Nang makabalik kami sa Pinas ay nagpa-celebrate si Dad sa Cashland University - Main Campus dahil sa pagkapanalo ko. Malaki rin ang nakuhang prize ni Manager Ry sa pagkapanalo ko. May additional prize rin kasi siya. Ngunit dahil hindi naman ako gaanong komportable sa kaniya dahil sa mga nasabi niya sa akin tungkol kay Enrique, hindi na siya dumalo pa sa celebration ko sa C.U. Pero inimbitahan ko naman siya. Ang sabi niya lang sa akin ay busy na raw ulit siya. Kaya hindi ko na siya pinilit pa. Tapos na rin naman ang competition ko. Hindi na rin naman siya ang kukunin ko na handler sa susunod na pagsabak ko sa pageant ko. It was a great experience during on her management. Masaya naman ang mga kapwa ko estudyante na nakasuporta rin sa akin sa online noong araw ng pageant ko. Nag-stream sil

