Si Fabrizio parin ang na sunod na kumain muna kami sa isang Tokyo restaurad dito sa Mabini. Kasama rin namin sila Avery at Maxi, hindi parin ako kinakausap ni Fabrizio pero ramdam ko naman ang paninitig nito sa akin. Minsan nahuhuli ko itong nakatingin sa'kin pero agad naman umiiwas nang tingin. Panay naman ang pag kukuwento nang kambal sa Tatay nila. Tawang tawa naman ito sa mga anak niya kahit si Avery at Maxi napapatawa na rin sa kakulitan nang kambal. Siguro wala pang alam si Maxi sa story namin ni Fabrizio. Nakikita ko rin ito sa mga mata niya ang kuryosidad sa pagitan namin ni Fabrizio. Kung bakit hindi kami nag kikiboan samantala Ama siya ng Kambal at ako ang Ina ng mga ito. Pero Mas pinili na nito ang manahimik. Nang matapos na kami kumain ay nag paalam na ako na umowi .

