagkakaintindi niya sa sinabi ni Gab? Na pwede siyang sumama kung kani-kanino habang hindi niya dinadala ang pangalan nito? So ano iyon, ok lang na kung kani-kanino siya sumiping at makipagtalik ngayon? At pagkatapos, pakakasalan pa rin siya nito? “You mean, pwede kong gawin ang kahit ano habang hindi tayo kasal?” bulalas niya. Sinulyapan siya ni Gab, nagtama ang kanilang mga mata, saglit lang iyon at muling binalik ni Gab ang tingin sa kalsada. Bigla niyang naramdaman ang kabog ng kanyang dibdib sa pasimpleng pagsulyap lang ni Gab sa kanya. Napakunot-noo pa siya at pinakiramdaman ang sariling dibdib. Kumakabog nga iyon. At kung bakit ay hindi niya alam. “Hindi kita niyayang lumabas para i-date, Lianne,” salita ni Gab. Liningon niya ito, pasimpleng pinagmasdan ang gilid ng mukha nito na napapalibutan ng balbas, tulad ng mga kapatid nito. Isa yata ang balbas at bigote ang pang-akit ng mga lalaking Saavedra sa mga kababaihan. Well, bagay naman kasi sa mga ito, lalo na kay Gab na nagpalakas ng dating ang balbas nito. Parang pag hinalikan ka, eh makikiliti ka. Sinaway niya ang sariling isip sa kung anu-anong naiisip niya. “Niyaya kitang lumabas dahil utos ng Papa ko iyon. Kung sumama ka sa akin dahil sa utos ng Daddy mo, well, pareho lang tayong sumusunod sa mga magulang natin,” patuloy nito. Nakikinig lang siya rito, wala kasi siyang alam sabihin, dahil na-di-distract siya sa kagwapuhan nito at sa malakas na kabog ng kanyang dibdib. “Isa pa, para mapag-usapan natin ang kasalang ito na plano ng mga magulang natin. At katulad mo, wala rin akong magagawa, dahil kailangan kong makuha ang shares ko sa kompanya, at ang magpakasal sa iyo ang paraan para makuha ko ang karapatan ko sa kompanya ni Papa,” patuloy ni Gab. Bumuntong-hininga siya at nagkibit-balikat. Pakakasalan siya ni Gab para makuha ang mana nito. Eh siya, bakit siya papakasal kay Gab Saavedra? Anong makukuha niya kapag kinasal sila ni Gab? Siya na ba ang uupong C.E.O. sa kompanya ng ama na matagal na niyang pinangarap? Nais niyang makuha ang posisyon ng ama para kung sakaling hindi makatapos ni Glenn ang medisina ay silang dalawa ang magpapatakbo sa kompanya. Pero paano niya magagawa iyon kung kailangan niyang magpakasal kay Gab bago makuha ang posisyon ng ama? Paano si Glenn? Paano ang mga pangarap nila ng nobyo?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD