Nang mga panahon na 'yon ay nakatalikod pa rin si Analyn at pasimpleng pinagmamasdan ang kanyang kapaligiran. 'Kailangan kong makaalis dito. Ayokong pagsamantalahan ako ng lalaki na ito or mamatay dito. Kaya dapat makaisip ako ng paraan. Isip Analyn isip." Aniya nito sa kanyang isipan. Dahil may nakita siyang stick na nakatayo sa kanyang harapan habang nakatalikod ito ay iyon lamang ang kanyang naiisip na paraan. Kaya pasimple siyang humarap sa lalaking nakasunod sa kanya at umatras siya ng pasimple. Upang makapa at makuha ang stick na medyo makapal at gagamitin niyang pamalo. "Paano ba iyan, wala ka ng ligtas. At dahil dalawa lang tayo ngayon. Mukhang makakatikim pa yata ako ng pinapaitan ngayong gabi," saad pa ng lalaking may balak siyang gawan ng masama. Naglabas ito ng patalim na

