Pagkatapos makipag usap ni Bryan kay Analyn ay dumating na nga si Mia. "Hi," saad ni Bryan na nababakas sa mukha ang saya at sigla nito nang makita ang kasintahan at agad na pinagbuksan ng pintuan ng sasakyan si Mia. "Hi," saad naman ni Mia na napapangiti. "Saan tayo kakain at ano'ng gusto mong kainin?" tanong agad ng binata. "Kahit saan at kahit ano?" sagot naman ni Mia. "Mukhang napagod ka, ah?" saad pa ni Bryan. "Medyo lang, alam mo naman puro praktis ang ginagawa namin." Nakangiting saad ng dalaga. "Ahm, Bry. Saka na kita ipapakilala kay Ate kapag umuwi na siya rito. Uuwi kasi siya sa graduation, eh. Mas gusto kitang ipakilala na kasintahan ko sa personal," pahabol pa na wika nito. "Oo ba, mas gusto ko nga 'yon. Para naman ma meet ko siya ng personal." Saad naman nito. "Oh, ba

