"Dadaan ka muna sa 'kin, Angelo," banta at makahulugan ding saad ni Bryan. "Kaya ngayon pa lang magtino ka na. Kung hindi, lagot ka kay Bryan," nakangiting saad naman ni Joseph. "Luuhhh! Asa ka," saad naman ni Analyn. "Pasok na po ako sa loob. Para maligo at mag-apply ng trabaho," paalam nito kay Bryan. Ngiti lang naman ang tugon ni Bryan kay Analyn. "Matino naman ako, eh. Hindi lang seryoso. Pero ngayon na nakilala ko si Analyn bebe gurl. Mukhang nakita ko na rin ang babaeng magiging ina ng mga anak ko," saad agad ni Angelo na napapangiti. "Ewan ko sa iyo. Tara pumasok na tayo sa loob," aya na lamang ni Bryan sa mga kaibigan nito. "Ano? Wala pa bang balita kung saan nagtatago si Magnus?" tanong ni Bryan. "Wala pa, bakit atat kang malaman? Ayaw mo bang mag-enjoy muna. Habang wala

