Chapter 13
"So, ayun kitakits nalang tayo bukas?" Paalam ni Prince.
We're all here in the parking lot.
Dalawang sasakyan ang meron kami. Sila prince at Cassandra sa isa at kami nila Faye Caleb at Psalm ang nagkakasama. Malamang ayaw humiwalay ni Faye kay Caleb!
"Wait!" Pigil ni Faye. "Before we go home, since friends nanaman tayong lahat--"
"Feelingera amp." Bulong ni Cassandra.
Of course hindi narinig ni Faye yun dahil kung oo, I'm sure nag puputok ang butsi non sa galit.
"--let's introduce each other!" Tuwang tuwa pa si Faye. "My name is Jhanella Faye Castro."
"Gege para makauwi na ako." Napakamot sa batok si Prince. "Prince Maven Lopez."
"Cassandra Elena Morales."
"Psalm jaze Escalante."
"Casper Dandreb Del Franco."
When it's my turn, i don't know what to say. It's awkward dahil nakatingin silang lahat sakin!
"Uhh, Paris Escalante?" So dumb! Bakit patanong?
As expected ay natawa silang lahat! Nakakainis! Bakit ba kinakabahan ako!
"Ok! Let's go home na! Bye!"
Pumasok na kami sa mga kotse namin. It was so quiet! Wala talagang nag sasalita samin.
"Ah Faye--" Psalm tried to say something but Faye cut him off.
"Ate. I'm older than you so call me ate ok baby?" Pa sweet na boses ni Faye.
Baby? How dare her?! Ano pati si Psalm aagawin niya? Oh my god she's so annoying!
"Loh baby? Yak ew di bagay pag ikaw natawag." Natatawang sabi ni Psalm. "Kinilabutan ako gag-"
Faye cut him again.
"Hey! Wag ka nga mag mura! Masakit sa ears!" Inis na sabi Faye.
Pake niya sa ears mo?! Sigawan ko pa siya sa mismong tenga niya eh!
Well nasa manila kami diba? Siyempre hindi mawawala ang traffic! Nakakainis! Sira ba yung traffic light? Kanina pa nasa red eh!
Kinuha ko ang phone ko at binuksan ang i********: ko. Minsan kasi may mga product na nag papa-promote sakin na hindi ko na rereplyan minsan.
Then suddenly may message na nag pop-up sa phone ko.
It was from Caleb...
From: Annoying guy
Ba't ka nakasimangot?
Yes. I name him Annoying guy. Nakakainis kasi siya!
Nakasimangot? I'm not! I open my camera to look at my face. Oh, I'm naka simangot nga.
To: Annoying guy
Don't use phone, you're driving. It's bad.
I look at him after hitting send. He smirked when he read my message.
"Why are you smiling?" Kunot noong tanong ni Faye.
Napansin ata ni Faye na nakangiti si Caleb. Care niya ba?
"Don't use phone. It's bad." Saway niya.
Inagaw din ni Faye ang phone. Buti nalang napatay ni Caleb yon at hindi nakita ni Faye ang text ko. Baka isipin niya ang epal ko. Eh mas epal siya!
"Hey, the last time i check, walang password ang phone mo?" Takang tanong ni Faye.
Ano ba ang pakialam niya? Eh gusto niya lagyan eh!
Hindi sumagot si Caleb at nag focus nalang sa harap. Si Psalm ay nakapikit habang nasa tainga ang headphones.
After a year, sa wakas! Nag green ang stop light kaya umandar na kami. Ang unang ihahatid ay si Faye siyempre.
When we arrived at their village hindi ko mapigilang mapa 'wow' dahil sa ganda. Ang mga bahay ay parang mansion na sa laki. They must be so rich huh?
Napatingin ako sa harapan ng huminto kami. Hinarang pala kami ng guard dahil siguro hindi naman kami taga dito.
"Boss, Sino ho sila?" Magalang na tanong nung guard.
"Ah! Kuya guard--"
Hindi pa tapos si Caleb sa pagsasalita pero agad na nagsalita yung guard.
"Oh! Sir Caleb! Kayo ho pala yan! Bibisitahin niyo ho si ma'am faye?" Tuwang tuwa na sabi nung guard.
Ah, so dati na pala siyang nagpunta dito para bisitahin si Faye? Huh! Ang talas naman ata ng memorya nung guard! Napa-irap nalang ako at tumingin sa bintana.
"Ah, I'm here po, ihahatid niya lang ako." Dinig kong sabi ni Faye.
Bakit ba nakakainis ang boses niya?!
"Ah sige ho, daan na ho kayo." Nakangiting sabi nung guard.
Naramdaman ko na umandar na kami kaya tumingin ako sa unahan. Nang huminto ang sasakyan ay napatingin ako sa bahay na hinintuan namin.
It's big! Color white din at brown at ang gate. I think kasya ang tatlong car sa loob ng garahe dahil sa laki.
"Ok, see you tomorrow Caleb." Sabi ni Faye at tumingin sa amin. "See you tomorrow Paris."
Ngumiti ako sakanya pero hindi ko pinahalata na peke yun at pasimple pa akong umirap.
Bumaba na siya at binuksan ang gate. Nag babye pa siya bago tuluyang pumasok.
"Hey, dito ka sa unahan." Tawag ni Caleb sakin.
What? Why? Bakit naman ako dun uupo?
Imbis na sumagot inirapan ko nalang siya. Narinig ko siyang tumawa at nagulat ako dahil lumabas siya ng sasakyan! Wait, where is he going?
Nagulat ako ng biglang mag bukas ang pinto sa tabi ko. Gulat akong napatingin sakanya.
"Sit there. Or i won't drive." Nakangiti pa siya ng nakakaloko.
"No. Bakit ba ako uupo dun?" Inis na tanong ko.
I want to go home and sleep!
"I look like your driver." Simpleng sagot niya.
Ugh! He's annoying talaga!
"You are. You always drive me to school. So driver kita." Pang iinis ko. Pero ang totoo ay ako ang naiinis!
Bahagyang nagdilim ang mata niya. Now he's serious huh? Is he mad? Ako dapat yung galit ah?
"Sit there or else..." Banta niya.
"Or else what?" I look like strong but no. Ang totoo ay nanginginig na ang kamay ko.
"You won't like it." Nakangiti siya pero ang scary!
"Try me." Ngumiti din ako.
Anong gagawin niya? Iiwan niya ako dito? Wait, he won't do that naman right? Lagot siya kay tita!
Iirapan ko sana ulit siya pero nagulat ako ng buhatin niya ako! Binuhat niya ako ng pa bridal style!
The f**k?!
Wait! Bad words! Omygod!
"You stupid guy! Put me down!" Sinubukan kong pumalag pero hindi niya ako hinayaan.
Hinampas ko ang dibdib niya pero ang tigas!
Nakakainis na wala akong magawa eh! Si Psalm naman at naka headphones kaya alam kong hindi niya ako naririnig!
Binuksan ni Caleb ang pinto ng front seat at inupo ako doon.
I look at him with a deadly eyes. He just laugh. Sa tingin niya ba hindi ako nagalit doon?!
"I told you, hindi mo magugustuhan." He said while laughing.
"I hate you. Don't talk to me." Inirapan ko siya at tumingin nalang sa harap.
After an hour of driving naka uwi na kami. I think tulog na sila tita kasi nakapatay na ang ilaw at tanging sala lang ang bukas na ilaw.
Ginising ko lang si Psalm at sabay sabay na kaming pumasok at pumanik sa taas.
Bago matulog ay tinanggal ko ang make up ko dahil kapag hindi ko natatanggal sa gabi, bukas ay siguradong mangangati ang muka ko.
Before going to bed, naging routine ko na ang pag check ng socials ko. Twitter, i********:, and f*******:.
Maraming mga PR package na hinihingi ang address ko. Isa isa ko lang silang ni-replayan at natulog na ako.
I'm sleepy.....
•••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••
"Ate! Wake up, baka ma late tayo!"
"Five minutes..."
Nagising ako sa boses ni Psalm.
Bakit ba lagi niya ako ginising! Ni hindi ko narinig na tumunog yung alarm ko ah?
"Bala ka ate hinihintay ka nila tita sa baba. Nakakahiya." Pananakot niya.
Siyempre nakakahiya naman talaga! Napipilitan pa akong tumayo na. Antok pa talaga ako! Kinuha ko ang phone ko para tignan ang time.
7:00 AM....
Agad na nanlaki ang mata ko dahil sa oras! It's already seven in the morning! Eh matagal ako sa shower!
"Oh diba sabi sayo eh. Ligong aso nalang gawin mo." Simple nitong sabi.
Paligong aso? What the hell is that? There's no way na gagawin ko yon noh! Ano wisik wisik lang ng water then ok na? No way!
By the way...
Psalm is wearing a plain black shirt and a dark blue jeans, Partner with white shoes. For the accessories, he have the plain silver necklace as usual and his black watch.
Parang handa na siyang umalis anytime habang ako? I'm here, still wearing my pantulog! Tas ang messy pa ng hair ko!
"Bilis ate, di mag aadjust ang school sayo." Natatawang sabi nito.
Sinamaan ko lang siya ng tingin at tumayo na. Nag stretch lang ako ng saglit at kinuha ang towel and susuutin ko for today.
After my routines ay nagbihis na ako sa loob ng cr. Always naman eh since walang cr sa room ko.
I'm now wearing white cropped tee and black skirt with black trench coat. I partner it with white sneakers. For my accessories, nag suot lang ako ng gold bracelet and my watch. I also sprayed my favorite CHANNEL perfume.
Before going out tinignan ko ulit ang oras. Omygod!
7:30 AM
No! I have no time to eat breakfast na! Baka malate pa kami!
Dali dali akong lumabas ng cr pero nabunggo ako sa isang malapad na dibdib. What?
I look up and saw Caleb.
He is wearing a gray sweater and black jeans. Partner with a pair of white sneakers. He also wear his watch and i can smell his manly perfume.
"Hey! Let's go na! Baka malate tayo!" Pag mamadali ko.
"Breakfast ka muna." Aya niya.
But no, malelate na kami!
"No need, let's go na bilis!" Bababa na sana ako pero hinila niya na ako!
Dinala niya ako sa dining at ini-upo sa harap ng mesa.
"I said--" he cut me!
"Eat."
"Ayaw ni Psalm na nalelate siya. Tara na." I almost beg.
Ayoko din ng nalelate dahil pag pasok ng pintuan halos lahat mapapatingin eh. That's so nakakahiya!
"Don't worry about Psalm." Balewalang sabi niya.
Naglagay siya ng Pancake sa plate ko at nilagyan iyon ng butter.
"Honey or chocolate syrup?" Tanong niya.
"Bakit hindi ako mag aalala kay Psalm eh kapatid ko yon?" Inis na tanong ko.
"He use my car. Ang tagal mo daw, di ka niya mahintay kaya nauna na siya." Sabi niya. "Now, honey or chocolate?"
Ayaw niya talaga tantanan kung honey o chocolate noh?
But wait.... Si Psalm? Mag isa siya?
"Gamit niya yung car mo?! Nang mag isa siya! Baka maligaw yon!" Nag-aalala na sabi ko.
Halos sumigaw-- no, nasigaw na ako! Nag aalala na ako dahil baka maligaw si Psalm! Di niya Kabisado buong manila! What if nabangga pa pala siya? No!
"Omygod! We need to go now, baka maabutan pa natin siya!" Sigaw ko at nag mamadaling kinuha yung bag ko.
Ngunit hinawakan ni Caleb ang pulso ko kaya napaupo agad ako.
"What?!" Inis na tanong ko.
"Eat breakfast, kaya ni Psalm yon." Naglagay siya ng Honey Syrup sa pancake ko.
Hey! Ni hindi ko pa sinasabi na honey ang gusto ko! But honey naman talaga ang pipiliin ko eh.
"Fine. Pero isa lang." Giit ko. Mas mabilis pag isa lang.
"Five." Giit niya.
"Two." Baka lalo ako malate.
"Last number, Four pancakes. Kung ayaw mo, susubuan kita sa room niyo." Banta niya
Agad akong kinabahan. Yung sa car nga tinotoo niya eh! Baka totohanin niya rin ito!
Sumimangot nalang ako. "Fine. But call Psalm. Nag aalala ako sakanya."
Baka maligaw siya. Hindi naman kasi niya kabisado ang manila!
Nag excuse si Caleb para siguro Tawagan si Psalm. Ako ay sinimulan kainin ang apat na Pancake sa plate ko.
I also drink my milk. Masarap ang milk sa umaga kesa kape.
After ko maka dalawang pancake ay pumasok na ulit ng dining si Caleb.
"Hey, nasan daw siya?" I ask.
Hiniwa ko na ang pangatlong pancake at sumubo mg piraso.
"Uhh, nasa convenience store daw siya malapit sa school." He answered.
Napatingin ako sakanya dahil doon.
"Huh? Anong ginagawa niya don?" Tanong ko.
Hiniwa ko ulit ang pancake sumubo.
"Ano....ahh b-bumibili." Nag-iwas pa siya ng tingin at napakamot sa batok.
"Huwag ka mag sinungaling. Halatang hindi totoo eh. Bakit daw nga?" Malapit na ako mainis ha!
"Psalm will kill me." Dahilan niya.
What?
"And I, don't?" Mataray na tanong ko.
Patapos ko na kainin ang pancake, i think dalawang subo nalang. I want to go na.
"May ano daw.... Binabantayan siya." Halatang labag pa sa loob niya ang sabihin iyon.
"Who?" I ask.
Babantayan? Bakit kanya ba yung convenience store na yun at babantayan niya?
"Cha...."
Oh... I know na.
Nang matapos ay tinignan ko ulit ang oras.
7:50 AM
The fudge! Bakit ang bilis ng oras! Baka traffic pa! No way! At 10 minutes?! I don't think makakarating kami don sa oras.
"Hey! Look malelate na tayo!" Frustrated na sigaw ko.
I don't want to be late! Nakakahiya kasi!
"Hey! Hindi tayo malelate. Yung motor ko gagamitin." Kampante na sagot niya.
W-what?
"No!" Ok na sakin malate kesa yun ang sakyan namin!
Nakakatakot! Baka nadulas ang road ngayon!
"Edi sige mamayang hapon na tayo pumasok. Ikaw den, balita ko may assembly ngayon ang mga freshmen." Nag kibit-balikat pa ito.
What? Why? Bakit may assembly? Bakit ngayon pa! Nakakainis!
Napapadyak ako sa inis at walang nagawa kundi ang pumayag.
"Please, dahan-dahan lang ok? I don't wanna die early." Mataray na sabi ko sakanya. But deep inside I'm scared!
Ayoko din talaga sa motor dahil bike nga hindi ako marunong eh! Kasi naman simula nung mag semplang ako nung eight years old ako ayoko na.
"Fine." Tumawa siya ng bahagya at umupo na sa Ducati niya.
Wait....
"Parang nag iba yung motor mo?" pansin ko.
Black parin naman kaso parang medyo sumikip yung upuan? Para siyang one seater lang? The hell? Tumaba ba ako?
"Ah, nagpalit kami ni Jaspher bago ako pumunta nun sainyo." Paliwanag niya.
What?! Mag kaiba pa yon? Pero sa tingin ko ducati din naman ito eh.
"Ang pinagkaiba lang Ducati Monster itong akin. Payat ka--"
"Excuse me!? I am sexy not payat!" I shouted.
Nakakainis dahil tinawanan niya lang ako! Totoo naman eh! Hindi ako payat, sexy ako. Sabi nga nung isang model na kilala ni mommy sexy ako kaya ok sakin mag model.
"Sabi mo eh." Nag kibit-balikat pa ito.
"Oh suot na male-late tayo."
Kukuhanin ko sana ang helmet pero inilayo niya ito sakin.
"Lapit ka." Sabi niya na ginawa ko naman.
Nagulat ako dahil siya ang nag suot ng helmet ko!
"Hey! Ako na kasi eh." Inis na sabi ko.
Tumawa lang siya at sinuot na din ang helmet niya.
Sumakay na ako sa likod niya at inayos ang palda ko. Baka makitaan pa ako. Siya naman ay bahagyang umurong para makaupo ako ng maayos.
"Done?" He ask.
"Yeah, let's go."
Agad akong napakapit sakanya ng umandar na kami. Hindi pa kami nakakalayo ng bigla niya itong pabilisin. As in ang bilis!
Kung kanina sa bewang lang nakakapit nga ay nakayakap na ako sakanya!
Napatingin ako sa palda ko na tinodo ko ang ipit sa hita. Good thing hindi naman ito umaangat.
After a minute andito na kami sa parking. Feeling ko nasusuka ako! Ang bilis niya kasi talaga magpatakbo!
Pagbaba ay napahawak ako sa dibdib ko. The hell was that?!
Tinanggal ko ang helmet at ganun din si Caleb. Agad ko siyang tinignan ng masama at siyempre tinawanan lang ng annoying guy na ito!
"What?" Pa inosenteng tanong niya.
"I hate you." Sabi ko at nilagay sa dibdib niya ang helmet na agad niyang hinawakan.
Aalis na sana ako palayo doon ng tawagin niya ako.
"Hey!"
"What?!" Inis ko siyang nilingon.
Baka nagulo pa ang hair ko! Omg baka nga! But naka helmet naman ako ah? Hindi naman siguro?
"Do you know where the auditorium is?" Nakangising tanong niya. Halata din na nang aasar lang siya.
Dahil sa sinabi niya ay agad akong nainis! Kaasar! Hindi ko alam kung saan! But wait...
Ngumiti din ako ng matamis sakanya.
"We have this thing called google map." Pag mamayabang ko.
Pero imbis na siya ang mainis ay ako ang nainis dahil malakas siyang natawa. Feeling ko hanggang next year pa matatapos yung tawa niya.
"Are you f*****g serious?" Natatawang sabi niya.
What? Ano ba ang nakakatawa don? Halos lahat naman nagamit na non eh! At saka bakit niya kailangan mag mura?! Pwede naman wala yun sa sentence! Argh! Naiinis na talaga ako sakanya!
"Why are laughing?!" Frustrated na sigaw ko.
"You can't find it in google map, Paris." Nakangisi na sabi niya.
Isinabit niya ang dalawang helmet.
Really? Hindi ko mahahanap yon don? Why? Sabi nila google knows everything?
"Tara, sabay na tayo." Alok niya. Bumaba din siya sa motor niya at inayos ang sarili. "Dun din punta ko. Tara."
Bigla niya akong inakbayan ana agad kong tinanggal.
"Hey! Mabigat yung braso mo." Iritadong sabi ko.
Bakit parang lagi nalang akong naiinis sakanya? Actually sa lahat!
"Ang arte naman magaan lang kaya." Depensa niya at binalik ulit sa balikat ko ang braso niya.
"Aalisin mo yan o sisikuhin ko tagiliran mo?" Banta ko sakanya.
Nakakainis siya! Pero ang mokong takot din masiko dahil tinanggal niya ang braso niya. Inirapan ko lang siya at binilisan ang paglalakad.
Pero wala din dahil nakaabot siya sakin. Ang laki kasi ng legs niya tapos yung akin maiksi. Nakakainis!
Hindi ko alam kung nasan na kami pero sinusundan ko lang siya dahil siya ang may alam kung saan ang auditorium.
Maraming babae ang napapatingin sakanya. Ang iba nga pasimpleng kumukuha ng litrato niya tapos ay bubulong na parang kinikilig.
Lahat sila ay sinasamaan ko ng tingin kaya bahagyang napapaatras. Inirapan ko ang ibang masama din ang tingin saakin.
Nakakainis dahil ang iba iniirapan din ako.
Nang makarating sa tapat ay napa wow nalang ako sa laki non. Pabilog din ito at salamin ang ilang parte.
Nagulat ako ng biglang tumunog ang bell At nagpasukan ang ibang mga students na nakatambay sa labas. I look at my wrist watch para tignan kung anong oras na.
7:05 AM
What? Bakit ngayon lang nag bell kung late na ng five minutes?
Nakita siguro ni Caleb na nagtataka ako kaya nagulat ako ng bigla siyang sumagot.
"Late ng five minutes lagi pag may announcement. Medyo dulo din kasi itong auditorium so nagpasya sila na 7:05 am nalang." he explained.
Napatango lang ako at dumeretso na kami papasok sa loob. Kung napa wow ako sa labas. Sobrang ganda naman sa loob!
Parang manonood lang kami sa theater eh. Marami din na upuan palibot. Pataas ito kaya may hagdan sa dalawang gilid. Napansin ko din ang screen na nakapaharap sa pinaka stage ng auditorium.
Siguro andun yung speech or topic.
Nagkagulo pa dahil yung iba gusto sa unahan, yung iba gusto malapit sa pinto. Gusto ko din sa unahan eh. Kaso nakita ko sila Keziah na nasa gitna, kasama niya din sila Cass, Prince at Faye.
Siyempre may dalawang upuan na naka save para samin ni Caleb, or no? Dahil May isa pang upuan sa tabi ni Keziah at may bag din doon.
Sigurado ako na hindi kay Keziah yun dahil papalit palit din kasi siya ng bag. Buti nga di siya nakaka iwan ng gamit eh.
"Hey, good morning." Bati ko sakanila at bahagyang siniko si Caleb para sabihin na bumati din siya.
Nakakahiya naman na nag save sila ng seat tapos rude pa kami.
"GM."
Sinamaan ko siya ng tingin dahil doon. Si manlang ayusin! Di na nahiya kala Keziah!
"Welcome." Sweet na sabi ni Faye.
Ang aga aga may epal. Yan tuloy wala ng 'good' sa morning ko.
Bali ang pwesto namin ay yung unang upuan na may bag tapos si Keziah, next si Prince, Cassandra, ako then si Caleb tapos last si Faye.
Pagkaupo namin agad na dumikit na parang linta si Faye kay Caleb kaya napairap ako.
"Ano sis, ipapatumba ko na yan?" Bulong ni Cassandra.
Nagtawanan kaming dalawa dahil doon.
"Wag na baka mag cry siya." Singit ni Keziah.
Lalo kaming natawa dahil sa sinabi niya. At dahil napapagitnaan niya si Prince siyempre may comment din siya.
"Ay nako mga sis ang ingay niyo." Nag tunog babae pa siya. "yaan niyo na chaka naman siya."
Lalong lumakas ang tawanan namin to the point na napagalitan na kami ng teacher.
Bawat line kasi ng upuan ay may teacher na taga saway. Ang iba coach ata.
"Bakit kayo nagtatawanan?" Bulong ni Caleb sakin.
Dahil inis pa ako sakanya pabalang ko siyang sinagot.
"Panget mo daw kasi." Yung katabi mo panget!
"What? Sabi mo nung una tayong mag kita gwapo ako." Nagtaas baba pa ang kilay niya na halatang nang aasar.
"What? I didn't." Depensa ko sa sarili.
I said that?! Omg that's so nakakahiya!
"Oo sabi mo pa nga may green eyes ako kahit wala." Natatawang kwento niya.
Agad na namula ang muka ko dahil sa sinabi niya. I really said that?! So i was really drunk that night.
Hindi naman talaga green ang mata niya dahil black ito, actually sobrang itim ng mata niya.
Dedepensa pa sana ako pero nagsalita na ang Dean namin.
Nagulat din ako dahil may nakaupo na sa tabi ni Keziah, hawak ng lalaki ang bag. Siya siguro may ari.
But wait, parang kilala ko siya...
"Good Morning Freshmen!" Magiliw na bati ng Dean.
Naalala ko na anak pala ng Dean si Keziah kaya napalingon ako sakanya. Or dapat di ko ginawa dahil nakita ko lang na magka holding hands sila nung guy.
Really, nakita ko na siya eh....
"I gathered you all for one important thing. clubs. for others, it is just a hindrance to learning. but for me? it will help you. it will help you get better. you can also show the talent you have. music club, arts club, name it." anunsyo ng Dean.
Clubs? Argh! I don't want that.
"we encourage you to join clubs. you know you will discover what you can do there."
Really? Mahirap pag sabayin yon! Lalo na sa mga working students.
Pero ang pinaka malaking problema ko, Hindi ko alam kung saan ako sasali.
"Like what they say.... Walang mawawala kung susubukan."
••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••
A/N
Paris outfit is From Stephanie ahn
(YouTube)
Psalm's outfit is From author's imagination
Caleb's outfit is from author's imagination
A/N
Thank you! Seeyah! Muwah!