Chapter 38 Nakasimangot na nakatayo ako sa harap ng salamin habang nakalilis ang t-shirt ko. Ilang beses akong gumigilid para lang matignan ang tiyan ko. Ayoko man na aminin, kahit sa sarili ko, malaki na ang tiyan ko. "Loves..." Nakakunot noo kong ilingon si Warren na kalalabas lang ng bathroom at kaliligo lang. Inunahan ko kasi siyang maligo kanina. Ilang linggo na akong walang ginagawa at araw-araw ay patuloy kong nakikita na tumataba ako. "What happened?" Tanong ni Warren. Lumapit ako sa kaniya at ipinakita ang tummy ko. Kumunot ang noo niya at may pagtatakang hinawakan ang tiyan ko. "May masakit ba?" Hinimas-himas niya ang tiyan ko at patuloy na tinitigan ang mga mata ko. "Look." Tinuro ko ang tiyan ko. "And?" Tumaas ang kanan niyang kilay. "Mukha na akong tadpole sa laki ng

