Nakaramdam ng galak si Analyn dahil sa sinaad ni Bryan. "Sir, thank you po. Hulog kayo ng langit," mangiyak-ngiyak na saad ni Analyn na taos pusong nagpapasalamat sa binata. "Hindi ba't sinabi ko sa iyo. Kuya dapat ang itawag mo sa akin. About nga pala sa ama mo. May kinausap na akong tao para I-background check ang ina mo na nagtrabaho sa bar no'n. Pati na rin kung sino ang lalaking nakilala niya roon. Mga naging customer, pati na rin iyong nag bar fine sa kanya. Kapag may nakuha ng impormasyon, sasabihan kita agad. Ano nga pala ang pangalan ng Ina mo? Oh, ginamit na niyang pangalan noon?" "Lisa, ang pangalan ng ina ko. Pero Lisa rin ang ginamit niyang pangalan sa bar. Iyon din ang kuwento ng step father ko," sagot ni Analyn. "Okay, ipaparating ko 'tò agad sa lalaking inutusan ko. Mab

