“Oh, I know him,” sagot ko agad nang makita ang mukha ni Lance sa phone ni Edlyn. Nagulat naman ang mga kaibigan ko. “Really? Basta gwapo ay kilala mo. Ikaw ha,” tunog nang-aasar pa na sambit sa akin ni Edlyn. Inilingan ko naman siya agad. “Kaibigan siya ni Enrique. I met him noong birthday ni Rita. He owned a coffee shop at dinala ako ni Enrique roon para magpahulas,” kwento ko naman sa kanila. “Oh, really? Ang lakas ng dating niya ha. Ay, may boyfriend na nga pala ako,” sambit ni Jessamin. “But you must admit that he’s also handsome, ha,” ani Edlyn. Tumango na lang si Jessamin sa kaniya. “Close friends ba sila ni Enrique?” Napaisip naman ako roon. “Hmm… Hindi ko masasabi na close friends talaga sila. Siguro casual friends lang? Ewan ko na lang ngayon, dahil magkaklase na silang d

