ENTICE ME 8

2206 Words
Napapadalas na ang pagsasama namin ni Enrique. Kapag break time ay kami ang magkasama. Tapos kapag awasan na ay hinihintay niya ako para mailakad papunta sa parking lot, dahil naroon ang sasakyan ko. Hinahatid niya ako hanggang sa kotse ko mismo. Hindi ko tuloy nakikita kung ano ang itsura ng sasakyan niya. Sa rami ba naman ng mga kotse na nakaparada sa parking area. Kada magkasama kami ay inaasar kami nina Jessamin at Edlyn. Mabuti na lang sina April at Divine ay hindi pa rin nahahalata ang pinagkakaabalahan ko nitong mga nakaraan na araw. Baka mahalata pa nila na palaging si Enrique na lang ang kasama ko. Miski ang break time na kasabay ko ang oras ng schedule nina April at Divine, si Enrique pa rin ang sinasamahan ko. Saka na lang ako babawi sa mga kaibigan ko. Sa ngayon ay focus muna ako na magkaroon ng sariling love life! Ngayon ay naglalakad na naman kami papunta sa parking lot. Pero bigla kong naalala na hindi ko dinala ang kotse ko ngayon. Sumabay ako kay Vaughn papasok kaninang umaga. Ang sabi ko kasi ay tinatamad ako na magmaneho. Pero ang totoo, gusto ko lang naman na magpahatid kay Enrique ngayon. “Oh, I forgot! Sumabay nga pala ako kay Vaughn kaninang umaga papunta rito sa C.U. Kaya hindi ko dala ang kotse ko ngayon. Silly me,” bigla ay sambit ko nang makarating kami sa parking lot. Nagkunwari pa ako na napakamot sa ulo, para makaramdam naman si Enrique na ihatid niya ako pauwi. “Ah, gano’n ba? Gusto sana kitang ihatid pauwi kaso sakto rin na hindi ko dala ang sasakyan ko ngayon,” sagot naman niya sa akin. Bahagya naman ako na napasimangot dahil sa isinagot niya. Sayang naman! Kung kailan naman ngayon ko naisipan na mag-inarte, kasabay pa na hindi rin dala ni Enrique ang kotse niya. “Gano’n ba? Sayang naman. Pero ayos lang. Pwede naman akong sumakay ng taxi. Bakit nga pala hindi mo nadala ang sasakyan mo ngayon?” tanong ko pa sa kaniya. Naglakad na kami ngayon papunta sa main gate ng C.U. “Pinaayos ko ang kotse ko. Kaya commute lang din muna ako sa ngayon. Nagkaroon kasi ng sira sa makina, kaya inaayos pa. Bukas ko pa siya makukuha,” sagot naman niya sa akin. Kaso naisip ko na baka mahalata niya kapag bukas ay hindi ko na naman dala ang sasakyan ko. Baka isipin pa niya na gusto ko lang talaga na magpahatid sa kaniya. Wrong timing naman, Apple! “Kaya pala. Pero at least makukuha mo na ulit bukas ang sasakyan mo, kaya hindi na hassle sa ‘yo,” kumento ko na lang. Pero sa loob-loob ko ay medyo nagtatampo ako ngayon. Dahil hindi niya ako magagawang maihatid sa bahay namin. “Pwede naman na sabay na lang tayo pauwi. Isang taxi na lang ang sakyan natin,” sambit naman niya sa akin. Natuwa naman agad ako muli. Yes! Sabay pa rin pala kaming uuwi! Iisipin ko na lang na hinatid niya rin ako. “Are you sure? Baka mapalayo ka lang kapag inuna akong ihatid sa bahay namin. Saan ka ba nakatira?” usisa ko naman sa kaniya. Hanggang ngayon kasi ay hindi ko pa rin alam kung saan ba siya nakatira. Hindi ko naman tinatanong, kaya hindi niya sinasabi sa akin. “Ah, sa Eunpo ako nakatira. Medyo malayo lang ng kaunti sa subdivision na tinitirahan mo,” sagot niya sa akin. Eunpo? Oh! Marami ring mga mayayaman na estudyante na roon nakatira. Sana naman ay makapunta ako sa bahay niya in the future. Kuryoso rin ako sa kung ano ang itsura ng bahay ng future boyfriend ko. “Ayos lang ba kahit ako ang mauna na ihatid? Mapapamahal ka sa pamasahe kapag gano’n,” sambit ko pa. Naisip ko kasi na masiyado siyang praktikal sa buhay kahit na alam ko naman na mayaman siya. Kaya baka mamaya ay maisip niya na mapapamahal siya sa pamasahe. “I don’t mind.” Nang makarating na kami sa main gate ay nag-abang na kami ng taxi. “Ma’am Apple, bakit po magta-taxi ka ngayon? Wala po ba ang driver ninyo?” tanong sa akin ni Kuya Guard sa main gate ng C.U. “Ah, sumabay kasi ako kay Vaughn kanina papasok. Tapos ‘yong kotse naman niya ay nasa gawaan, kaya magta-taxi muna kami ngayon, Kuya. Ngayon lang naman po,” sagot ko. Mababait ang mga guards namin dito at kilala rin kami ni Vaughn. Kaya naman ay nakakatuwa kapag nakikita nila ako dahil ang bait din ng approach nila sa akin. “Mabuti naman po at may kasabay ka ngayon pauwi. Gabi na, eh. Ingat po kayo, Ma’am Apple,” sagot pa niya sa akin. Nagpasalamat na lang ako at muli nang tumingin kay Enrique. “Ang bait mo pala talaga. No wonder, maraming mga lalaki ang nagkakagusto sa ‘yo mula pa noon,” kumento bigla ni Enrique sa akin. Isa ka ba sa mga lalaki na nagkakagusto sa akin? Gusto ko sana na itanong ‘yon sa kaniya, pero siyempre ay wala pa akong kakapalan ng mukha na itanong ‘yon. Saka ko na lang itatanong sa kaniya kapag may lakas na ako ng loob. “Marami nga ang mga lalaki na umaamin sa akin, pero wala naman akong interes sa kanila,” sagot ko naman sa kaniya. “Bakit naman? May mga maaayos naman sigurong lalaki na nagtangka na manligaw sa ‘yo, hindi ba?” tanong niya muli sa akin. Umakto naman ako na nag-iisip. Ano kaya ang pwedeng idahilan ko? Hindi ko naman pwedeng sabihin sa kaniya na dahil gusto ko siya matagal na kaya wala akong pinapatulan na lalaki. “I think I am still not ready for any kind of relationship. Saka na ako papasok sa isang relasyon kapag sigurado na ako na ‘yon ang tamang lalaki para sa akin. Ikaw ba? Ang daming mga babae na nagkakagusto sa ‘yo, bakit wala ka pa ring boyfriend hanggang ngayon?” tanong ko naman sa kaniya. “I’m currently doing my best to be a better man in the future, for the girl that I like.” Deretso niya ‘yon na sinabi habang nakatingin sa mga mata ko. Napalunok naman ako at sobrang kumabog muli ang dibdib ko. Parang lalabas na ang puso ko. Pakiramdam ko ay maririnig din niya ang lakas ng t***k ng puso ko. Bakit ganito ang nararamdaman ko ngayon dahil sa sinabi niya? Hindi naman niya binanggit na ako ang babae na gusto niya. “Taxi!” Mabuti na lang at tumawag na siya ng taxi, kaya napaiwas na ako ng tingin sa kaniya. Nagmadali naman ako na pumasok sa loob ng taxi. Saka tumabi sa akin si Enrique. Sinabi ko na sa driver kung saan ako ihahatid. Nang nasa biyahe na kami ay hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kaniya. “Ang swerte naman pala ng babae na nagugustuhan mo ngayon. Dahil inaayos mo muna ang sarili mo bago ka aamin sa kaniya, gano’n ba?” sambit ko. ‘Yon na lang ang naisip ko na isagot sa kaniya. Para na rin may mapag-usapan pa rin kami ngayon na nasa biyahe. “You can say that. Mas maswerte ako kapag napunta na siya sa akin.” Hindi ko alam kung bakit ang saya na nararamdaman ko kanina ay tila ba napalitan ngayon ng kirot. Bakit pakiramdam ko ay may iba siyang babae na tinutukoy? Well, hindi naman din ako umasa na ako ang babae na nagugustuhan niya. Pero nasasaktan ako ng bahagya ngayon dahil pakiramdam ko ay may gusto na siyang ibang babae ngayon. Talagang maswerte nga ang babae na ‘yon sa oras na mapunta sa kaniya si Enrique. Pero dahil sa sinabi ni Enrique na siya pa raw ang swerte sa babae na ‘yon, pakiramdam ko ay sobrang high class ng babae na ‘yon at walang-wala ako sa kaniya. “Ah gano’n ba. Ang sweet mo naman pala hehe,” sagot ko na lang. Wala na akong iba pang makumento bukod doon. Mabuti na lang at mabilis lang din ang naging biyahe namin at nakarating na kami sa labas ng subdivision namin. “Hanggang dito na lang ako. Mas gusto kong maglakad ngayon papunta sa bahay namin. Thank you and ito nga pala ang bayad ko.” Iaabot ko na sana sa driver ang bayad ko nang pigilan niya ang kamay ko. “It’s on me,” sambit niya. Hindi naman na ako umangal pa. “Thank you and ingat ka.” Agad na akong bumaba sa taxi at naglakad na palayo. Hindi ko na muli pang nilingon ang taxi. Nakaka-hurt naman na malaman na may nagugustuhan na siya ngayon. Dapat na ba akong umiwas sa kaniya? Dahil pakiramdam ko ay wala naman na talaga akong pag-asa kay Enrique. Ano pa nga ba ang aasahan ko? Malamang ay may nakaka-close siyang babae, bukod sa akin. Hindi kaya ay may nakilala na siya sa mga kaklase niya ngayon? Naglalakad lang ako hanggang sa hindi ko namalayan na palagpas na ako sa gate ng bahay namin. “Miss Apple! Saan po ang punta ninyo?” rinig ko na tawag sa akin ng aming guard. Doon lamang ako napabalik sa reyalidad. “Ah, Kuya Guard… Narito na pala ang bahay ko,” nahihiya pa na sambit ko. Binuksan naman niya agad ang gate. “Bakit po naglalakad ka lang? May driver na available rito. Sana ay tumawag kayo para nasundo niya kayo.” “Ayos lang naman, Kuya. Mas gusto ko kasi na mag-commute kanina. Pasok na po ako sa loob.” “Sige, Miss Apple. Pahinga po kayo.” Nagpasalamat na lang ako sa guard namin at pumasok na sa loob ng bahay namin. Hindi ako nakatulog ng ayos sa kakaisip kung sino ang babae na nagugustuhan ni Enrique. *** Kinabukasan ay maaga akong pumasok. Dala ko na ang sasakyan ko, dahil naisip ko na hindi na dapat ako mag-inarte pa sa harap ni Enrique. Kung magkakaroon man siya ng girlfriend, kailangan ko na lang ‘yon irespeto. Iisipin ko na lang na hindi talaga siya para sa akin. Tsaka kung magkakagusto siya sa akin, dapat nangyari na ‘yon. Dahil naging close naman na kaming dalawa. Pero ngayon na may nagugustuhan na siyang ibang babae, ibig sabihin ay hindi talaga siya interesado sa akin. “Ano naman ang iniisip mo at parang sobrang lalim?” “Oh, Lord!” Napasigaw ako sa gulat nang marinig ang isang pamilyar na boses sa gilid ko. Hindi ko napansin na pumasok na rito sa room namin si Enrique ngayon. Tinabihan pa niya ako sa pwesto ko. Mabuti na lang at wala pa masiyadong mga estudyante rito sa loob dahil maaga akong pumasok. Kaya naman ay kami lang ni Enrique ang narito ngayon. Ang iba kong mga kaklase ay lumalabas-labas pa. “What are you doing here?” medyo mataray naman na tanong ko sa kaniya. Hindi ko napigilan ang sarili ko at natarayan ko siya. Nakakainis kasi! Maganda naman ako, mabait, sexy, mayaman, matalino, nasa akin na rin naman ang lahat. Pero bakit hindi na lang siya sa akin nagkagusto? “Hindi yata maganda ang mood mo ngayon, ah? May nangyari ba? Bakit bad mood ka?” dere-deretso pa na tanong niya sa akin. Apple, pigilan mo ang sarili mo na irapan siya! Bakit ko pa ipapakita ang maayos na attitude ko sa harap niya? Kung hindi naman pala ako ang gusto niya. Hindi ko na kailangan pang magpa-good shot sa kaniya! Pero nakakakonsensya naman kung bigla ko na lang siyang tatarayan ngayon. Dahil malamang ay mapapaisip siya kung ano ang nagawa niyang hindi maganda sa akin, kahit na wala naman talaga. “Bakit ang aga mo yata na pumasok ngayon?” tanong ko na lang din sa kaniya. Hindi ko na sinagot ang tanong niya sa akin, dahil wala rin naman akong naisip na palusot. “Boring kasi sa bahay kaya umalis na agad ako roon. Mukhang hindi ka rin nakatulog ng ayos kagabi. Are you okay?“ tanong pa niya sa akin. Tiningnan pa niya ang itsura ko ng mabuti para makita ang mga mata ko. Lumayo naman ako sa kaniya at tumayo. “Enrique, pwede ba na huwag kang maging ganito kalapit sa akin?” sambit ko sa kaniya. Hindi ko na napigilan ang sariling damdamin ko at nasabi ko ‘yon sa kaniya. Nakita ko naman na nagtataka siya sa inaakto ko ngayon. Tumayo na rin siya at hinarap ako. “Hey, what do you mean? May nagawa ba akong hindi maganda sa ‘yo, Apple?” tanong pa niya sa akin. “I mean, pwede ba na huwag ka nang masiyadong maging sweet sa akin at maging malapit? Lalo na ngayon na may babae ka na pala na nagugustuhan, pero ganito pa ang inaakto mo sa akin. I might think the wrong way. Kaya bago pa ako mag-isip ng kung ano-ano, keep your distance from me na. Ayoko rin na maisip ng babae na gusto mo na hindi ka sincere sa nararamdaman mo sa kaniya dahil malapit ka sa ibang babae.” Aalis na sana ako sa room nang pigilan niya ako. “But I want to be close to you…”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD