Chapter 7

1471 Words
Aaron's Point of View Pagdating ko sa clinic, nilalagyan ng gamot ng nurse ang mga sugat ni Cia dahil sa pagkakakalmot ni Maggie sa kanya. "Ito, ointment para hindi magpeklat ang mga sugat mo. Wala namang malalang sugat sa katawan mo kaya pwede ka nang bumalik sa klase mo" paalala ng nurse. "Thank you po" nakangiti niyang sabi saka siya tumayo at nilapitan ako. "Tara na" aya niya sa akin. Bago ako tumayo ay tiningnan ko muna ang mga sugat niya. Nang makita kong ok naman na at nalagyan na ng gamot ay tumayo na rin ako. Pagkalabas sa clinic, hinayaan kong sumabay siya kay Airene. Nakinig lang ako s ausapan nila. "Airene, sorry ah" sabi niya kay Airene. "Ha? Saan?" Nagtatakang tanong ni Airene. "Napa-away na naman kayo ng dahil sa akin" sagot niya "How many times do I have to remind her na wala siyang kasalanan. Ang tigas talaga ng ulo niya" sabi ng isipan ko. "Ano ba, Cia. Wala kang kasalanan kaya wag kang magsorry. Ako nga ang dapat magsorry kasi dahil sa akin, nasampal ka niya" sabi ni Airene. Ramdam ko s aboses niya ang pagkaguilty. "Hindi mo kasalanan yon. Isa pa, ako naman ang kusang humarang. Hindi mo naman iniutos diba?" Depensa naman ni Cia. "Ano ba, kahit hindi ko iutos yon, kasalanan ko pa rin." Pagmamatigas ni Airene. "Ah basta, sorry talaga" sabi na lang ni Cia. Alam niyang hindi siya mananalo sa pakikipagtali kay Airene. Ipipilit at ipipilit ni Airene na siya ang may kasalanan. Sa sobrang lumulutang ang isip ko dahil sa nangyari sa canteen, hindi ko namalayan na nasa tapat na pala kami ng classroom namin. Tinapik lang ako ni Cia kaya napansin kong muntik na akong lumampas. "Cia, Airene, Aaron" tawag sa amin ni Mark. "Oh?" Tanong ni Airene. "Pumunta kanina ang prof natin. Hindi na raw siya magkaklase." Sabi naman ni Mark. "Ay buti naman" sbai ni Airene saka nagpakawala ng hangin. "Gusto niyo bang sumama? Nag-aaya kasi si Jizel magpunta sa Mall" tanong niya sa amin. "Naku hindi na. Kayo na lang. Magpapasundo kasi ako kay Jacob. Alam niyo na, magdedate kami" sabi niya na tila ba kinikilig. "Mag-ingat ka" sabi ko sa kanya saka siya ngumiti at tumango. Nang makuha na niya ang bag niya ay naglakad na siya palabas ng classroom. "Kayo ba?" Tanong naman ni Mark sa amin ni Cia. "Ah hindi na" sagot ni Cia. "Ok. Aaron ikaw na bahala kay Cia" sabi niya saka sila umalis ni Jizel. "May gusto kang puntahan?" Tanong ko kay Cia saka kinuha ang bag naming dalawa. "Ah wala naman" sagot niya saka kinuha ang bag sa akin ngunit hindi ko ito ibinigay. "Gusto mo bang magpunta sa café?" Tanong ko sa kanya. "Ok lang naman" sagot niya. "Iyong bag ko" sabi niya saka itinuro ang bag niya. "Ako na magdadala" sagot ko pero pilit niya pa ring kinukuha ito. "No, it's fine. Kaya ko naman dalhin" sabi niya sa akin. "Ok lang. Ako na magdadala. Let's go" wala na siyang nagawa pa dahil hinawakan ko na ang kamay niya. "Sana lang hindi na ito matapos pa" sabi ko sa sarili ko. Cia's Point of View Pagkadating namin ni Aaron sa Cafeteria, dumiretso kami sa cashier para umorder. Noong nakapili na kami, iaabot ko na sana ang cash na hawak ko pero naunang nagbigay si Aaron ng pera. Pinilit ko siyang ako na lang ang magbabayad pero hindi siya pumayag. Hindi pa naman ako sanay na hindi ako ang nagbabayad ng mga inorder ko. "Aaron, tanggapin mo na kasi ito" pagpupumilit ko habang iniaabot ang pera sa kanya. "No, it's fine. Treat ko iyon. Besides ako naman ang nag-aya sayo rito" pagpupumilit niya rin sa akin. "Oo nga pero ako naman ang kakain noong inorder ko. Sige na tanggapin mo na" pagpupumilit ko pa pero hindi pa rin niya ito tinatanggap. "Aaron, sige na tanggapin mo na" pilit ko pa ring ibinibigay sa kanya ang pera pero hindi nya ako pinapansin. Wala akong nagawa kundi ang sumuko. "Here's your order, Ma'am, Sir" sabi ng waitress saka inilagay sa lamesa ang mga order namin. "Thank you po!" Sabi ko sa waitress. Ngumiti naman siya sa akin bago siya umalis. Ilang minuto ang lumipas pero hindi ko pa rin ginagalaw ang pagkain. Nahihiya kasi ako since hindi ko naman iyon binayaran. "Hindi mo ba gagalawin ang inorder mo?" Tankng sa akin ni Aaron pero hindi ko siya sinagot. "Nagtatampo ka ba kasi hindi ko tinaggap ang pera mo?" Tanong niya ulit. Umiling naman ako sa kanya. Hindi naman talaga ako nagtatampo. Nahihiya lang talaga ako. Hindi kasi ako sanay kumain ng hindi ako ang nagbabayad or even ang mommy ko. "Look, sayang naman kung hindi mo kakainin ang inorder mo. Ang daming bata ang nagugutom tapos ikaw hindi mo kakainin iyan?" Pagkumbinsi niya sa akin. "Hayaan mo kasing bayaran ko sa iyo" pilit ko pa ring sabi kahit alam kong hindi niya tatanggapin. "No, I'm not gonna let you pay for anything kapag kasama mo ako. I'm your boyfriend, ako dapat ang gumagastos sa atin" paliwanag niya. "Naiintindihan ko ang point mo. Pero hindi naman fair iyon. Hindi porket ikaw ang lalaki, ikaw ang palaging nagbabayad. Papayag lang ako kung asawa kita. Hindi naman kita asawa kaya hayaan mo akong magbayad" paliwanag ko naman ng side ko sa kanya "Then if you want to pay me, let's get married" pagkasabi niya ay tila ba nabilaukan ako. "Ahhh nakakainis ka. Gusto ko lang naman magbayad eh" naiirita kong sabi saka ako yumuko at kinuha ang tinidor na nasa lamesa. Wala akong nagawa kundi ang kainin ang inorder namin. Hindi naman ako mananalo sa kanya. Tama rin naman siya sa point niyang maraming bata ang nagugutom. Sayang naman kung hindi ko ito kakainin. "Nagtatampo ka?" Narinig kong tanong niya. Hindi ko naman siya sinagot. Maya maya narmadaman ko na kang na gumalaw ang inuupuan ko. Pagtunghay ko ay magkatapat na ang aming mga mukha. "Galit ka?" Tnaong niya pa pero seryoso lang akong nakatingin sa kanya. "My gosh, bakit ang gwapo ng mga mata mo" isip-isip ko. "Ano ba Cia? Hindi tama yan" sermon ko sa isipan ko. "Aminin mo na kasi, may gusto ka sa kanya" sigaw ng isipan ko. "Wala akong gusto sa kanya so stop!" Sermon kong muli sa isipan ko. "Hey, I know your mad. Pero huwag mo naman sana akong tingnan lang. Tell me if your mad and I'll apologize" pagkuha ni Aaron sa atensyon ko. "N-no. No I'm not" pagkaklaro ko. "You're lying" sabi niya naman. "I'm not. Nahihiya lang kasi ako" pagdadahilan ko kahit ang totoo, nagtatalo na ang dalawang oarte ng isipan ko dahil sa kanya. "For what?" Tanong naman niya. "For everything" sagot ko kahit hindi ko rin alam kung bakit ako nahihiya. "I mean palagi kayong napapa-away ng dahil sa akin. And now, ayaw mo naman akong pagbayarin sa inorder kong food" kahit hindi naman talaga ito ang dahilan, sinabi ko na lang. May katotohanan din naman ito. "Cia, hindi mo kailangan mahiya. The moment you became my girlfriend, handa akong makaipag-away just to protect you. And this" saka niya itinuro ang mga pagkain sa lamesa. "It's nothing. You don't have to feel that way. I just wanted to treat you the way you deserve to be treated. Diba napag-usapan na natin iyon?" Paliwanag niya. He's right. Napag-usapan na namin ito. Hindi lang talaga ako sanay na itrato ng ganiti. Sa past relationship ko kasi, i was treated the opposite. Palagi akong nasasaktan. Palaging ako ang nakikipag-away just to protect him. "Thank you. You don't know how greatful I am." Sabi ko saka ako ngumiti. "Hindi lang din ako sanay na ganito ako itrato ng isang lalaki. I mean the way you treated me isn't the way my ex boyfriend treat me" paliwanag ko sa kanya. "Don't worry. I will treat you as my princess" sabi niya saka niya ako niyakap. Napayakap naman din ako sa kanya dahil sa sayang nararamdaman ko. I know i don't deserve this, but I'll do everything para lang masuklian ang mga ginagawa niya sa akin. "Just tell me what you want me to do, I'll do everything para lang masuklian ko ang mga ginagawa mong kabutihan sa akin" ramdam kong nangingulid na ang mga luha ko. Kumalas naman siya sa oagkakayakap sa akin. Pinahid niya ang nukha ko. Hindi ko kasi namalayang tumulo na pala ng luha ko. "Don't cry. I'm here ok." Sabi niya saka niya kinuha ang inuming inorder ko at iniabot sa akin. "Thank you." Sabi ko sa kanya. Ilang minuto pa ang itinagal namin ni Aaron sa Cafeteria bago kami unalis. Nagmanadali na rin kasi siya dahil pinapatawag sila ng coach nila. Hindi na sana ako magpapahatid pero mapilit siya. Kaya naman pumayag na lang din ako kesa humaba pa ang usapan namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD