"Okay po." Sagot na lamang ni Analyn. "Matulog ka na muna. Gigisingin na lang kita kapag naroon na tayo," saad ng binata. "Kuya, puwede pa bang magtanong?" tanong muli ni Analyn. "Ano 'yon?" balik na tanong naman ni Bryan. "Bakit po hindi kayo nag-aalala sa ama ko? At bakit ang parang kilalang-kilala mo siya?" tanong nito. "Dahil tama ka. Kilalang-kilala ko nga ang ama mo. Kaya alam kong hindi ka niya pababayaan. At alam ko rin kung gaano ka nya gustong makita at makapiling. Kaya wala kang dapat ipag-alala," saad ni Bryan. Dahil sa sinabi ni Bryan ay naginhawaan si Analyn. At alam din nitong nagsasabi ito ng totoo. Pero hindi niya maiwasang makaramdam ng kaba at sari-saring emosyon. "Sige na magpahinga ka na muna at gigisingin kita kapag naroon na tayo," wika muli ni Bryan. "Sige

