Thursday. “Shh! Huwag kang maingay, Casper.” Casper giggled and gestured a 'Shh' sign on his lips. Naalimpungatan si Elena dahil sa hagikhikan na naririnig niya. She slowly opened her eyes and saw her two sons sitting on her bed. “Good morning, Mama!” sabay na bati ng dalawa. Dinambahan nila ng yakap ang ina. Agad namang niyakap din ni Elena ang dalawa. Ang aga-aga ang ganda ng bungad sa kanya ng araw. “Why are my babies so up in the morning?” “Mama, wala po kaming pasok!” imporma ni Keiran at umupo sa tabi ng ina. Nakapang-tulog pa ang mga ito na magkatulad ang kulay at design. “Wala kayong pasok? I thought matutulog kayo ng mas mahaba. Ang aga niyo gumising. May gagawin ba kayo?” Elena sits up and rubs her eyes. Sabay na umiling ang dalawa na nakapagpataas ng kilay niya. “Mama,

