"Nakakita ka na naman ng pogi. Kaya nakalimutan mo na naman ako," reklamo naman ni Analyn at humarap ito kay Bryan. "Sir, si Jaylyn po. Ang malandi kong kaibigan. Mag-ingat po kayo sa kanya at nanggagayuma po siya. Baka magayuma ka po niya," paalala na pabirong saad ni Analyn. "Jaylyn si Sir. Siya ang tumulong sa akin," pakilala rin nito. "Sira ka talaga, Analyn. Kung ano-ano ang sinasabi mo kay sir. Huwag po kayong maniwala sa kanya, sir. Jaylyn po, kaibigan ni Analyn," pakilala nito na may malapad na ngiti sa labi at inilahad pa ang kanyang kamay sa binata. "I'm, Bryan. Call me Bry," saad naman ng binata. Halos tumalon ang puso ni Jaylyn nang mahawakan nito ang palad ng binata at pinaka titigan niya itong mabuti na abot tainga pa ang ngiti nito. "Hoy! Matunaw si Sir, 'yang bibig mo

